KABANATA 5 Bangungot

454 5 5
                                    

Sinasabing pag busog daw ang isang tao o kaya nama'y sobrang pagod ay malaki ang potensyal na ito'y managinip ng hindi maganda. BANGUNGOT-- ito ang alam ng karamihan.

Sa pamilya ni Kael ay may mga paniniwala pagdating sa bangungot. Namatay kasi habang natutulog ang isang tito ni Kael dati. Kinuha daw ito ng masamang ispirito na nagpakita sa pananginip nito. Ayon sa ina ni Kael, pag matutulog ka dapat ay hindi nakatapat ang iyong ulo sa poste. Bawal ding nasa ilalim ka ng hagdan or beam ng mga poste. Malamang sa sigurado daw eh mababangungot ka. 

Sanay na sa bangungot si Kael. Madalas ay nananaginip siya tungkol sa mga pumanaw na nilang kamag-anak. May mga gabing nagigising na lamang siyang umiiyak.

Isa sa pinakapromenenteng bangungot na narasan ni Kael ay noong mga panahon natutulog siya sa bahay ng kayang lolo. Isa itong napakalaking bahay na itayo noon pang panahon ng mga kastila. Ang mga bintana ay gawa sa kapiz shells, ang mga poste ay napakalaking puno ng narra. Ang sahig ng bahay ay gawa sa puno ng mahogany na napakakintab.

Sa kanilang lugar ay pinangingilagan ay nasabing bahay dahil nga sa kalumaan at paniniwalang pinamumugaran ito ng mga multo. Nakagawian ng matulog ni Kael sa sala tuwing siya ay tumitigil sa bahay na iyon. Naglalatag lamang siya ng banig sa gitna ng kanilang napakaluwang na sala.  

Nagsimula ang lahat noong isang gabi natulog siya sa bahay ng kanyang lolo. Gaya ng nakagawian, natulog siya sa may sala. Pagkapikit na pagkapikit niya ng kanyang mata, ay may naramdaman siyang kaluskos sa kanyang may paanan. Kung kaya't siya'y dumilat at laking gulat niya ng may makita siya matangkad na kalbong lalaki. Nakasuot eto ng barong at edad 40 pataas. Sa takot ni Kael ay nais nitong sumigaw ngunit walang lumalabas na boses sa kanyang bibig. Halos mapaiyak na siya sa sobrang takot at nahirapang huminga. Bigla na lang siyang nagising at napaiyak. Binabangungot pala siya. 

Pauilt-ulit siya nababangugot sa tuwing natutulog siya sa bahay ng kanyang lolo. Pinakahuli ay iyong muntik na siya mamatay. Gaya ng dati, sa sala siya ulit natulog. Nagsimula ang kanyang panaginip na nakikita niyang nakahiga ang kanyang katawan sa kama. Parang nakahiwalay ang kanyang kaluluwa at pinamamasdan niya ang kanyang katawan na natutulog. Nang biglang nagpakita ulit ang lalaking nakabarong. Sa pagkakataong ito, nanlilisik ang kanyang mga mata. Natakot si Kael at tumakbo ito papasok sa kwarto ng kanyang pinsan. Wala naman ang pinsan niya rito. Muli siyang sumigaw, ngunit gaya ng dati ay walang nakakarinig sa kanyang. Papalapit na sa kanyang ang lalaki. Dahandahan itong lumulutang patungo kay Kael. Nakaaktong sasakalin siya nito. Ang tanging pag-asa ni Kael upang makaligtas mula sa lalaki ay ang tumalon sa bintana. Di na siya nag-atubili. Tumalon siya sa bintana't tumama ang kanyang likod sa nakausling bato. Nahirapan siyang huminga. Ramdam niyang nanghihina na siya't nandidilim na ang kanyang paningin. Nang bigla siya nagising dahil sa pagyugyog sa kanyan ng kanyang pinsan.

Ayon sa kanyang pinsan ay napakalakas ng ungol ni Kael habang natutulog kaya siya ginising nito. Ikweninto ni Kael ang panaginip at napagtantong napapanagipan din ng kanyang pinsan ang parehong lalaki humabol kay Kael sa kanyang panaginip.

Mula noon ay hindi na natutulog mag-isa si Kael sa bahay ng kanyang lolo. 

MATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon