Chapter 8 "Way#4: Have a huge fight and make up"

23 4 0
                                    

Ilang araw din akong nagkulong sa kwarto ko at patuloy na binabalewala ang mga texts at tawag ni Ever o kahit na sinong kaibigan niya dahil alam kong kukulitin lang nila akong makipagbati.

"Joshua!" tawag sa'kin ni papa pagkapasok niya ng kwarto ko.

Hindi ko siya pinansin at nagtulug-tulugan na lang ako.

"Joshua, alam kong gising ka. Bumangon ka na nga! Para kang babae."

Napabangon naman agad ako.

"Ang gwapo ko namang babae." sagot ko sa kanya.

"Oo, alam ko dahil nagmana ka sa'kin. Ngayon, tigilan mo na ang pagmumukmok mo dahil sa babae at ayusin mo 'yang buhay mo."

"At 'tong kwarto mo." pagpapatuloy niya.

Dahil sa sinabi niya, napabalik tuloy ako sa paghiga.

**

"Chill ka nga lang dyan, pre."

"Hindi mo lang matanggap na natatalo kita, Asher." sabi ko pagkashoot ko ng bola.

"Break ka muna." sabi ni Asher at umupo muna kami sa isang bench.

Tinitigan ako ni Asher.

"Pre, mukha ka ng bampira." sabi niya

Sinuntok ko siya ng mahina.

"Bampira ka dyan."

"Oo kaya. Buti naman at naisipan mong lumabas."

"Tss, ayoko pa nga eh. Pinilit lang ako ni dad." sagot ko sa kanya.

"Woah, tindi mo pre. Ganyan ka ba kabrokenhearted?"

"Anong brokenhearted ka dyan?" pagmamaang-maangan ko.

"Hay naku! Hindi mo na matatago 'yan. Kitang kita naman. At tsaka sising sisi na kaya si Ever."

Tss, naalala ko na naman siya.

"Saang banda?"

"Alam mo kung papakinggan mo lang siya, makikita mong buong buo siyang nagsisisi."

Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.

Hinila naman ako ni Asher at pinigilan.

"Okay, hindi ko na ipipilit na patawarin mo siya. Pero pwede bang makinig ka lang kahit dito sa kwento ko?"

Umupo uli ako at nakinig sa kanya.

"Basta walang Ever ah." sabi ko.

"Promise." sabi niya at itinaas niya ang kanang kamay niya.

"Years ago, nakilala ko si Sam. Malandi siya pero isa lang ang tanging mahal niya, ikaw. Noong una, lumalapit lang ako sa kanya kasi parehas kami ng ugali and she could use a friend that time. Palagi siyang pumupunta sa'kin para magreklamo na hindi mo siya pinapansin. Hanggang sa nagsawa na siyang magpakatanga sa'yo at napunta siya sa'kin. Pero kahit mukha kaming laging masaya lang, minsan nararamdaman ko na may gusto pa siya sa'yo. Pero iniintindi ko 'yon kasi alam kong naging parte ka na ng puso niya at hindi ko maiaalis 'yon. Ang magagawa ko na lang ay tabunan iyon ng pagmamahal ko sa kanya para kahit papaano ay makalimutan ka niya kahit kaunti." sabi ni Asher at tinapik niya ako sa balikat.

**

Kanina pa ako paikot-ikot sa isa sa mga restaurant nina Rose.

Pinlano kasi nila na pagkitain kami dito ni Ever.

Pero ako itong naguguluhan ngayon. Papasok ba ako o hindi?

Nasa loob na kaya siya?

Paikot-ikot pa rin ako nang nakabangga ko siya.

Si Ever.

"H-Hi!" bati ni Ever na hindi makatingin sa'kin.

"Pasok na tayo."

Binuksan ko ang pintuan ng restaurant at hinintay siyang makapasok.

Gentleman pa rin naman ako.

Tumungo na kami sa pwestong nakareserba para sa'min at umupo na.

Pagkaupo namin ay walang nagsalita sa'min.

Kung hindi pa darating 'yong waiter na humingi ng order namin ay napanisan na siguro kami ng laway.

"K-Kamusta ka na?" pasimula ni Ever.

"Okay lang." sagot ko.

*AWKWARD SILENCE*

Kung saan-saan siyang direksyon tumitingin. Halatang kinakabahan siya.

"Paano ko ba sisimulan?" nanginginig na sabi niya.

"Magrelax ka muna."

Napangiti naman siya at nakahinga ng maluwag.

"I'm sorry. I know this is not enough so whatever punishment you want to give me, I will take it. Alam kong nakita mo 'yon. Nakita mo kaming magkasama ni Gail. Hindi lang 'yon, nagsinungaling pa ako para lang magawa 'yon. Pero kasi I still love him. And that's what I am most sorry about. I am so unfair to you. Dinala-dala kita sa ganitong sitwasyon tapos iiwan kita sa ere nang ganoon. Pero kasi noong una pa lang, that's my plan. Not the iiwan kita part pero 'yong aalukin kitang maging tayo with the purpose of making Gail jealous. I should have said this to you earlier. Napakaselfish talaga ng ginawa ko. And I'm very sorry, I will do anything just for you to forgive me."

"Anything?" tanong ko.

"Anything."

"Then be mine."

Odd Pair OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon