Chapter 7 "Way#3: Have wonderful dates"

37 4 0
                                    

"Let's sit there." sabi ni Ever habang itinuturo ang back part ng sinehan

"Ayoko nga." sagot ko

Nagmaktol naman 'tong si Ever dahil sa pagtanggi ko.

"Bakit naman? Eh dyan nga 'yong best place for couples eh, which is based on a very reliable survey." sabi ni Ever while trying to look smart

"At gusto mong malaman kung bakit?" sabi ko kay Ever

Lumapit si Ever na para bang isang sikreto ang sasabihin ko.

"Kasi madalas na may nagpaparamdam dyan lalo na kapag horror movie ang palabas. At unfortunately, horror movie ang pinili nating panoorin." paggawa ko ng kwento sa kanya

"That's cool!" sabi ni Ever na parang sobrang sayang bata

Hinila tuloy ako lalo ni Ever papunta sa likod.

Tss, akala ko matatakot siya eh!

Pinigilan ko uli siya.

"Okay Ever, this is the real reason. The back place is the best place for making out." sabi ko sa kanya

"So?"

"So we shouldn't go there, unless you want to make out." sagot ko sa kanya

"I don't. But it doesn't mean we can't go there. It's just a seat, Josh. Stop being so paranoid."

Okay, siguro nga masyado lang akong paranoid.

Or not.

Pagdating namin doon, walang ni isang nilalang ang nakafocus sa screen. Lahat sila nakafocus sa labi ng isa't isa.

"There!" sabi ni Ever na nagturo na naman ng upuan

Nakita ko na nasa gitna ito ng dalawang couples na naghahalikan.

"No!" sabi ko

Pero hindi ako pinakinggan ni Ever at tumuloy pa rin doon.

Pagkaupo namin ay natahimik kaming 2 at ang tanging naririnig lang namin ay ang ungol ng mga naghahalikan sa tabi namin.

Grabe, mas malakas pa sila sa audio ng movie!

"Ever." bulong ko

Tumingin siya sa'kin at nagkatitigan kami.

Mukhang parehas ang iniisip namin.

At para bang nababasa namin ang utak ng isa't isa, sabay kaming tumayo ni Ever.

Inoffer ko ang kamay ko sa kanya at hawak-kamay kaming umalis sa pwestong iyon.

Lumipat kami sa pwesto na nasa bandang harap.

"Grabe, konti na lang ay parang kakainin na nila ang isa't isa." sabi ni Ever pagkaupo namin

Natawa lang ako.

"Bakit kaya dito pa nila ginagawa 'yon?" tanong ni Ever

"Baka kasi mas mahal ang pagbayad sa hotel?" sagot ko

Sabay kaming natawa.

Sakto namang may lumabas na weirdo sa screen na nagpatili naman sa mga babaeng nasa paligid namin. 'Yong ibang may boyfriend, tili with matching hipo pa sa boyfriend nila.

Wow ha, nakakatakot talaga eh.

At para bang parehas kami ng iniisip, nagkatinginan kami ni Ever at napatawa ng malakas.

"SHH!" sabi ng mga tao sa paligid namin

**

"I can't believe na nakakayanan ng mga taong manood sa ganoong environment!" sabi ni Ever

Odd Pair OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon