Princess Mirae POV"Hoy! Mirae! Ayaw mo pa bang kumain? Tara sa canteen!"Ilang beses na ba ako niyaya nito bakit hindi muna kaya siya mauna.
"Sige mauna ka na, may tatapusin pa akong project" Hindi pa kasi ako tapos sa mga gawain ko, gusto kong tapusin to baka mahuli ako sa deadline.
"Ehh!!! Bakit ba mas gusto mo pang kasama yang mga gamit na yan kesa sa akin? Nagseselos na ako! Baliw talaga to, libro at mga gamit lang pagseselosan pa ng loka loka.
"Tumigil ka nga, malapit na tong deadline nitong research na to kaya dapat tapusin agad. Hayaan mo magbobonding tayo pag na tapos ko to"
"Sige na nga. Mauna na ako. Kumain ka din!" Ito na naman siya para siyang nanay ko paulit ulit!
"Opo"
Pagkatapos niyang lumabas, itinuon ko na lang ang sarili ko sa mga libro. Nga pala ako si Princess Mirae Park. Halata naman sa pangalan ko na korean ako di ba? Pero half lang. Ang Ahfah(dad) ko na si Ellie park ang Korean at si oemma(mom) naman ay si Michelle Joaquin ang pilipina.
Yung babaeng nangungulit sa akin ay si Sandy Choi. Anak siya ng kaibigan o best friend ni Ahfah(Dad). Mag kasama kami noon pa man. Ang kwento sa likod nun ay balak sana nilang ipakasal ang magiging Anak nila pero pareho kaming babae kaya ayun hindi na tuloy.
Pupunta pa akong library para ibalik tong mga hiniram kong books. Medyo marami kaya inayos ko muna yung mga gamit ko at pinagpatong patong ko saka ko binuhat. Ah! Mabigat!
Nagdahan dahan ako sa paglalakad baka may mabangga pa ako.
Boogsh!
Ah! Aray! Ang sakit sa butt ah!
"Tsk tatanga tanga kasi eh! Ang pangit naman!"
Biglang narindi yung tenga ko sa sinabi niya. Siya pa talagang may ganang magalit.
"Excuse me!"tumayo ako mula sa pagkakabagsak ng malaking tao na to na walang alam sa salitang sorry ata eh!
"E di yan! Youre excuse!"Pilisopo to ah!
"Hindi mo ba alam ang salitang sorry? Yun lang hindi mo pa masabi?"
Nakakaasar siya! Siya tong nakabangga siya pang may gana na mang alipusta!
"Tsk! Wala sa dictionary ko ang salitang yan!"
Wala?! Aish! Tao ba tong mga to? O mga nilalang na ignorant? Madalas kong naririnig at nababasa yan. Ano bang tingin nila sa sarili nila? God?! Aish! Makaalis na nga lang. Pinulot ko yung mga libro na humagis ng mabangga ako ng ignorant man na to!
BINABASA MO ANG
Mercurial Life:
FanfictionStarted: January 28, 2016 What if may isang buhay na nagbago dahil sa pagmamahal? Ang pagmamahal ba ay may patutunguhan ba? Paano siya gagawa ng paraan para ma amin ang nadarama niya para sa lalaki. May magbabago ba sa buhay niya?