"Huh? But I thought you might break up with me."
"Call me crazy but I don't want you out of my life. Kung kailangang tulungan kitang magmove on sa kanya, gagawin ko. Just be mine and don't leave." sagot ko.
Napangiti naman si Ever.
"Of course, I can do that." sabi ni Ever at niyakap niya ako.
"I missed you." sabi ko sa kanya.
"I missed you too."
**
"Dalhin mo sa'kin lahat ng bagay na ibinigay niya sa'yo noon at nakakapagpaalala sa kanya."
"Aye! Aye! Captain." sabi ni Ever na sumaludo pa.
Naglakad siya at nag-ikot ikot sa kwarto niya para maghanap ng mga bagay na galing kay Gail.
Mukha namang seryoso siya sa pagkalimot sa ex niya, which is a good thing.
Para ngang hindi ko siya pinarusahan eh. Biruin mo, makakamove on na siya sa ex niya, may boyfriend pa siyang gwapo.
Ibinagsak niya lahat ng gamit sa harap ko.
"Iyan na 'yon?" tanong ko.
"Meron pa."
"Oh, dalhin mo na dito." utos ko.
"Eh, nasa isip ko eh." sagot ni Ever.
"Tss, akala ko naman kung saan. 'Wag kang mag-alala, we'll have time for that."
"Lahat ng stuff toys, artificial flowers at kung ano ano pang item ay ilagay mo sa box na 'yon." turo ko sa isang kahon.
"Lahat naman ng corny niyang letters, ilagay mo sa box na nandito sa tabi ko." pagpapatuloy ko.
Pagkasort niya nang mga bagay-bagay ay kinuha ko 'yong box na may lamang items.
"Halika, samahan mo ko."
**
"I didn't think of this." sabi ni Ever.
"Palibhasa hindi ka generous katulad ko." sabi ko with matching ayos ng hair.
Ibinigay namin 'yong mga gamit niya katulad ng stuff toy sa mga less fortunate.
"Edi ikaw na mabait." sabi ni Ever.
"Thank you po!" sabi ng isang batang nang ngumiti ay mayroon lang dalawang ngipin.
Spongebob lang ang peg.
"Ito 'yong binigay niya noong first monthsary namin." sabi ni Ever habang hawak-hawak ang isang fake na rose.
"Akin na nga 'yan." sabi ko at kinuha ko ang rose.
"Huwag! Sabi niya kaya artificial rose ang ibinigay niya dahil mamamatay lang ang pagmamahal niya sa'kin kapag namatay 'tong rose na 'to."
Ibinigay ko na doon sa isang batang babae 'yong rose para 'di na niya makuha pa.
"Huwag ka ngang magpapaniwala sa ganoon. And besides, asan siya ngayon? Bakit nagawa ka niyang iwan at hayaang uminom ng isang gallon ng tubig? At isa pa, gasgas na 'yang pakulo niya tungkol sa artificial flower. Kung sinu-sino na ang gumamit niyan."
Natahimik na lang si Ever at nagpatuloy kami sa pagpapamigay.
Sa tuwing may maaalala siyang memory nila doon sa isang bagay, binabara ko ito at ipinapakita sa kanya ang katotohanan.
Na hindi na siya babalikan nito at hindi na magiging sila muli.
**
"Ngayon, iarrange mo ang mga letters na 'to based on dates. At 'wag kakalimutan, included dito ang text messages. Now, ang rules natin dito ay una babasahin ang letter, pag-uusapan pagkatapos, magmomove on at sa huli, idedelete o susunugin. Got it?"
Tumango naman na parang tuta si Ever.
"Good night. Sweet dreams. See you tomorrow and see you in my dreams." binasa ni Ever.
"Ito 'yong hindi pa kami pero nagpapahiwatig na siya na gusto niya akong ligawan." halatang kinikilig si Ever.
"Paano naman kayo magkikita sa panaginip? Ano 'yon telepathy? At kung mapanaginipan mo man siya, paniguradong hindi mo na 'yon maaalala." pambabara ko.
"Anong type ko sa babae? 2 words lang, IKAW MISMO." nagbasa uli si Ever.
"Ito 'yong araw na nagconfess siya sa'kin. Inabot pa nga kami ng madaling araw kakatext nito eh." sabi ni Ever.
"Tss, ikaw mismo? Eh paano kung 'yong ikaw pa lang 'yon group message pala. Wala naman kasing sinabi na si Ever mismo diba?" sagot ko.
Parang unti-unti nang napupuruhan si Ever.
"Malaman ko lang na ayos ka, ayos na rin ako." nagbasa pa si Ever.
"Ito 'yong after kong magkasakit. Hindi ko siya nakausap noon kaya namiss ko siya at namiss niya ako." pagpapatuloy niya.
"Ngayon lang ako nakarinig ng may gumaling dahil gumaling ang girlfriend niya. Ano ba kayo, kambal?"
Bigla na lang ibinagsak ni Ever ang mga letters at cellphone niya.
"Ayoko na! Kahit pa binabara mo lahat ng sinabi niya sa'kin noon, hindi pa rin naaalis 'yong mga nararamdaman ko para sa kanya. Parang dahil nga sa pagbabalik-tanaw na 'to, mas naaalala ko pa 'yong feelings ko sa kanya eh. Josh, I want to forget him not to remember him. Help me." sabi ni Ever habang umiiyak.
Agad ko namang niyakap si Ever.
"I'm sorry. Alam kong masakit talaga sa umpisa. Pero alam mo, ito ang method na ginawa ko para makaget over kay Rose. Sa una talaga, maghahalo pa 'yong sakit, inis at 'yong paghahangad na maging kayo uli. Pero Ever, kapag ipinagpatuloy mo lang 'to, kapag sinanay mo ang sarili sa sakit, eventually hindi mo mamamalayan pero hindi ka na maaapektuhan sa kanya. Masasanay ka at hindi maglalaon ay magiging parte na 'yan ng sistema mo at magiging parang isang bagong tao ka na."
Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Ever at ilang minuto din kaming nanatili sa ganoong posisyon.
"Let's continue!" sabi ni Ever pagkakalas niya sa yakap niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Odd Pair Out
RomanceSi Ever at Josh ay miyembro ng 2 grupong ang mga kasapi ay magkakasintahan. Sila na lang ang natatanging hindi nag-iibigan. Susubukan ba nilang mahalin ang isa't isa? O mananatili na lang silang magkaibigan?