Sinasabing bawat bahay, puno, kanto o kahit sang lugar pa man ay merong nagbabantay. Maaaring ito ay ang mga kaluluwa ng mga taong dating nakatira sa bahay na iyon napumanaw na. O kaya nama'y iyong kaluluwa ng taong namatay sa saktong lugar na iyon. Minsan nama'y ito iyong mga elementong nagbabantay talaga sa mga lugar na iyon, gaya ng mga nasa puno, ilog, skul atbp.
Pag sapit ni Kael sa Kolehiyo ay lumipat na ng bahay sina Kael, nadestino kasi sa ibang bayan ang kanyang ama. Mabuti na din iyon sapagkat maraming magagandang eskwelahan sa kanilang nilipatan. Arkitektura ang kanyang kinuhang kurso.
Sa bagong bagay nina Kael ay hindi pa rin siya tinantanan ng kababalaghan. Ayon sa mga kapitbahay nila, dating nasunog ang bahay na tinutuluyan nila ngayon. Muli lamang itong itinayo gamit ang mga nailigtas na mga yero't kahoy mula sa nasunog na bahay.
Mayroon tatlong kwarto ang bahay na iyon. Ngunti ayaw pagamit ng may-ari ng bahay ang isang kwarto. Bawal daw iyon buksan sa hindi malamang kadahilanan nina Kael. Sa isang kwarto ang nanay at tatay nya. Palibsaha'y babae ang kanyang kapatid, minabuti ni Kael na sa sala na lamang matulog at sa kwarto na ang kanyang kapatid.
Maligalig ang mga ispirito sa bahay na iyon. Kahit na sanay na ang pamilya ni Kael sa mga kababalaghan ay naapektuhan pa rin ang kanilang araw-araw na pamumuhay. Walang pinipiling oras ang pagpaparamdam ng mga ispirito sa bahay. Madalas ay mayroong silang naririnig na iyak sa saradong kwarto. Ang mga maliit na bagay gaya ng mga susi ay madalas nawawala at bigla na lang ding makikita. Natutong mamuhay ang pamilya ni Kael kasabay ng mga pagpaparamdam ng mga ispirito sa bago nilang bahay.
Pagsapit ng ikatlong buwan nina Kael sa bahay na iyon ay lalong tumindi ang mga nakakapangilabot na pangyayari. Naging mas aktibo ang mga ispirito. Nagpapakita na ang mga ito. Minsan ay naiwang mag-isa sa bahay si Tricia. Nagpunta ang mga magulang nila sa plaza at si Kael naman ay nasa eskwelahan pa para tapusin ang ilang gawain nya roon. Nakahiga si Tricia sa kanyang kama habang nagpapatugtog ng radyo. Gaya ng dati ay narinig nitong tila may naglalakad sa kabilang kwarto ngunit di na nya ito pinansin sapagkat sanay na siya rito. Maya-maya ay nakarinig siya ng dabog sa kanilang kisame. Palakas ng palakas. Animoy mayroong nilalang na nagbubuhos ng galit sa pamamagitan ng paghampas sa kanilang kisame. Nanginig na sa takot si Tricia ngunit ayaw niyang lumabas ng kanyang kwarto. Minabuti nyang lakasan ang radyo at magtalukbong na lamang ng kumot. Sa sobrang takot ni Tricia ay halos maiyak na ito. Pano kasi ay hindi tumitigil ang dabog sa kanilang kisame. At maya-maya pay hindi na siya nakatagal., nais na niya lumabas ng bahay at tumakbo papunta sa kanilang mga kapitbahay. Pikit mata siyang tumalon pababa ng kanyang kama at tumakbo sa pinto ng kanyang kwarto. Hinawakan niya ang doorknob at dali-dali pinihit ito para buksan. Paghila niya sa pintuan ay mistulang siyang binuhusan ng napakalamig na tubig. Nanigas siya sa sobrang gulat at takot. Paano'y naroo't nakatayo sa kanyang pintuan ang isang nilalang na duguan, nanlilisik ang mga mata at nakaabot ang kanang kamay kay Tricia. Wala ng nagawa si Tricia kundi sumigaw. Umiyak. Manatili sa kanyang kinatatayuan. Iyon na ang puntong nadatnan ng kanilang mga magulang.
Pagkatapos ng karanasang iyon ni Tricia ay lalo pang tila nagalit ang mga bantay sa kanilang bahay. Basta sumapit ang hating-gabi ay maririnig nilang mayroong naglalakad sa kanilang bubungan. Makikita pa ang mga yupi sa yero ng kanilang bubungan pagsapit ng umaga. Minsa'y pay nagising si Kael mga alas-tres ng umaga sapagkat may narinig siyang bumubulong sa kanyang tenga. Pag mulat niya mayroong babaeng nakaupo sa kanyang paanan. Nakasuot ito ng itim na bestida at bahagyang ngumiti sa kanya. Ang kanya namang nanay ay palaging nararamdam na mayroong humahawak sa kanyang batok o buhok tuwing naliligo ito.
Dahil sa mga pangyayari ito ay minabuti nina Kael na lumipat na ng bahay. Nung huling gabi nina Kael sa bahay na iyon ay ang pinakamatinding pagpaparamdam ng mga multo. Mga ala-una na ng madaling araw sila natulog sapgkat buong araw silang abala sa pag-impake at pag-aayos ng kanilang mga gamit. Nang mahimbing na sila sa pag-tulog ay ginising sila ng malalakas na kalambong sa kanilang bubungan. Rinig na rinig ang mga yabag ng malalaking paa sa bubong. Tila tumatalon na malalaking tao ang mga ito doon. Dahil dito'y takot ang buong pamilya ni Kael. Nagpatuloy ang ganoon ng halos isang oras. Pagkatapos ay sobrang tahimik na ng buong paligid. Bumalik na silang lahat sa pagtulog maliban kay Kael, paano'y nakita niya ang lahat ng bantay sa bahay na iyon, nakapaligid sa kanilang bahay. Isa rito ang isang dalagang nasunog nung masunog ang bahay na iyon, ito iyong nagpapakita kay Tricia. Mayroong ding mga itim na duwende, sila ang malimit na magtago ng mga maliliit na bagay s kanilang bahay. Mayroong ding mag-asawang kapre, sila ang madalas na naglalakad sa kanilang bubungan. At panghuli ay ang babae, siya ang dating may-ari ng bahay.
Kinausap niya ang mga ito at nag-alay ng dasal para sa kanilang ikakatahimik.
BINABASA MO ANG
MATA
ParanormalWhat if ang mga mata natin ay merong ibang nakikita bukod sa mga normal na bagay-bagay? Makakayanan mo bang mamuhay ng normal? Tuklasin ang buhay at mundong ginagalawan ng mga taong merong pangatlong MATA.