Chapter 11 "Way #7: Make a memorabilia of all the memories you had"

25 3 0
                                    

Sa magdadalawang buwan na naming pagiging kami ni Ever at sa ilang taon naming pagsasama, limpak-limpak na alaala na ang nagawa namin.

Pero sabi nga sa isang quote, "you can't appreciate a moment until it becomes memory.

Kaya imbes na ikwento ko sa inyo ang paggawa ko ng memorabilia ko na notebook para kay Ever, ipapakita ko na lang sa inyo ang nilalaman nito.

~*~*~

June 7, 2010

Nakilala mo ang pinakagwapong lalaki sa sansinukob.

Pumasok ako ng classroom at ramdam na ramdam ko ang titig ng bawat babae sa'kin except sa isa. Ikaw 'yon, Ever. Biruin mo, nakayanan mong baliwalain ang kagwapuhan ko? Ang hirap noon ah. Bilib ako sa'yo!

June 8, 2010

Getting-to-know pakulo ni Ma'am Francisco.

Partner partner ang activity ni ma'am. And guess who kung sino ang magkapartner? Tayong dalawa. Sabi ni ma'am, kailangan daw maglista ng expectations natin sa isa't isa ngayon. Pagkakatanda ko, nilagay mo sa'kin noon na isa akong mahanging lalaki at ang nilagay ko naman sa'yo ay manang. At doon na nagsimula ang aso't pusa nating pagkakaibigan.

August 4, 2010

Simula ng panliligaw ko kay Rose.

Maganda si Rose. Gwapo ako. Bagay kami. Pero hindi mo kasi sinabi noon na gusto mo na pala ako, edi sana... Ewan, baka sakaling ikaw na lang 'yong niligawan ko. Edi sana parehas tayong hindi nasaktan. Paano nga kaya kung tayo na noon pa lang, diba?

November 6, 2010

Ipinagpalit ako ni Rose para kay Dylan.

Gusto kong basagin ang mukha noon ni Dylan pero ito kang pinipigilan ako. Ikaw 'yong nandyan sa panahong basag na basag 'yong puso ko. Siguro ito 'yong panahon na una kitang napansin bilang isang babae at hindi lang isang kumpare ko. Hindi ko alam na nitong araw palang na ito, gusto na kita.

~*~*~

Marami pa akong mahahalagang petsa na naisulat doon. Pero baka hindi na kayanin dito kapag isinama ko lahat. Ipapakita ko na lang ang letter ko sa dulo. (first time kong gumawa ng letter kaya hindi ko alam kung okay na ba 'yon.)

~*~*~

Ever Lin Maxwell,

Ang weird talaga ng pangalan mo. Mas gusto ko na 'yong Ever. HAHA. Hindi ko talaga alam kung paano 'to sisimulan. Hmm, bakit ko nga ba 'to ginagawa? AH! Dahil doon sa "INFINITE WAYS" mo. Ito na kasi 'yong pang7. Aaminin ko, noong una, tinatawanan ko lang 'yang ways mo na 'yan. Pero ngayon, nakita ko na 'yong magandang dulot nito.

#1: Mas nakilala kita, nalaman ko na kahit 4 na taon na tayong magkaibigan, hindi pa pala kita gaanong kilala. Pero dahil dito, naintindihan kita. Sinong mag-aakalang mapaglalapit tayo ng mga articles sa magazines na dinala mo?

#2: Nakilala ko ang parents mo. Parehas silang imbestigador (which is kind of creepy). Pero kahit ganoon sila, sweet sila hindi lang sa'yo pero kahit sa'kin. Hindi sila pumalpak na iparamdam na parang magulang ko na rin sila.

#3: Ito ang BEST part. Ang dami nating kalokohan na pinagsamahan. Pero all throughout, nakangiti lang ako. Nakatawa sa bawat biro mo. Basta kasama kita, masaya na ako.

#4: Hindi ko 'to inaasahang mangyari pero kahit papaano ay thankful ako na nangyari 'to. Dahil sa pag-aaway natin, mas naging matatag tayong dalawa at hindi lang 'yong relasyon natin.

#5: Alam kong may parte pa rin siya sa puso mo, pero handa akong punan 'yong natitirang space dyan at siguro balang-araw matatabunan ko na rin 'yong parte niya at magawa mo na akong mahalin ng buo.

#6: Natulungan mo akong mabuo ang nawasak kong pamilya. Wala na akong pag-asa at pagmamahal sa puso ko noon pero heto ka at nagbigay sa'kin noon. Napunan mo 'yong butas sa puso ko at dahil doon, nagawa kong magmahal muli.

#7: Ito na 'yon. Itong ginagawa ko na 'to na kahit hindi ako sanay gawin ay handa kong gawin para sa'yo. Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita. At kahit ano magagawa mo kapag nagmamahal ka (kahit ang paggawa ng iniisip mo na corny)

#8: Handa akong hintayin ka. Ika nga ng karamihan, patience is a virtue. And I'm making that my virtue. Pero tandaan mo, kahit hindi na tayo palaging magiging magkasama, nandito lang ako na laging naghihintay sa'yo.

Marami pa tayong pagdadaanan at hihintayin ko na balang-araw, ako ang makagagawa ng dream house nating dalawa parang 'yong nakita mo noon. Ang kaibahan lang, tayong dalawa ang nasa loob noon kasama ang mga magiging anak natin.

Ayan, someday matutupad rin natin 'yong infinite ways mo. Pero for now, enjoyin muna natin 'tong stage kung nasaan tayo.

Pero sana, sana talaga tayo na hanggang huli. Nag-iwan ako ng maraming pages pagkatapos nito. Bakit? Kasi marami pa tayong karanasan na maisusulat. At pagkabigay ko sa'yo nito, hindi na lang ako ako magsusulat dito. Sabay tayong magsusulat ng istorya natin.

Para balang-araw, hindi na natin kailangan pang sayangin ang laway natin kakakwento sa mga anak natin ang love story natin. Kailangan na lang nilang basahin ito.

Pwede rin namang ipabasa rin natin 'to sa mga kaibigan natin at isampal sa mga mukha nila na hindi na tayo OP sa kanila at na hindi na tayo ang odd pair out.

Oh siya, mauubos na ang tinta ng ballpen ko.

Nagmamahal sa'yo ng sobra,

Joshua "Hutch" Reed

Odd Pair OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon