Buwan ng Nobyembre, sa napakalamig na ihip ng hangin at nakakabulag na dilim isinilang si Kael. Dakong bukangliwayway na noong marinig mula sa kanilang maliit na tahanan ang kanyang iyak. Ipinanganak siyang malusog na sanggol.
Noong mga ilang buwan na mula ng isilang si Kael, may napansing kakaiba ang kanyang ina. Tuwing alas sais ng gabi, may naaamoy ito masangsang na amoy. Animong ihi ng hindi maipaliwanag na hayop. Nagmumula ang amoy sa gawing ulunan ng sanggol na si Kael. Lagi ring napapanis ang sinaing na kanin sa kanilang bahay. Naikwento ito ng nanay ni Kael sa mga kapitbahay. Isang matanda ang nagsabing senyales daw ito na mayroong masamang espirito ang dumadalaw sa kanilang tahanan. Pinayuhang maglagay ng itak malapit sa higaan ni Kael ang kanyang ina upang maitaboy daw ang masamang ispirito.
Ngunit sa halip na matigil ang di maipaliwanag na mga pangyari, lalo itong lumala. Hanggang isang araw, naglilinis ng mga botelya ang nanay ni Kael. May narinig itong napakatinis na sigaw mula sa kuna ng bata. Dalidali ito tumakbo patungo roon. Ngunit pagpasok niya sa kwarto, nagimbal siya sa kanyang nakita. Di niya alam kung tutuloy siya papasok upang kunin ang kanyang sanggol o tumakbo palabas ng kanilang bahay. Hawak ng isang di maipaliwanag na nilalang si Kael. Merong itong napakahabang buhok. Matang namumula at nanlilisik. Napakahabang nguso na animong malaking daga. At napakahabang kamay at mga braso.
Dali-daling kinuha ng nanay ni Kael ang itak at akmang itataga na ito sa nilalang na bigla namang nawala. Naiwang umiiyak ang sanggol na si Kael sa kuna.
Napagtanto ng ama’t ina ni Kael na ito’y kakaiba. Sabi-sabi ng mga tao sa kanila na nakaalam ng pangyayari na maaring gustong kunin ng mga lamang lupa si Kael. Merong ding nagsabing, maaring natutuwa lang ang mga ispirito kay Kael at walang hangad na masama kundi ito’y paglaruan lamang.
Kung ano’t-ano pa man ang dahilan, nagdesisyon ang mga magulang ni Kael na lagi na itong bantayan upang di na maulit ang nakakapanghilakbot na pangyayari.

BINABASA MO ANG
MATA
ParanormalWhat if ang mga mata natin ay merong ibang nakikita bukod sa mga normal na bagay-bagay? Makakayanan mo bang mamuhay ng normal? Tuklasin ang buhay at mundong ginagalawan ng mga taong merong pangatlong MATA.