Chapter 3-[Crush]

6 1 0
                                    


Roman James POV

Hanggang kailan ba iiyak tong si genius. Basa na talaga yung shirt ko eh.

"Kailangan sobs* bang pati ako ipagkasundo?"

F*ck! Bakit ba ako yung tinatanong niya?

"Ginawa ko naman lahat para sumaya sobs* sila ah!!"

Ginawa ang lahat? Sino bang pamilya nito? Napaka manhid naman ata nila para saktan ng ganito yung anak nila.

Dahil yakap ko siya. Naramdaman ko na yumakap din siya sa bandang tyan ko. Mas matangkad ako kaya medyo maliit siya. Biglang may kung ano na kuryente yung dumaloy sa katawanan ko. F*ck! Ayoko ng feeling na yun.

"Pwedeng matanong kung ano yun?" Gusto ko na talagang malaman dahil pati ako nakokonsensiya na.

Lumuwag yung pagkakayakap niya at tumingin sa akin. A-ang ganda pala ni genius pag sa malapitan. A-ang ganda ng mata niya. N-ngayon ko lang napansin na ganun pala siya kacharming pagmasdan parang ayoko ng alisin yung tingin ko sa mata niya pero buti na lang yumuko siya.

"Hindi ko pwedeng sabi--"

F*ck! Anong nangyari?

"Hoy genius?! Miss cute!"

Ano uli itinawag ko sa kanya? Wala akong sinabing cute.

"Bakit ngayon ka pa nawalan ng malay?"

Kinuha ko yung cellphone ko at dinayal ko si warren.

"[Oh bro? Napatawag ka?]"

"May nangyari kasi eh! May babae dito na nahimatay!" Sagot ko sa kabilang linya

"[Sino?]" Bakit ba ang daming tanong nito?

"Ilabas mo na lang yung kotse!!!"

Nakakabanas yung pagiging chismoso ng loko na yun! Sandali paano to? A-ano saan ko ba siya hahawakan? Saan ba? A-ah alam ko na! Binuhat ko siya na parang kakatapos lang ng kasal! Ayoko nito eh pero wala akong magagawa kundi ang gawin to.

Lakad takbo ang ginagawa ko, halos lahat ng ibang studyante napapatingin sa akin. Nakita ko na yung kotse ko at nakita din ako ni warren kaya napatakbo siya sa direksyon ko.

"Bro, Anong nangyari? Sandali si Princess Mirae park ba to?" Ha? Kilala niya tong si genius.

"Sandali kilala mo siya?" Pinagmasdan niyang mabuti si genius at tumingin sa akin.

"Oo at ayaw niya sa gamot at Amoy ng hospital" Saka niya binuksan yung pinto ng kotse.

Mercurial Life:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon