“Hoy! Umiinom ka na naman dyan.”
Hay nako. Brokenhearted na naman siguro itong si Ever.
Kinuha ko iyong basong iniinom niya para matigil na siya.
“Ano ba?! Basag trip ka ah.” sabi niya pagkakuha ko.
“Basag trip pa ako? Hindi ka pa ba naiihi dyan eh malapit mo na ngang maubos ‘tong isang gallon ng tubig.”
Ganyan kasi si Ever kapag depressed o kaya heartbroken. Walang tigil uminom ng tubig. Mayroon nga dati noong iniwan siya ng boyfriend niya sa anniversary nila, nakaubos siya ng 3 gallon ng tubig. Syempre pagkatapos noon ay pabalik balik siya sa banyo kakaihi.
Ewan ko ba dyan kay Ever. Tubig ang pinagdidiskitahan kapag malungkot. Pero mas okay na siguro iyon kaysa alak ang laklakin niya.
Hindi siya sumagot sa akin at bigla na lang nagsimulang humagulgol.
“Ano bang meron sa akin at lagi na lang akong iniiwan? Minamahal ko naman sila ng sapat eh. Hutch, pangit ba ako?”
Tawag lang niya sa akin ang Hutch. Josh kasi ang pangalan ko. Eh sabi niya idol daw niya si Josh Hutcherson, kaya ayan dahil kapangalan ko daw siya, Hutch na lang ang itatawag niya sa akin.
“Ever, hindi ka naman pangit eh. Kaso.....”
“Kaso?”
“Hindi ka rin maganda.” sabi ko
Binato niya ako ng unan na nasa tabi niya.
“Wow ha. Thank you sa comfort.” sabi niya at akmang kukunin na naman niya yung baso niyang may tubig.
Pinigilan ko siya at kinuha ang baso na iyon.
“Ano bang gusto mo? Sabihin ko na maganda ka?”
Sumimangot siya. Parang maiiyak na naman siya.
“Oh sige na. Eto na lang. Mabait ka, masipag mag-aral kahit hindi naman nakakapasok sa honor students, magaling magdrawing ng stick na tao, magaling kumanta ng sintunado, magaling sumayaw ng harlem shake. Oh diba? Marami kang talent, Ever. Wag kang panghinaan ng loob.”
Nakita kong nag-uusok na ang tenga at ilong niya.
“Ewan ko sayo!” sabi niya at akmang aalis na.
Pinigilan ko siya.
“Eto naman. Hindi ko kasi kayang magsinungaling. At least honest ako sayo diba?”
Parang naging teary eyed na naman siya.
At wala pa atang isang minuto ay umiiyak na naman siya.
“Oo na! Ikaw na ang totoo. Iyong mga lalaking naging karelasyon ko lagi na lang akong niloloko. Lagi na lang akong pinagmumukhang tanga. Laging nagsisinungaling sa akin. Sasabihin na mahal ako pero sa totoo lang hindi.”
Naku naman, Josh. Ano ba ‘yang ginawa mo? Lalo lang siyang umiyak imbes na tumawa eh.
Okay, Option 1: Comfort through words. FAILED
Option 2 na.
Lumapit ako sa kanya at pinulupot ang braso ko sa balikat niya.
Humiga naman siya sa balikat ko at doon nag-iiiyak.
Ano ba ‘tong si Ever? May dagat ba ‘to sa mata? Basang basa na iyong damit ko eh.
Nag-offer ako sa kanya ng tissue.
Suminga siya doon at medyo natigil na ang pag-iyak niya pero nakahiga pa rin 'yong ulo niya sa balikat ko.
“Josh.” tawag niya
Aba. Hindi Hutch ang tinawag niya sa akin ah.
“Hm?” sabi ko at tinignan ko siya.
“Bakit hindi na lang maging tayo?”
BINABASA MO ANG
Odd Pair Out
RomanceSi Ever at Josh ay miyembro ng 2 grupong ang mga kasapi ay magkakasintahan. Sila na lang ang natatanging hindi nag-iibigan. Susubukan ba nilang mahalin ang isa't isa? O mananatili na lang silang magkaibigan?