“I’ll court you.” sabi ko
Natawa naman si Ever.
“Sus! ‘Yon lang naman pala.” sabi niya at tumayo siya
“Let’s start.” sabi ni Ever
Natawa naman ako at pinitik ko ang ilong niya.
“Bakit ba apurada ka? Alam mo, ang gawin mo ngayon, umupo ka dito at maghintay dahil kukuha pa ko ng pagkain.” sabi ko
Sumunod naman siya sa utos ko at lumabas na ako at pumunta sa kitchen.
Naramdaman kong may pumalo sa likod ko.
“Oh, bakit mo iniwan si Ever?” sabi ni Auburn
“Hindi ba pwedeng kumuha lang ng pagkain?”
“Eh pwede mo namang itext na lang kami tapos ihaha- ooooh, ikaw ah! Umaasenso ka na, ano nang nangyari?”
‘Wag na kayong magtaka. Gustong gusto talaga niyang maging kami ni Ever.
Hindi ko pinansin ang tanong niya at pangungulit niya at bumalik na ako sa kwarto.
“Ang tagal mo naman.” –Ever
“Matagal na ba ‘yon? Parang saglit lang naman ako bumaba.”
“Hindi ‘yon. Ang tagal mong manligaw. Ganyan ka ba talaga?”
“Tinatamad pa ko eh.” sabi ko habang kumakain.
Binuksan ko ang TV nila Rose na parang screen sa sinehan.
“Anong gusto mong movie?” tanong ko.
“Kahit ano. “ mailap na sagot ni Ever.
Pinili ko na lang ang pinakaboring na movie na nakita ko.
“Hoy! Bakit ganyan?”
Tutal nagmamadali siya, edi bibilisan ko na.
“Eh ‘yan ang gusto ko eh. Sabi mo kahit ano naman diba?”
“Tss.” sabi ni Ever at wala na siyang nagawa.
At natupad na ang plano ko, nakatulog si Ever within 7 minutes.
Nilagyan ko na lang siya ng kumot para hindi siya lamigin.
Agad na akong lumabas ng kwarto at ibinilin si Ever kay Alice.
“Bantayan mo siya ah. Kapag malapit na siyang magising, tawagan mo ako, okay?” sabi ko.
Walang gana siyang tumango.
Umalis na ako agad at pumunta na sa destinasyon ko.
**
“Pare, gawan mo naman ako ng video oh. Kahit puro pictures lang namin ni Ever. Pagkatapos sa dulo lagyan mo ng ‘will you be my girlfriend?’." sabi ko pagkasagot ni Axel sa tawag ko.
Si Axel ang computer geek ng high school batch namin. Hindi siya imbitado sa party kaya wala siya sa bahay nila Rose.
“Aba, aba. May nililigawan si Mr.Pogi.”
Oo, ngayon na lang uli ako manliligaw sa babae. Kahit kasi maraming babae ang nagkakandarapa sa’kin hindi ko magawang magkagusto sa kanila. Eto namang si Ever, alam kong 'di naman seryoso eh. I’m just playing her little game para hindi siya mapahiya.
“Oh, sige na. Gawin mo ‘yong pinagagawa ko sayo within 30 minutes. Send mo na lang sa email ko.” sabi ko at tinapos ko na ang tawag.
Sunod ko namang tinawagan ay ang flowershop nila Rose. Busy siya sa party kaya ‘di ko na siya inabala pa. Umorder ako ng isang bouquet ng iba’t ibang bulaklak. Wala naman kasing paboritong bulaklak si Ever.
BINABASA MO ANG
Odd Pair Out
RomanceSi Ever at Josh ay miyembro ng 2 grupong ang mga kasapi ay magkakasintahan. Sila na lang ang natatanging hindi nag-iibigan. Susubukan ba nilang mahalin ang isa't isa? O mananatili na lang silang magkaibigan?