Chapter 8-[My childhood friend]

2 1 0
                                    

Mirae POV

Aish! Ang tanda tanda na niya pero hindi niya pa rin nagawang magbago.

Ano pa bang aasahan ko sa lalaking yun? Ni hindi nga siya nagpaalam sa akin ng umalis siya dito sa pinas eh. Ugok pa rin siya tulad ng dati.

"Hi miss pwedeng tumabi sayo?" Lumingon ako at nakita ko siyang ngiting ngiti. Ang dami ng nagbago sa itsura niya pero maloko pa rin talaga.

"Paano kung hindi pwede?" Kung siya maloko, ako din mas maloko. Tumabi siya sa akin sa round table dito sa garden.

"Uupo na lang ako dito basta basta, saka sayo bato? Kasi kung sayo to na saan pangalan mo?" Napangiti ako sa sinabi niya.

Kumuha ako ng stick na nandoon lang kung saan saan. Nagsulat ako sa lupa ng pangalan ko. "Oh paano ba yan, may pangalan yung lupa kaya layas. Shu Shu!" Tumayo ako at hinarap siya ng may ngiti sa mukha.

"Tsk. Tsk. Hindi ka pa rin nagbabago.." Umupo ulit ako sa tabi niya.

"FYI marami ng nagbago... Naging mas maganda ako kesa dati, tumalino at sumeksy." Pagmamayabang ko sa kanya saka tumayo sa harapan niya at nag post ng parang may pictorial.

"HAHAHAHAHA pero ikaw pa rin yung kababata kong lampa, mataba at laging bagsak noon" hinampas ko siya sa balikat. Tsk! Ganun pa rin pala siya judge mental.

"Ikaw hindi ka pa rin nag babago kaizer. Maloko ka pa rin hanggang ngayon. Kamusta pala bakasyon?" Umupo ako sa round table saka tumingin sa langit. 7;00 o clock na kaya medyo madilim na dito. Tanging ilaw ng buwan at lamppost ang nandito kaya maliwanag pa rin.

"Ok lang nakapag move on na ako, ikaw kamusta ka na? Para sayo pala tong dinner meeting na to ah. Nakita ko rin yung fiance mo" salamat at nakapag move on na siya kay sarah.

"Ito hindi ok sa mga nangyayari sa akin ngayon. Ikaw ba ang ipagkasundo sa lalaking hindi mo mahal papayag ka?! Tsk! Isip gamitin hindi yung binabakante mo. Isip isip din pag may time."

Mercurial Life:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon