“Ang gwapo talaga ng anak ko! Manang mana sa’kin.” sabi ni papa as he fixes my tie.
Pinilit ko na lang na ngumiti.
Actually, I still don’t see the point of having this “formal” dinner. Eh ako, si Ever at parents lang naman ang magkakasama.
“Let’s go!” sabi ni papa na mukhang excited.
Weird.
**
“Akala ko ba 7:00 ang usapan? 7:30 na ah.” pagrereklamo ko.
Hay, babae nga naman.
“Hayaan mo na, babae ‘yan eh.” sabi ni papa habang tinatapik ang balikat ko.
Kanina pa nakatengga dito ‘yong menu at feeling ko pati ‘yong waiter ay naiinip na.
“Oorder na ba ako? Kanina pa tayo tinititigan ng waiter oh.” sabi ko kay papa.
“Hayaan mo siya. Trabaho niya ‘yan. WAITer nga siya, diba?”
“Ang corny, papa.”
“I was just trying to make you laugh and kill the time.”
Napangiti lang ako.
“You know what, son. You should learn to wait. Make patience your virtue.”
“Pa, that’s already an old saying.”
“I know. But you still need it now. Make my experience an example.”
Parang naalala na naman niya ang ginawa ni mama.
“If only I waited. If only I had been patient. I would still have her now.” mangiyak-ngiyak na sabi ni papa.
“Pa-“
“If I waited for her to reach her dreams first rather than making our own family, she could be still sitting here.”
This time, tumulo na nang tuluyan ang luha ni papa.
Napabuntong-hininga ako at hinimas na lang ang likod ni papa para icomfort.
“Son, don’t make my mistake again.” sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
“Sorry we’re late!”
Hay salamat! Dumating na din sila.
Tinignan ko sila. And I saw Ever. She looked stunning in her purple dress.
Inalalayan namin sila sa pag-upo. Mommy lang ni Ever ang kasama niya.
“Sorry, Fred can’t come. Busy sa trabaho eh.”
Ganyan na ganyan din ang laging linya ni mama noon. Eventually, she got tired of it and found herself sailing towards her dreams.
“It’s okay.” sagot ni papa.
“Naku, sorry talaga ah. Sa sobrang excited ko na makilala ang bagong boyfriend ng anak ko ay napatagal kami sa pagpeprepare.”
Paulit-ulit na nagsorry si tita at paulit-ulit rin siyang pinatawad ni papa.
“So, anong order niyo?” tanong ko kay Ever.
“So, waiter ka na ngayon?” sagot ni Ever.
“Hm, oo. Naisipan kong magpart-time habang hinihintay kayo.”
Natawa naman si Ever.
Tinuro niya ang order niya at sinabi na namin ito sa tunay na waiter.
Pati si tita at papa ay nag-order na rin nang mapansin na nakaorder na kami.
“So, paano kayo nagkakilala?” tanong ni tita sa’kin.
Ano ba ‘to interview?
“May mutual friends po kami so we became friends.”
“How did you court her?” lumapit si tita sa’kin.
“I-I sang and made a performance for her.”
Lalong lumapit si tita sa’kin.
“Why did you want her to be your girlfriend?”
Duh, anak niyo po ang may gusto.
“I-I like her.” pagsisinungaling ko.
Bumalik na si tita sa pwesto niya at nakahinga na kami ng maluwag ni Ever.
“Like lang?”
Nagulat ako nang parang nagbounce back si tita at bumalik sa posisyong malapit sa mukha ko.
Nakakaintimidate naman. Ano bang dapat sagot ko?
“Ma!” pagpipigil ni Ever sa mommy niya.
Pero hindi pa rin ito natinag at hinintay lang ang sagot ko.
“I-I love her.”
Natahimik si Ever habang tuwang tuwa naman si tita.
“That’s the answer I need! Keep it up, boy.” sabi ni tita at nakipagfist bump pa siya.
Nagkwentuhan lang kaming apat hanggang sa maubos na ang pagkain namin at ang tao sa restaurant.
“Hatid na namin kayo.” sabi ni papa sa kanila.
“Ay, hindi na. Nandyan naman na si Fred eh.”
At parang on cue na lumabas ang papa ni Ever.
“Let’s go?” sabi nito kay Ever at tita
Tumango silang pareho. Lumingon sila sa’min saglit upang makapagpaalam.
“It’s nice knowing you.” sabi ni tita habang hinahawakan ang kamay ko.
Ngumiti lang ako at pinanood silang pumunta sa kotse nila.
The three of them looked so happy. Hindi ko mapigilang hindi mainggit.
Buti pa siya may ina. Buti pa sila kumpleto. Ano na nga ba ang pakiramdam ng may kumpletong pamilya?
Naramdaman ko ang pagtapik ni papa sa balikat ko.
Tinignan ko siya at nakitang nakangiti siya.
Suddenly, nagvibrate ang phone ko. May nagtext pala.
Thanks for the time and everything. Oh, and also for accomplishing step #2 ^__^
-Ever <3
Napangiti na lang ako at tuluyan nang pumasok ng kotse para umuwi.
BINABASA MO ANG
Odd Pair Out
RomanceSi Ever at Josh ay miyembro ng 2 grupong ang mga kasapi ay magkakasintahan. Sila na lang ang natatanging hindi nag-iibigan. Susubukan ba nilang mahalin ang isa't isa? O mananatili na lang silang magkaibigan?