KABANATA 4 KLASSROOM

486 5 1
                                    

Nasa ika-anim na baitang sa mababang paaralan si Kael. Bilang isang mag-aaral, nanguna siya sa lahat ng asignatura sa kanilang klase. Lamang, ay mahina ang kanyang katawan pagdating sa mga pisikal na gawain.

Napabilang siya sa klase ng VI-Rizal. Ang kaniyang guro ay isang biyuda na si Ginang Angeles. Napakaistrikto ng nasabing guro. Araw-araw ang kailangan nilang lampasuhin gamit ang dahon ng saging ang sahig ng kanilang klassroom upang maging makintab. Dinidiligan nila ang lahat ng halaman sa kanilang klassroom. Kailangan pa nilang magsalok ng tubig sa isang batis sa likod ng eskwelahan gamit ang mga galon.

Kilala sa buong skul si Kael dahil sa kanyang angking katalinuhan. Iyon nga lamang, hindi siya nakakasali sa tuwing mga aktibidad sa PE dahil sa mahina niyang katawan.

Isang araw, kailangan pumunta ang klase ng VI-Rizal sa court para sa kanilang aktibidad sa PE. Napilitang naiwan sa klassroom si Kael, kasama ang kaniyang kaklaseng si Nicola na noon ay kagagaling lang sa sakit kung kaya’t di rin ito pwedeng mapagod.

Napagkasunduan nilang maglinis na lang sa kanilang klassroom.Dahil sa biglaan ang kanilang paglilinis, wala silang dalang dahon ng saging kung kaya’t naisipan nilang manguha sa likod ng eskwelahan. Dala ang gunting, nagtungo sila sa batis at nanguha ng ilang piraso ng dahon ng saging.

Pagbalik sa klassrom, nilapag nila sa may divan ang mga dahon. Naisipang maghugas ni Kael sa banyo sapagkat malagkit ang dagta ng dahon ng saging na naiwan sa kanyang mga kamay. Pagdating niya sa may banyo, nakasara ang pinto at narinig nya nga pagtilamsik ng tubig sa sahig ng banyo kung kaya’t inisip niyang nasa banyo na siguro ang kanilang guro na si Ginang Angeles. Upang hindi masayang ang oras ay hindi na naghugas ng kamay si Kael. Sinimulan nilang ilampaso ni Nicola sa sahig ang mga dahon ng saging.

Habang nglalampaso, may naamoy silang napakabaho. Animo’y nasusunog na laman ng tao at nakakasulasok ang amoy. Kinabahan si Kael at Nicola palibhasa’y alas kwatro na ng hapon at sila lamang ang nasa klassroom. Naalala pa nila ang kwento na mayroong namatay na estudyante si Ginang Angeles noong nakaraang taon. Kakatapos lamang daw nitong maligo at nung mamamalantsa na ito ng damit ay nahawakan nito ang kawad na plantsa na may sira at nakuryente’t namatay.

Sa takot ng dalawa ay tumakbo sila sa banyo at kinatok nila si Ginang Angeles. Walang sumasagot sa loob ng banyo kaya’t patuloy nila itong kinatok. Sa lakas ng kanilang pagkatok sa pintuan ay natumba ang katabing kabinet. Nahulog ang lahat ng laman nitong mga folder, portfolio at kung ano-ano pa. sa ibabaw ng mga nagkalat na gamit, ay merong nangibabaw na isang malaking kwaderno. Pagpulot dito ni Nicola ay bigla na lang itong sumigaw at napahagulgol. Ang nasabing kwaderno ang ang sulating pang-wakas ni Mary Jane Andrada--- ang namatay na estudyante ni Ginang Angeles noong nakaraang taon. Sa sobrang takot ni Kael at dahil na din sa hindi mapigilang pag-iyak ni Nicola ay pinuwersa niya binuksan ang pintuan ng banyo. Lalo silang mangilabot noong pagbukas ng pinto ay lalong lumakas ang amoy nasusunog na laman at wala dito si Ginang Angeles.

Nagtatakbo palabas ng klassroom si Kael at Nicola papuntang court. Isinalaysay nila sa mga guro’t kaeskwela ang pangyayari. Nalamang nila mula sa isang pinsan ng yumaong si Mary Jane na iyong pala ang araw ng kanyang kapanganakan. Paniniwala ng mga guro na nais lamang nito magparamdam at maalala ng mga dating guro. Nagpadasal ang eskwelahan kinabukasan para sa ikakatahimik ng kaluluwa ni Mary Jane. 

MATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon