Chapter 4-[Necklace]

2 1 0
                                    


Princess Mirae POV

Ah Grabe... Ang sarap ng higaan ko. May unan pa. Amoy lalaki? Nagmulat ako at...

"Kyaaaahhh!!!" Kinagat ko yung labi ko para hindi matuloy yung pagsigaw ko. Kasi naman eh! Nakayakap ako sa... Sa? Lalaki? Dali dali akong bumaba ng kama at tinignan kung ito pa yung damit ko. Wala naman nagbago eh. Eh bakit magkatabi kami nitong si bad boy?

Inalala ko yung nangyari. May naalala ako na nasa school ako at nasa playground tapos dumating siya. N-niyakap niya ako... at... at... Aish! Nahilo ako. Tapos hindi ko na alam. Napakagat ako ng labi. Sandali yung kwintas ko? Nasaan? May suot akong kwintas eh!

"Yung kwintas!" Umakyat uli ako sa kama at hinanap yung kwintas na yun. Hala! Bigay pa yung ng puppy love ko eh!

"Nasaan na?!" Napaupo ako sa gilid ng kama. May naramdaman ako na gumalaw pagtingin ko sa likod ko si bad boy.

"Anong hinahanap mo?" Paano ba to? Naiilang ako eh!

"A-ano yung a-ano ko..." Bakit ba ako nagkakaganto. Naramdaman ko na tumayo siya pero hindi ako tumitingin.

"Ito ba?" Napaharap ako at nakita kong hawak niya yung kwintas. Yun nga!!

"Oo yan!" Sinubukan kong kunin kaso umiwas siya. Aish!

"Wala akong oras para sa pakikipagbiruan!" Sinubukan ko ulit pero umiwas na naman siya. Aish!!

"Alam mo ba kung anong meron sa kwintas na to" Anong meron don? Ako nga hindi mabuksan yun eh! Yung kwintas na yun ay may susi kaya hindi ko mabuksan. Nasa nagbigay nyan ang Susi at hindi pa kami uli nagkikita nun kaya hindi ko rin alam kung anong meron sa loob.

"Amina sabi eh!!" This time nagtatalon na ako pero dahil medyo matangkad siya kaya hindi ko abot.

"Sandali lang!" Bakit siya sumigaw?

May kinuha siya sa cabinet niya at may nakita akong Susi. Susi? Ano yun? Doon ba sa kwintas yun?? Bakit nasa kanya? Hindi kaya?

"Bakit parang gulat na gulat ka" saka niya inabot yung kwintas ko na nakabukas na.

"Sandali... a-ano paano m-mo nagawa y-yun?" Tinignan ko yung picture at may picture ako doon at nung batang lalaki.

"Ako yung bata dyan sa kabila" tumingin ako sa kanya at pinagkumpara. Impossible!

"H-hindi pwede!" May kinuha ulit siya sa box at ngayon naman picture na talaga. Tinignan kong mabuti.

"Hindi pa ba sapat yan para maniwala ka na ako yung batang lalaki sa kwintas mo" Pinagkumpara ko ulit at yun na yun ang picture na nakalagay sa kwintas. Ibig bang sabihin nun....

Mercurial Life:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon