Chapter 7-[The grand meet up]

2 1 0
                                    


Mirae POV

Naks! Ang aga nila akong ginising! Alam ba nilang puyat ako? Nakakaasar lang na dahil sa Family Mendoza na yun nabitin yung tulog ko. Gusto ko pang matulog eh!

"Yan! Gosh! You're so ganda talaga!" Nga pala may kasama akong make up artist dito. Bakla pala siya si ate ginger. Hindi ko alam kung saan galing yung nickname niya pero ang totoo niya daw pangalan ay Nicholas. Ang astig ng name niya na halos hindi ako makapaniwala sa pangalan na ibinigay sa kanya.

"Ate ginger may kapatid ka bang lalaki?" Medyo hindi nakakabored kasama si ate ginger pero naiilang ako ng medyo dahil ngayon lang kami nagkakilala.

"Gosh! Wala no! Puro dyosa itech! Kaya nga itech na rin ako!" Buti na lang may gay words akong alam kaya yung 'itech' niya naintindihan ko.

"Ate ginger light make up lang" ayoko ng makapal na make up.

"Oke~" sagot niya...

Biglang bumukas yung pinto at nakita ko doon si mama at sandy. Naunang pumasok si sandy saka siya kumuha ng upuan na iniharap niya sa akin saka ako sinuri. "Ate ginger kahit na walang make up maganda naman siya eh"

Lumapit si mama sa amin. "Sandy Anak. Kailangan presentable tong Anak ko sa harap ng magiging in law niya" Para akong narindi don sa sinabi ni mama kaya napasimangot ako. Sa lahat ng ayaw ko yung ipinangangalandakan sa akin yung word na ayaw kong marinig.

"Oh bat sumimangot ka?" Tumingin ako kay ate ginger.
"Wala po ate" pinilit kong ngumiti sa harap niya.

"Ilang minuto na lang darating na sila lalabas muna ako" lumabas si mama saka ako tumayo tapos na rin kasi akong make-a-pan. Humarap ako sa salamin. Naramdaman ko na may kamay na humawak sa balikat ko, pag harap ko nakita ko si sandy na seryosong nakatingin sa reflection ko sa salamin, tinignan ko din siya sa salamin.

"Pagsubok lang yan Mirae huwag na huwag kang susuko. May solusyon sa bawat problema" sabi niya saka niya ako binak hug.

"Iba to sandy, pang lifetime nato" tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Hindi ako ganun kacool tulad ng paniniwala ko sa sarili ko. Naniwala lang ako na matapang ako ng panahon na nakikita ko si lolo na lumalaban sa lahat ng problema niya pero ng mamatay siya pakiramdam ko napaka weak ko.

Mercurial Life:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon