Hay, grabe. Punong puno na ng sipon ang panyo ko at basang basa na ang t-shirt ko. Branded pa naman 'to.
Kaso wala akong magagawa, pinili kong pagalingin ang puso ng isang brokenhearted.
Napabuntung-hininga na lang ako.
Buti na lang at nakauwi na rin ako.
Home sweet home!
Not.
Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa'kin ang halimaw ng buhay ko.
"Joshua!"
Tumakbo si mama papunta sa'kin para yakapin ako.
Pero nang nayakap na niya ako ay tinulak ko naman siya.
"What's wrong?" tanong niya.
"What's wrong? You being here." sagot ko.
Mukha namang nagulat siya sa sagot ko.
"Don't talk to your mom like that." sabat ng dad ko.
"Mom? Wala na akong ina. Nang umalis siya sa pamamahay na 'to, inalis na niya ang pagiging ina sa'kin at asawa sa'yo. At ginawa niya 'yon para masatisfy ang selfish needs niya!"
Pagkatapos kong masabi 'yon ay nakaramdam ako ng sampal kay papa.
"Peter." pagpipigil ni mama kay papa.
"Alam mong hindi totoo 'yan. Alam mo ang tunay na rason kung bakit siya umalis."
"Oo, to fulfill her dream Her dream of making our lives miserable. And now she's here again, trying to break our family. Wait, matagal na pala 'tong sira. So, why accept her again, papa?"
"Mahal ko ang mommy mo. At kahit anong gawin niyang kasalanan o pag-iwan sa'tin, tatanggapin at papatawarin ko siya kasi mahal ko siya." sagot ni dad.
"Pwes, kung mananatili siya dito, ako na lang ang aalis." sabi ko at umakyat na ako sa kwarto ko para kuhanin ang mga gamit ko.
"Joshua." narinig kong sabi ni mama sa may pinto.
"Hayaan mo siya. Kung 'yan ang gusto
niyang gawin, gawin niya." pagpigil ni papa sa kanya.
Nang makuha ko ang gamit ko ay humarurot agad ako palabas nang hindi man lang tumitingin sa kahit na sino sa kanila.
**
Gabi na at kailangan ko pa ng lugar na matutuluyan.
Tinawagan ko ang mga kaibigan ko at nagbakasaling pwede akong makitira sa kanila.
Si Landon at Dylan ay parehong hindi sumagot. Siguro tulog na si Landon, palibhasa 6 o'clock pa lang natutulog na 'yon eh. Sobrang good boy.
Si Dylan naman, baka nakikipagbakbakan na naman sa kung sinu-sino.
Sumagot naman si Asher. 'Yon nga lang, pagkasagot niya ay puro ingay lang ng club ang narinig ko.
Kila Colton sana pwede, kaya lang nandoon ngayon 'yong mga kamag-anak nila at naisipang doon magreunion. Baka kahit banyo maooccupy nila sa sobrang dami nila doon.
That leaves with my last resort.
Si Ever.
"Hello, Ever."
"Hm?"
Halata sa boses niya na kakagaling lang niya sa iyak.
"Pwede ba akong makituloy sa inyo? Kahit hanggang bago lang magpasukan."
"Sa akin, okay lang. Wait, tanong ko muna kila papa."
Umalis siya saglit pero hindi niya tinapos ang tawag.
BINABASA MO ANG
Odd Pair Out
RomanceSi Ever at Josh ay miyembro ng 2 grupong ang mga kasapi ay magkakasintahan. Sila na lang ang natatanging hindi nag-iibigan. Susubukan ba nilang mahalin ang isa't isa? O mananatili na lang silang magkaibigan?