Chapter 9-[Confession]

1 1 0
                                    

Mirae POV

"Ano bang gusto mo?!" Sigaw ko sa kanya habang hawak yung kamay ko ng napakadiin. Aish! Hindi ko alam kung anong pag uusapan namin eh!

"Ano ng balak mong gawin ngayon?" Napaka hinahon niya. Ganyan ba talaga siya?

"Ano bang sinasabi mo?!" Ngayon pa niya nagawang maging kalmado?!

Bigla siyang tumayo. "Ano ng gagawin natin ngayon na malapit na tayong ikasal?" Hinila ko yung kamay ko na nabitawan niya agad. Hinimas ko yung kamay ko na namumula sa pagkakahawak niya.

"Ah ano..." ng biglang pumasok sa isip ko yun. Natigilan ako para akong nahot seat ng wala sa oras.

"Ano?" Ano ba isasagot ko sa kanya? Wala akong maisip lalo na hindi ako handa. Saka hindi ko iniisip yung tungkol doon sa kasal.

"Hindi ko alam? Saka hindi ko naman iniisip yan" naglakad na ako. Bahala siya dyan!

Habang naglalakad ako panay ang tingin ng mga tao dito sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Kinapa ko mukha ko wala naman ah? Bakit sila tumitingin sa akin. Pag dating ko sa table nila sandy hinila ko siya sa gilid.

"Oh bakit?" Bumulong ako sa kanya.

"May dumi ba ako sa mukha? Kasi kanina pa sila tingin ng tingin sakin?" Biglang natawa si sandy sa tanong ko. Anong nakakatawa?

"Napaka inosente mo kasi eh. Tumitingin sila sayo kasi ang ganda ganda mo" Biglang hinawakan ni sandy yung mukha ko saka niya pinisil yung mukha ko.

"Aharaykomashakitshandy!"

Binitawan niya ako. Hinaplos haplos ko yung mukha ko. "Sige na balik na don sa table niyo babalik na ako sa table ng family ko." Maglalakad na sana ako.

"Good luck!" Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Saka ako nagtuloy tuloy sa paglalakad.

"Nasaan yung luck dun?" Aish ganyan naman sila eh. Malas na nga nagagawa pang ngumiti na parang walang nangyari sa kanila. Umupo ako sa naka serve na upuan para sa akin.

"Saan kayo galing?" Pabulong na tanong ni mama. Huh? Kayo? Eh nag iisa lang ako.

"Ma ako lang po mag isa" natawa bigla si mama tapos tumingin siya sa direksyon ng garden kaya tumingin din ako.

Bumulong uli si mama. "Eh bakit pareho kayo ng pinuntahan ng fiance mo?" Huminga muna ako ng malalim. Saka ko tinapunan ng masamang tingin yung lalaking kausap ko lang naman kanina.

Mercurial Life:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon