Chapter 2-[Lean on]

3 1 0
                                        


Princess Mirae POV

"Ok class. Magkakaroon tayo ng 3 days tour sa zambales. Pumunta lang kayo sa office ko kung gusto niyong sumama. And Princess Mirae may gustong kumausap sayo"

Ha? Sakin? Sino naman? Wala naman si umma sa bahay nasa US siya para magpalaki ng business namin don. And si appa nasa company busy din yun panigurado.

"Class dismiss! Tara Ms. Park" pagtawag uli sa akin ni ma'am na lalabas na sa room.

"Yes ma'am" tumayo na ako at dinala yung project ko, sa teacher ko kasi na ito ipapass yun kaya isasabay ko na. Simunod lang ako sa Dean office.

"Ma'am ito po yung project ko" ibinigay ko kay ma'am at inabot naman niya.

"Sige pumasok ka na. Nasa loob ang Tito Kevin mo" naglakad na siya papunta doon sa kabilang room. Alam ng lahat ng teacher's dito ang sikreto ko kaya pinakiusapan ko sila na huwag sabihin sa iba.

Nga pala si Tito Kevin nandito? Pero Bakit? Siya ba yung gustong kumausap sa akin?

Binuksan ko ang pinto at Bumungad sa akin si Tito na nagbabasa. Napatingin siya sa direksyon ko at yumukod ako.

"Good morning po" masaya kong bati at ngumiti naman siya.

"Sit down" sinunod ko siya at umupo sa couch na mahaba.

"Ano pong pag uusapan natin?" Malumanay kong tanong dahil hindi ko alam ang pag uusapan namin.

"Alam ko na alam mo na nakaayos na ang kasunduan ng family Mendoza sa family natin, di ba?"

Napayuko ako at sinariwa sa isip ko yung narinig ko noon na pag uusap nila ng magulang ko tungkol sa naudlot na pagpapakasal. Bakit ba ang daming nangyayaring fix marriage ngayon? At ito pa nasali pa ako sa mga listahan ng mga yun.

"Ne, but-"

"No more but's! We all know that you need to marry one of there son's. You are the only way to fix the trouble between this two family. Sa mga susunod na araw ay aayusin na ang kasal niyo kaya be prepared"

Bakit ganyan sila? Wala ba silang konsiderasyon sa nararamdaman ng taong pwede nilang masaktan? Tumayo ako at tumalikod sa Tito ko. Kahit na isipin niyang wala akong disiplina. Wala silang magagawa kundi ang intindihin ako.

Mercurial Life:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon