Princess Mirae POVHindi ko akalain na makakalabas pa ako sa bahay ng bad boy na yun. Tyempo na umalis ang mama niya at nakita ko naman na natutulog sa garden si bad boy. Si ate jin naman tinulungan akong makauwi..Sinabi ko kay ate jin ang sakit na meron ako, sinabi ko din na kung pwede sa aming dalawa na lang muna. Thankful ako dahil nurse pala siya. At ito naman hinaharap ko ang pinaka malaking dagok sa buhay ko.
"Ano na Mirae?!" Panay ang tanong sa akin ni sandy ng kung ano ano matapos kung sabihin sa kanya yung nangyari.
"Wala ngang nangyari!... And never kong isusuko ang Bataan" tanong kasi siya ng tanong kung may nangyari daw ba sa amin. Duh! Nakatulog lang ako na may katabi sa kwarto eh may nangyari agad!
"Anong amoy? Mabango ba? Musculated ba?" Yuck! Kadiri yung mga tanong niya.
"Tumigil ka! Kadiri! Isipin mo nga yang mga tanong mo!" Nauna na akong naglakad papunta sa room. Ngayon ay may paghahandang mangyayari dahil sa gagawing tour. At sumama din ako dahil probinsiya ko yun.
"Mirae! May abs ba?!" Aish!
"Ewan!" Saka ako pumasok sa loob ng room. Palipat lipat kasi kami ng room eh. Ngayon ay sa bandang likod ako. Yun ang ayaw ko dahil hindi ko masyadong marinig ang sinasabi ng teacher. Kadalasan din iba't ibang studyante dito, galing sa iba't ibang section.
"Ok class marami kayong sumama sa school tour natin kaya asahan niyo na may ibang students kayong makakasama sa bus" after that nagturo na si ma'am at kuha ko naman. Itong katabi ko parang hindi kumikibo. Sinulyapan ko siya at tulog pala. Mananagot siya pag nakita siyang natutulog ni ma'am. Kaya ginising ko via my hand.
"Hoy gising, baka makita ka ni ma'am" pabulong pero madiin na sabi ko. Nagising yata kasi nakita ko siyang gumalaw.
"Bakit?" Gosh! Ang husky ng boses niya.
"Baka kasi makita ka ni ma'am na natutulog, pagagalitan ka niya" Ngumiti siya at inilapit yung mukha niya sa akin. Medyo napa atras ako.
"Syempre, nag aalala lang ako" ngumiti ulit siya. Grabe ang cute niya ngumiti. Saka siya lumayo at umupo ng maayos.
Mamaya lang may narinig akong pumunit ng papel at nakita ko siya na inabot sa akin yun.
AKO PALA SI WARREN.
Napangiti ako. Hindi ko lubos maisip na may nagpapakilala pa ng ganito. Mag aaksaya ng papel para magpakilala. Sumula't din ako at inabot sa kanya.
AKO NAMAN SI PRINCESS MIRAE PERO PWEDE MO AKONG TAWAGIN NA MIRAE NA LANG.
BINABASA MO ANG
Mercurial Life:
FanfictionStarted: January 28, 2016 What if may isang buhay na nagbago dahil sa pagmamahal? Ang pagmamahal ba ay may patutunguhan ba? Paano siya gagawa ng paraan para ma amin ang nadarama niya para sa lalaki. May magbabago ba sa buhay niya?