KABANATA 8 Ang Manliligaw

380 3 0
                                    

Sa mga baryo ay uso pa rin ang tradisyonal na panliligaw. Ung dadalaw ang lalaki sa bahay ng kanyang nililigawan dala ang mga bulaklak at kung ano-ano pang regalo. Pero paano kung ang maliligaw mo ay maligno?? Anong gagawin mo??

Noong tumungtong sa hiskul si Kael ay nagkaroon ito ng mga bagong kaibigan sapagkat sa ibang bayan siya nag-aral. Ngunit kailangan niyang bumiyahe ng halos isang oras para makarating sa kanyang bagong paaralan. Madalas ay madilim na kapag nakakauwi siya sa kanilang bahay.

Palibhasa'y nagbibinata na si Kael, natuto na rin itong humanga sa mga babae. Isa sobrang kinawilihan niyang babae ay si Melody. Isa ito mabait at matalinong dalaga. Sadyang napakaganda't maamo ang maliit na mukha nitong binabagayan ng mahaba niyang buhok. Ngunit dahil sa bata pa sila at lubhang istrikto ang mga magulang ni Melody ay nanatili na lamang silang mag-kaibigan.

Naging maayos ang pag-sasama bilang magkaibigan ni Kael at Melody hanggang sa nagkaroon ng pag-babago kay Melody. Naging madalas ang pag-liban nito sa klase. Ayon sa pinsan ni Melody ay lagi daw itong nagkakasakit. Isang araw ay naisipang dumalaw ni Kael sa bahay nina Melody. Pagdating pa ni Kael sa bahay nina Melody ay agad napukaw ng kanyang pansin ang napakatayog na puno ng sampaloc sa may bandang likuran. Animoy mayroong kung anong nilalang na nasa puno na noo'y namamatyag sa pagdating ni Kael. Pinapasok si Kael ng ina ni Melody at pinaghintay sa may sala. Umiikot ang tingin ni Kael sa buong kabahayan na sadyang madilim. Nangilabot siya sapagkat nakaramdam siya ng kakaibang lamig na tila'y dumantay sa kanyang likuran. Siya namang biglang pagnaog ni Melody mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Masaya itong bumati kay Kael. Wala naman itong sakit at mistulang napakasigla. Napansin lang ni Kael na tila nababalutan ito ng maitim na anino. Kinamusta ni Kael ang pakiramdam ni Melody at sinabi nitong mabuti naman na ang pakiramdam nito. Ok na siya maliban na lang sa mga malalaking pasa sa kanyang hita at katawan na hindi niya alam kung sang galing o anong dahilan at mayroon siya. 

Malikot ang mata ni Melody, kung kaya't alam ni Kael na may gusto itong sabihin sa kanya. Pinatatag ni Kael si Melody at sinabi ritong maari siya magsabi ng kahit na ano sa kanya. Tinanung ni Melody si Kael kung naniniwala siya sa multo. Dito na nagsimulang magkwento si Kael ng kanyang mga karanasan kay Melody.

Pagkatapos magkwento ni Kael kay Melody ay merong itong nakakagimbal na isiniwalat. Sinabi nitong merong laging sumusunod sa kanyang napakalaking tao. Lalaki ito, na sa sobrang laki ay yumuyuko  pa sa tuwing sumusilip ito sa bintana ni Melody. Nasa ikalawang palapag ang kwarto nito. Pagsapit daw ng alas otso ng gabi ay lagi ito nagpaparamdam sa kanya. Naaamoy ni Melody ang hangin na sobrang panghi. Nararamdaman din niyang mayroong naglalakad sa kanilang bubung ng bahay. Minsan naman ay naririnig niyang nilalaro ng nasabing lalaki ang kanilang yero o sampayan. Pinapatunog niya ito at ginagawang mistulang gitara. Pag-gising din sa umaga ni Melody ay mayroong mga papatuyot na bulaklak ng gumamela sa ilalim ng kanyang kama na maari lamang makuha mula sa kabilang ibayo ng kanilang lugar.

Doon nakompirma ni Kael na mayroon ngang namamahay sa puno ng sampaloc nina Melody. Sinabi nitong ang nakikitang malaking tao ni Melody ay isang kapre. Maaring gusto ng kapre si Melody at ito'y nanliligaw sa kanyan. PInayuhan niya si Melody na maglagay ng itak sa kanyang kwarto sapagkat pinaniniwalaang takot ang kapre dito. Sinabi din ni Kael na iwasang mag-iwan ng mga sinampay sa labas ng bahay pag gabi, lalo na iyong mga panloob na kasuotan. Pinaniniwalaan kasing maari ka raw mabuntis ng kapre gamit lamang ang iyong panloob na kasuotan kung itong iyong mapabayaan sa labas ng bahay.

MATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon