Sandy POVNaks! May POV pala ako? So, kilala niyo na siguro ang dyosa na katulad ko di ba? Kung hindi pa magpapakilala ako. Ako si Sandy choi. Half Korean/ half Filipino, si sarah ay childhood best friend ko/ kababata/ kalandian/ at kapatid na rin. Marami akong alam tungkol sa kanya. Kahit yung secret niya.
"Sandy Nasaan si Mirae?"
"Ewan ko don" Mukha ba akong tanungan ng nawawalang Mirae? President namin yung nagtanong.
"Nasaan ba talaga siya? Hinahanap siya ng mommy niya?" Si tita nandito?
"Ako na kakausap" lumabas ako at nakita ko si tita na naghihintay.
"Hi po tita!" Bati ko sa mama ni Mirae. Napalingon si tita at ngumiti.
"Hello sandy, where's your best friend?"
"Bakit po may sasabihin po ba kayo? Kasi kung meron po I can call her"
"Yes I think kailangan mo rin pumunta doon. Mamaya may dinner kami with the future family ng bff mo. Sasabihin ko lang may mag aayos na sa kanya"
Ha? Future family?
"Ano po uli yun? Parang mali po ako ng rinig e" pagpapaulit ko.
"Sandy,future family ni Mirae. Di ba nga Anak ipinagkasundo namin siya" ah ok. Yun pala yun. Alam ko din yung kasunduan.
"Ok po sasabihin ko po saglit lang tita tatawagan ko na po siya" saka ko kinuha yung cellphone ko sa palda.
"Hello Mirae" sabi ko sa kabilang linya. Sinagot na eh!
"[Bakit?]"
"Nandito yung mama mo, may gusto daw sabihin sayo" saka ko inabot kay tita pero hindi niya kinuha.
"Ikaw na magsabi sa kaibigan mo aalis na din kasi ako eh"
"Ok po ingat po kayo" saka ako nagbeso sa mama ni Mirae.
"Hello Mirae, ayaw ka kausapin ng mama mo" maloko nga.
BINABASA MO ANG
Mercurial Life:
FanfictionStarted: January 28, 2016 What if may isang buhay na nagbago dahil sa pagmamahal? Ang pagmamahal ba ay may patutunguhan ba? Paano siya gagawa ng paraan para ma amin ang nadarama niya para sa lalaki. May magbabago ba sa buhay niya?