“TADA!”
May mga ibinagsak na magazines si Ever sa kama ko.
Paano niya nabuhat ang maraming pile na ‘yon?
“Feeling mo ba si wonderwoman ka?” tanong ko sa kanya pagkahiga niya sa natitirang space sa kama ko.
“Pwede. Basta ikaw ang superman.”
Hay naku! Ever since naging kami, naging cheesy na siya. At kinikilabutan ako imbis na kiligin tuwing ginagawa niya ‘yon.
“Maghulustili ka nga, kahit alam kong gwapo ako, ‘wag ka namang ganyan.”
“Bakit? Tayo naman na ah.” sabi niya at naglegendary pout na naman siya.
Napabuntung hininga na lang ako.
“Para saan ba ang lahat ng ‘yan?” tanong ko.
“Para sa step 1 natin!” masayang sabi niya.
“Step 1?”
“Nakalimutan mo na agad?” sabi niya at nagpout na naman siya.
Pinakita ko sa kanyang wala talaga akong idea.
May kinuha naman siya sa bulsa niya at tinumbad sa’kin ang isang papel.
Pagkakita ko ng nilalaman noon, natandaan ko na.
“Ah, eh bakit may magazines? Akala ko ba getting to know?”
“Eh syempre sa tagal nating magkaibigan, panigurado ay kabisado mo na ‘ko. Kaya itetest na lang natin. May mga quizzes dito na masasagutan natin. May whiteboard ka naman dyan diba?”
Tumango ako at kinuha iyon.
Kinuha niya ang isa at nanatili naman sa’kin ang isa.
“Ready?” tanong niya.
Tumango lang ako.
Wala naman ‘tong grade eh. At tsaka tulad ng sabi niya, kabisado ko na siya.
**
Anak ng tinapang bangus!
Akala ko naman ang mga itatanong lang dito ay “What’s your favorite color?”, “What’s your favorite movie?”, “Who’s your favorite superhero?”. I didn’t expect na mas mahirap pa pala sa trigonometry at physics ang mga tanong sa maninipis na magazines na ‘to.
Nakailang tanong na kami at palagi na lang akong mali, samantalang si Ever ay palaging tama. Ganoon ba talaga kapag babae? Lahat napapansin?
“Hutchie! Sagot na.” sabi ni Ever.
Kanina pa siya pindot ng pindot doon sa bell na ibig sabihin ay time’s up na.
“Wait lang, okay?” sagot ko sa kanya.
Paano ko masasagutan ang tanong na “Most memorable day of her life”?
Nanghula na lang ako.
“Hey! Boards up.” pangungulit ni Ever.
Itinaas ko agad ang board ko.
“June 7, 2010? Anong meron dyan?” tanong ni Ever.
“Duh, edi syempre unang araw na nakita at nakilala mo ang pinakagwapong nilalang sa sangkalupaan.” nanaig na naman ang pagiging conceited ko.
Pagkasabi ko noon ay pinalo ako ni Ever.
“Hindi kaya! June 11, 2011 kaya.”
Ako naman ang nagtaka.
“Duh, edi syempre unang araw na naging magkaibigan na ang grupo namin at grupo niyo.” panggagaya niya sa’kin.
Tinignan ko naman ang sagot niya.
November 13, 2010.
Paano niya nalaman iyon ang memorable sa'kin?
“Bakit mo alam ‘yan?” tanong ko.
“Tama ba? Nanghula lang ako eh.” nakangiting sabi niya.
“Ever naman.”
“Okay, okay. Nakwento mo na kaya ‘yan dati.” sagot niya.
Nakwento ko na?
“Oh?” pagtataka ko.
Tumango lang siya.
“Sige nga, anong meron sa araw na ‘yan?” pagtetest ko sa kanya
“Pag-iwan sa inyo ng mommy mo.” sagot niya
Napalunok ako.
Alam nga niya.
“Alam ko na kaya ka ganyan, hindi madaling magkagusto sa babae, ay dahil ayaw mong masaktan uli katulad ng naramdaman mo noon.”
How did she know this stuff? I’m sure, hindi ko na nasabi sa kanya ang part na ‘yon.
Magtatanong na sana ako nang iflash ni Ever ang isang kakaibang smile. Hindi siya weird, wacky or formal. Pero parang sa ngiting ‘yon, naramdaman kong sincere siya.
“Next question!” nagbounce back siya at masiglang nagsalita.
“Who is your first love?” malakas na tanong niya.
The hell? How will I know kung sino ang unang lalaking minahal niya? O baka naman hindi ‘yon lalaki?
“Timer starts now!” at pinindot niya ang timer sa cellphone niya.
First love. Sino nga ba?
Mag-isip ka, Josh. Ano ba naman kasi ‘tong quizzes na ‘to? Screw you, magazines.
Nakita kong tapos na kanina pa si Ever.
Hindi kaya nagresearch at inistalk na niya ako bago pa kami magquiz?
Sino ba? Sino ba pwede?
AH!
“Time’s up!” sabi ni Ever at pinindot niya ang bell.
This time, nakapagtaas na agad ako.
Tinignan ni Ever ang sagot ko.
“Ano? Tama ako, diba?” pagmamayabang ko sa sagot ko.
Tumawa lang siya.
“Mali!” sabi niya habang tumatawa
Mali ako? Bakit?
Tinignan ko naman ang sagot niya.
Tama na naman siya.
Napansin ata niyang nakatingin ako sa sagot niya.
“Ano? Tama ako, diba?” pagmimic niya sa sinabi ko.
Ang sagot niya kasi ay si Rose. Samantalang ako ay si Eric, ang una niyang naging boyfriend. So bakit ako mali?
Si Rose, ang katangi-tanging babaeng minahal ko bukod sa mommy ko. Noon lang kasi ako nakakilala ng babaeng kahit nasa kanya na ang lahat ay nananatili pa ring mapagkumbaba. Niligawan ko siya. Pakiramdam ko nga sasagutin na niya ako eh. Kahit ‘yong magulang at mga kaibigan niya ay botong boto sa’kin. Pero sa isang iglap, bigla na lang niyang ipinakilala ang boyfriend niya, si Dylan. Wala man lang siyang pasintabi o sorry sa’kin. Wala man lang siyang pakialam kung nasaktan ako.
Matapos nang pag-iwan sa’kin sa ere ni Rose, sumunod naman ang pag-alis ni mama. Ang saya, diba?
Pero nakamove-on na ako sa mga nangyari. Kaya ‘wag kayong mag-alala, okay?
“Tss. Ikaw na laging tama. Stalker ka siguro.” sabi ko kay Ever.
“Hoy, hindi ko kasalanan na sa mahigit 3 taon na magkaibigan tayo ay natatandaan ko ang lahat ng pinagsamahan natin.”
“So, sinasabi mong makakalimutin ako?” sabi ko at kiniliti ko siya.
Tawa lang siya ng tawa habang malikot na umiiwas sa kiliti ko. Weakness niya kasi ‘yon eh.
Tumigil ako sa pagkiliti sa kanya nang may maalala ako.
“Sino nga pala ang first love mo kung hindi si Eric?” tanong ko.
“Ikaw.” sabi niya ng may sinserong ngiti.
BINABASA MO ANG
Odd Pair Out
RomanceSi Ever at Josh ay miyembro ng 2 grupong ang mga kasapi ay magkakasintahan. Sila na lang ang natatanging hindi nag-iibigan. Susubukan ba nilang mahalin ang isa't isa? O mananatili na lang silang magkaibigan?