KABANATA 7 Christmas Ball

392 2 2
  • Dedicated kay Gienell Laborce
                                    

Sa mga probinsya ay uso tuwing panahon ng kapaskuhan ang mga sayawan. Ginaganap ito mula sa petsang Disyembre 15 at umaaabot hanggang sa ikalawang linggo ng Enero. Ang mga nasabing sawayan ay dinadaluhan ng maraming kabataan. Kadalasan pa nga ay dumadayo ang mga ito sa malalayong lugar para lamang makipagsayaw. Nagsisimula ang sayawan sa ganap na alas otso ng gabi at kadalasang natatapos pagsikat na ng araw. Masaya ang mga dumadalo dito sapagkat ito ang pagkakataon para makilala sila ng ibang kabataan at nararamdamang nila sila ay ganap ng binata't dalaga.

Gaya ng maraming kabataan, ay mahilig ding dumalo sa mga Christmas ball si Kael at ang kanyang mga kaibigan. Halos gabi-gabi silang lumalabas para makadalo sa mga sayawan. Minsa'y nagkayayaan silang dumayo sa Christmas ball sa karatig barangay. Sadya itong malayo kung kaya't kailangan nila ng sariling sasakyan. Dadaan sila sa kalsada sa gilid ng sementeryo at tuloy-tuloy sa napakahabang kabukiran na wala man lang kahit isa bahay. Pagkalampas sa mga kabukiran ay kakahuyan naman ang dapat nilang daaanan. At bago nila marating ang nasabing barangay ay dadaan pa sila sa isang makipot na daanan sa gilid ng ilog.

Ayaw sanang sumama ni Kael sa gabing iyo pagkat masama ang kanyang pakiramdam. Ngunit kasama ang kanyang kapatid na si Tricia kung kaya't siya ay napilitang sumama. Kasama din nila ang mga kaibigan niyang sina Antong, Josh, Elton, Rowena, Harry, Tina, Robert at ang driver ng tricycle na si Andy. Nagkasya silang sampu sa tricycle ni Andy. Palibsaha'y makukupad kumilos ang mga babaeng kasama nila, mag-aalas nuebe na ng gabi ng sila'y maakalis papuntang sayawan.

Sa loob ng tricycle ay napakaingay ng mga babae. Sa sobrang saya nila sa pagkwekwentuhan ay meron pang tumitili. Natahimik lamang sila nung sinabi ni Andy na malapit na sila sa sementeryo. Sa pagkakataong ito ay nasulyapan ni Kael ang tarangkahan ng sementeryo, bahagya itong nakabukas, at mayroong matandang babae ang tahimik na nakatayo doon. Walang imik ang babae na nakamasid lamang sa kanila. Hindi alam ni Kael kung nakita din ng kanyang mga kaibigan ang matandang babae o kung siya lamang ang nakakita rito. Hindi na lamang ito kumibo. At nalampasan na nila ang sementeryo nung magsimula nanamang magkwentuhan ang mga babae. Wika pa ni Tina na maari na silang maingay kasi nalampasan na nila ang sementeryo kung saan pwedeng maistrobo ang mga natutulog na ispirito.

Katabi ni Kael si Elton sa tuktok ng tricycle. Sadyang napakadilim ng lugar. Kahit ang buwan ay mistulang nagtago't pinagdamot ang taglay nitong liwanag. Tanging ang ilaw lamang mula sa bumbilya ng tricycle ang gumagabay sa kanila sa makipot na daan. Wala kang makikita sa paligid kundi ang nakakabulag na kadiliman. Kinalabit ni Elton at tinanung si Kael kung anong gagawin nya pag may lumitaw na aswang at sila'y ilipad palayo. Sinaway ni Kael si Elton sapagkat kanina pa ito kinakabahan mula nung makita nya ang babae sa may sementeryo. Patuloy naman sa pag-iingay at pagtawa ang mga babae sa loob ng tricycle.

Walang anu-ano ay biglang tumigil ang sasakyan. Tumirik ito sa gitna ng daan. Nagtitili ang mga babae sa sobra nilang gulat. Bumaba silang lahat sa tricylcle maliban kay Tina at Rowena. Tinignan ni Andy ang motor ng tricycle at hinanap ang problema. Wala naman itong makitang problema sa kanyang sasakyan. Takang-taka ito sa nangyari. Lahat sila ay takot na takot sapagkat sobrang napakadilim ng paligid at walang kahit ni isang bahay man lamang. Ang tanging makakarinig kung sakali mang humingi sila ng saklolo ay ang mga naglalakihang puno lamang. Nanginginig sa takot ang mga babae sa loob ng tricycle, si Tricia naman ay bigla hinablot ang kamay ng kanyang kuya sapagkat may narinig daw itong bumulong sa kanyang likuran. "Dito na lang kayo". Iyon daw ang sinabi ng bumulong sa kanya. Tignan ni Kael kung sino ang nasa likuran ni Tricia ngunit hindi niya ito maaninag sa sobrang dilim. Para lamang itong anino. At inakala niyang isa ito sa kanyang kaibigan. Naisipan niyang pababain sina Tina at Rowena sapagkat alam niyang sila ay pinaglalaruan na ng mga ispirito. Naghawak-hawak sila ng kamay at bumuo ng isang bilog. Binilang ni Antong kung ilan sila upang makasiguro na kompleto sila. Sa laking gulat ni Antong, ay sa halip na sampu ang kanyang mabilang ay naging------- labing-isa!!

Nagsimula ng umiyak sa takot ang mga kabigan ni Kael. Ang mga babae ay hindi na mag-kamayaw sa pagtili. Sinabihan sila ni Kael na wag bumitaw sa pagkakahawak at sila'y taimtim na nagdasal. Pagkatapos ay nagsalita si Kael at humingi ng paumahin sa mga ispiritong kanilang nagambala. Inutusan din ni Kael ang mga kasama na baliktarin ang kanilang mga suot na damit. Pagkatapos nito ay sinubukan na ni Andy na paandarin ang tricycle. Laking pasasalamat nila nung umandar ito. At sa halip na tumuloy pa sa sayawan ay dali-dali ng inikot ni Andy ang tricycle at paspas na nagdrive pabalik ng bayan.

Mula noon ay pinangingilagan ng mga sinuman ang Christmas Ball sa barangay na iyon mula noong ikwento nina Kael ang kanilang karanasan.

MATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon