KABANATA 10 SIGNOS (Last Part)

1.3K 5 2
                                    

Sabi nila, wala daw nakakaalam kung hanggang kelan ang buhay ng isang tao. Wala daw makakapag-sabi kung kelan ang ating kamatayan. Ngunit merong ilang naniniwala na mayroong mga senyales tayo mararanasan kung nalalapit na ang kamatayan ng isang tao. 

Isa sa mga signos na pinaniniwalaan ang iyong huni ng uwak o ibon sa gabi. Tiktik ang tawag dito ng mga taga Talon. Maririnig ang huni nitong "ek ek" sa gabi. Ang iba nga ay naniniwalang aswang ito. Ayon sa karamihan, tuwing maririnig ito ay senyales na mayroong mamamatay sa lugar na iyon. 

Meron ding namang naniniwala na mayroong papananaw na kamag-anak kapag napanaginipan ng isang kaanak na natanggalan o nabunutan siya ng ipin. 

 >>>KAMPANA

        Si Antong, ang kaibigan ni Kael ay nakatira sa poblacion ng Talon. Malapit lamang sa plaza ng bayan ang kanilang bahay. Noong bata pa si Antong ay isa itong sakristan kung kaya't halos sa simbahan na ito lumaki. 

Bata pa si Antong noong pumanaw ang ama nito. Bago daw mamamatay ang kanyang ama ay tila mayroong mga pahiwatig na papanaw na ito........

Maagang nagising noong araw na iyon si Antong. Nagising siya dahil sa tunog ng kampana. Naulinanigan ni Antong na kumakalembang ang kampana noong umagang iyon. Ang nakakapagtaka lang alas-kwatro pa lamang iyon ng umaga. Lubhang napakaaga pa para sa kalembang para sa isang misa. Ang nakakatakot pa ay ang paraan ng pagtunog nito. Dahan-dahan. Kalembang para sa misa ng patay. 

Binalewala ni Antong ang narinig at bumangon na ito. Nagluto ng almusal at nag-gayak para sa eskwela. Bago siya pumasok sa eskwela ay nagpaalam ito sa kanyang mga magulang. Kasalukuyang nasa babuyan ang kanyang ama noong mga oras na iyo kung kaya't kinawayan niya na lamang ito. Napansin niya tila napakasaya ng kanyang ama noong kumaway ito pabalik sa kanya. Mistulang napakaliwanag ng mukha ng kanyang ama.

Iyon na pala ang huling pagkakataon na makikita niyang buhay ang kanyang ama. Sinundo siya ng kanyang kuya bandang alas-dyes ng umaga. Patay na ang kanilang ama. Inatake ito sa puso.

>>>ALULONG

 Sabado noon kung kaya't muling natulog si Kael sa bahay ng kayang mga lolo. Palibhasa'y takot na siyang matulog sa sala dahil lagi siyang nababangungot dito, natulog siya sa kwarto ng kanyang pinsan na si Jun-jun. mas bata ito ng dalawang taon sa kanya. Lolo't lola nila ang nagpalaki dito sapagkat sa ibang bansa nagtratrabaho ang mga magulang nito. 

Matutulog na silang magpinsan ng marinig nilang kamakahol at umaalulong ang mga aso ng kanilang kapitbahay. Naisipang takutin ni Kael ang kanyang pinsan. Sinabi niya rito na kaya umaalulong ang mga aso ay dahil merong nakikita ang mga ito na hindi nakikita ng mata ng normal na tao. Mga kaluluwa. Sa takot ni Jun-jun ay nagtalukbong na lamang ito at natulog. Nakatulog na din si Kael.

Pagkatapos ng ilang araw. Sumakabilang buhay na ang kanilang lolo. Paliwanag ng ama ni Kael ay maaaring senyales na papanaw na ang lolo nito ang pag-alulong ng mga aso. Ayon pa rito, kung saang bahay daw nakatingin ang mga aso, doon mayroong mamamatay. Nakikita daw kasi ng mga aso ang mga nauna ng namatay na mga kamag-anak ng bahay na iyon. Sinusundo daw ng mga ito ang taong mamamatay na.

 >>>WALANG ULO

Isang umaga, nagkwekwentuhan ng mga ang mag-kakaibigan na sina Antong, Kael, Nicola at Melody. Mayroong kasing namatay na binata sa kabilang baryo. Nakapangilabot ang paraan ng pagkamatay ng nasabing binata. Basta na lamang itong natagpuang patay sa kanyang kama. Dilat ang mata. Kagat ang dila. Ayon sa ina nito, kwento daw ng nasabing binata nung umuwi ito kagabi, mayroong daw siyang nakitang maligno. Nakatambay daw ang binata sa waiting shed, mag-isa. Nang mayroong lalaking nakasumbrero ang lumapit sa kanyang. Nakisindi ito ng sigarilyo. Pagka-abot daw nito ng sigarilyo sa lalaki ay napatingin ang binata sa lalaki. Wala daw itong ulo!

Paniniwala ng ina ng binata ay kinuha ng nasabing maligno ang kanyang anak.

Isa ding sa pinaniniwalaang signos sa lugar nina Kael ay iyong mga taong napapansin o nakikitang walang ulo. Marami ang nainiwalang pagkanakita raw ang isang tao na tila walang ulo, pahiwatig ito na siya malapit ng mamatay. Upang makontra ang sinasabing signos, dapat daw ay ihukay ang damit na suot ng taong ito. O kaya nama'y pagsuotin ng sumbrero sa loob ng ilang linggo.

MATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon