Chapter 2 "Five Minus One"

47 7 0
                                    

“Aray! Bakit ka ba namamalo?”

“Ang emo mo kasi eh. Bagay na bagay sa’yo!”

Pinapanood ko si Auburn at Ever na nagbabangayan. Paano ba naman kasi, iniirita ni Auburn si Ever na broken hearted pa rin hanggang ngayon.

Naalala ko tuloy ‘yong sinabi niya.

“Bakit hindi na lang maging tayo?”

Ano kayang ibig sabihin noon? Baka naman nagbibiro na naman siya. Tama, masyado kasing palabiro iyong si Ever eh.

“Hoy Hutch! Sabihin mo nga kay Auburn na nakamove on na talaga ako.” sabi ni Ever habang kinukumbinse akong sumagot ng oo.

Tumawa lang ako.

Nagpout naman si Ever dahil hindi ko siya kinampihan.

“Tignan mo, kahit si Josh hindi sumasang-ayon.” sabi ni Auburn.

“Tss.” sabi ni Ever at inirapan kami.

Umalis na siya at iniwan kaming dalawa ni Auburn.

“Bakit ba kasi hindi mo na lang ligawan si Ever? Panigurado kung ikaw ang magiging jowa niya, hinding hindi siya iiyak.” sabi ni Auburn

“Ayoko. Okay na ‘tong magkaibigan kami. At tsaka ang gwapong katulad ko, hindi pwedeng matali.” sagot ko with my usual narcissist vibe.

“Ewan ko sa’yo. Ang showbiz mo masyadong sumagot. ‘Wag mo kaming sisisihin kung maOOP kayo sa’min ah.” sabi ni Auburn.

Lakas niyang magsalita porket naging sila na ni Landon, kaya ngayon kami na lang ni Ever ang hindi isang couple sa grupo.

Pagkatapos niya akong kausapin ay pinuntahan niya si Landon.

“Hoy weakling!” bati niya kay Landon

Papaluin sana ni Auburn si Landon pero nakailag ito.

Nasanay na rin siguro kasi siya.

Pero kahit ganyan ang trato sa kanya ni Auburn ay natitiis niya ang ugali nito. Si Auburn naman, first time lang magkaroon ng awa sa isang tao. At kay Landon iyon. Binabansagan nga silang Donya Victorina at Don Tiburcio dahil sa love story nila eh.

Bigla ko namang naramdaman na may dahan-dahang humihimas sa balikat ko. ‘Yong himas na nangseseduce.

“Hi.” mabagal na bulong ni Sam sa tenga ko.

Nilingon ko siya.

“Sam, ‘di effective sa’kin ‘yang flirting skills mo, remember?”

“Tss. Hindi ka pa rin nagbabago. Hoy magiging college na tayo pero ganyan ka pa rin. Ikaw lang ata ang hindi nahuhumaling sa’kin eh. Bakla ka ba?”  inis na sabi ni Sam.

“Baliw! Ang gwapo ko namang bakla?” sabi ko.

“Hay naku! Makaalis na nga.” sabi ni Sam at umalis na siya

‘Yan naman si Sam. Dati ko siyang admirer. 1 taon niya akong naging crush noong high school. Pero hindi ko kasi talaga siya gusto eh. Buti na lang at nakita na niya ang lalaking para sa kanya. Ang kumpare ko na si Asher. Parehas silang malandi, pero nang makilala nila ang isa’t isa ay nalaman nila ang salitang “loyalty”. Pero kahit sila na, hindi pa rin nawawala sa nature nila ang pagiging malandi. Ngayon nga ay mukhang may paligsahan sila. Paramihan ng taong maseseduce. At mukhang sa ngayon ay leading si Asher dahil sa ‘di ko pagpansin kay Sam.

“Hoy pre! Nakita mo ba si Alice my labs?” sabi ni Colton

Hinahanap niya ‘yong girlfriend niya na si Alice. Naku! Panigurado ay tinataguan na naman siya nito.

Odd Pair OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon