KABANATA 6 Dalaw

441 5 1
                                    

Pag namamatay daw ang isang tao ay nananatili muna sa mundo ng mga buhay ang kaluluwa nito sa loob ng 40 days. Minsan ang kaluluwa ng namatay ay hindi nito tanggap na pumanaw na sila o kaya nama'y mayroon pang dapat tapusin kung kaya't sila ay nagpaparamdam. May mga pagkakataon ding hindi pa alam ng mga kaluluwang ito na sila'y patay. Ito ang nalaman ni Kael gamit ang kanyang "MATA". 

Namatay ang ama ng isang kaklase ni Kael na si Laurence. Naaksidente ito habang pauwi galing sa trabaho, nahagip ng rumaragasang trak ang bisikleta nito. Unang gabi ng lamay ay pumunta si Kael kasama ang iba pa nilang kaklase; sina Rowena, Jake, Nicola, Roel at Harry. Pagpasok pa lamang sa bakuran nina Laurence ay nanlamig na si Kael. Alam nitong magkakaroon nanaman siya ng "engkwentro" sa mga kaluluwang di matahimik. 

Biglang parang lumaki at gumaan ang ulo ni Kael ng mapatingin ito sa may balkonahe nina Laurence. Akala nito nananagiinp lamang siya. Hindi tuloy nito mawari kung totoo ba ang kanyang nakikita. Pano'y kitang-kita niya buhay na buhay ang ama ni Laurence na si Mang Eusebio. Masaya itong nakaupo sa may balkonahe habang nakatitig sa mga nagsusugal. Pinikit niya ang kanyang mga mata, pag mulat niya ay wala na si Mang Eusebio. Nang maging ayos na ang pakiramdam ni Kael ay pumasok na ito kasama ang mga kaklase sa loob. Nais tuloy nitong kompirmahin na patay na tlga si Mang Eusebio kaya't dumiretso ito sa kabaong. Napakapayapang nakahimlay sa kabaong ang ama ni Laurence. Suot ang barong at itim na pantalon. Lamang ay mababakas sa mukha nito ang hirap na diranas sa aksidente. 

Umupo na si Kael sa may kumpulan ng kanyang mga kaibigan. Malungkot na kweninto ni Laurence ang aksidente. Ang hindi daw maipaliwanag ng pamilya ni Laurence ay kung paano nakarating sa garahe ang bisikleta ng kanyang ama. Pano'y ng hinatid ng mga taong sumaklolo sa tatay niya ang bisiklekta nito ay iniwan lamang ito sa may mangga. Isa pang kakapagtataka ay mayroon sila nakitang patak ng mga dugo sa may banyo.

Hindi na napigilan pa ni Kael ang sarili. Sinabi niya ang kanyang nakita. Ipinaliwanag din ni Kael na malamang ay si Mang Eusebio ang naglagay ng bisikleta sa garahe. Pati na din ang dugo sa banyo ay galing kay Mang Eusebio. Sinabi niyang malamang ay hindi pa ngayon alam ng ama ni Laurence na pumanaw na ito. Kung kaya't kahit noong naaksidente na ito't namatay ay umuwi pa rin ang kaluluwa nito at inayos ang kanyang bisikleta at pumasok pa ng banyo--- kaya't may dugo doon. Takot na takot habang nakikinig ang mga kaklase ni Kael. Lalo na si Nicola dahil mayroon na itong karanasan kasama si Kael nung nasa elementarya pa sila. Habang nagkwekwento si Kael ay nasulyapan niya sa likod ni Rowena ang kaluluwa ni Mang Eusebio. Taliwas sa mukha nitong masaya noong nasa balkonahe ito, ngayon ay napakalungkot na nito at mistulang naghihinagpis. Wari'y narinig nito ang usapan nilang mag-kakaklase at nalaman nitong patay na siya. Nagkayayaan ng umuwi ang magkakaklase dahil sa takot. Hindi na din pa sinabi ni Kael ang nakita habang sila ay nag-uusap.  

Kinabukasan ay nanginginig sa takot si Rowena habang nagkwekwento bago mag-simula ang kanilang klase. Ayon dito ay dinalaw daw siya ng kaluluwa ni Mang Eusebio. Aniya, pagkagaling sa lamay ay dumiretso na ito sa higaan dahil sa takot sa kwento ni Kael. Ni hindi na nga siya naghilamos o nagsepilyo. Nagising daw siya bandang ala-tres ng madaling araw dahil mayroon umuungol na aso. Padilat daw ng kanyang mga mata ay nakita niyang nasa tapat ng kanyang mukha't halos dumikit na ang mukha ni Mang Eusebio. DUGUAN. Nagsisigaw daw si Rowena palabas ng kanyang kwarto at lumipat na lamang sa kwarto ng kanyang mga magulang at doon natulog.  

Dahil sa narinig ay minarapat na ni Kael na sabihin dito ang nakita sa lamay kagabi. Sinabi nitong nasa likod ni Rowena ang kaluluwa ni Mang Eusebio habang sila ay nakwekwentuhan kung kaya't malamang ay sumama ito sa kanya pauwi. Dapat sana pagkagaling sa mga lamayan ay huwag muna dumiresto pauwi. Maaari munang pumunta sa ibang lugar gaya ng mga kainan o tumambay sa mga plaza upang hindi makasunod ang kaluluwa ng yumao at upang ikaw ay hindi dalawin.

MATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon