Sa mga probinsya, paboritong puntahan ninuman ang mga ilog at batis. Palibhasa’y libre. Sa may bukid sa likod ng bahay nila Kael, mayroong isang batis. Nagmumula ang tubig nito sa bundok ng Caraballo, kaya’t ito’y napakalinis at napakalamig. Tuwing Sabado o Linggo, punong-puno ito ng mga batang nagtatampisaw at mga nanay na nagsisipaglaba. Mayroon ding mga isda gaya ng hito, dalag at gurami na nahuhuli dito ang mga magsasaka.
Napapalibutan ng malalaking puno ng acacia, kaimito at ipil-ipil ang nasabing batis.
Isa si Kael sa mga batang madalas maligo sa nasabing batis. Kasama niya ang kanyang mga pinsan at kaklase.
Isang Sabado, nagkayayaan sina Kael at kanyang mga kaibigang sina Antong, Elton at Josh. Gaya ng dati, bitbit nila ang iba’t-ibang prutas gaya ng mangga, bayabas at santol. Pati na rin ang kanin at ulam nilang talbos ng kamote at tinapa para sa kanilang tanghalian.
Masaya ang apat na magkakaibigan habang nagtatampisaw sa batis. Pagsapit ng tanghalian, nagpagkasuduan nilang kumain na. Naghanap sila ng pwedeng masilungang puno bilang proteksiyon mula sa init ng araw.
Sa may parteng burol na kung saan medyo malalim ang tubig sa batis, meron isang napakalaking puno ng Acacia. Doon nila napagkasunduang sumilong at mananghalian. Inayos nila ang kanilang mga gamit at sinimulang kumain. Malayo-malayo ang lugar na iyon sa talagang pwesto ng mga nagpupunta sa batis kung kaya’t solong-solo nila ang lugar. Napakatahimik. Wala kang maririnig kundi ang huni ng mga ibon at ang paglawiswis ng hangin sa mga dahon ng acacia’t kawayan. Naisipan pang kumanta ni Antong, wala ito sa tuno kung kaya’t tawanan silang magkakaibigan. Habang nagtatawanan, may narinig si Kael. Boses ng isang babae na mistulang sumisigaw. Tinatawag nito ang kanyang anak. “Anak ko!”
Pinakinggan maigi ni Kael ang sigaw. Bigla siyang sinilakbot ng takot. Ang akala niyang sigaw ay panaghoy pala. Tunog hinagpis ng isang inang nawalan ng anak. Paulit-ulit niya itong naririnig. Umaalingawngaw sa kaniyang pandinig. Napansin siya ng kanyang mga kaibigan at tinanung kung anong problema. Sinabi niya sa kanila ang kanyang narinig. Lalong natakot si Kael noong sabihan ng kanyang mga kaibigan na wala silang narinig.
Alam ng mga kaibigan ni Kael na siya’y kakaiba. Nakakakita’t nakakaramdam siya ng mga kakaibang nilalang. Kung kaya’t napagkasunduang nilang umuwi na lamang.
Kweninto ni Kael sa bahay ang pangyayari. Sinabi ng kanyang lola na meron talagang nananahan sa parteng iyon ng batis. Madalas na maririnig ang panaghoy ng sinasabing “bantay” ng batis. Sa tuwing naririnig daw ang panaghoy nito ay merong namamatay.
Bata, pag ang sigaw nito’y “Anak ko!”
May asawang lalaki o babae, pag ang sigaw nito’y “Asawa ko!”
At matatandang lalaki o babae kung ang sigaw nito’y “Tatay ko! O Nanay ko!”
BINABASA MO ANG
MATA
ParanormalWhat if ang mga mata natin ay merong ibang nakikita bukod sa mga normal na bagay-bagay? Makakayanan mo bang mamuhay ng normal? Tuklasin ang buhay at mundong ginagalawan ng mga taong merong pangatlong MATA.