Chapter 10-[New address]

2 1 0
                                    


Mirae POV

Blag! Blag! Blag!

"Mirae bumangon ka na dyan! Mirae! Late na may pasok ka pa!!" Uhm... Si mama talaga ang aga pa kaya...

"Five minutes pa ma!" Inis kong hinablot yung unan malapit sa akin saka ko itinakip sa mukha ko para hindi ko pa marinig boses ni mama. Ang aga pa eh!

"Mirae bumangon ka na dyan! Lalamig yung pagkain! Mirae!" Ano ba yan!

"Ma five minutes na lang promise!" Saka ko Inis na ipinikit ng madiin yung mata ko.

"PRINCESS MIRAE PARK!" Hala! Lagot! Pag tinawag ka na ni mama ng full name... maghanda handa ka na kaya wala sa oras na napamulat ako saka napipilitang tumayo sa kama ko.

"Yan na ma! Magpapalit lang po!" Pagkasabi ko nun pumunta na ako sa banyo para maghilamos at mag palit ng damit. Pagka tapos ko don bumaba agad ako ng bahay baka mamaya may babaeng lumusob uli sa kwarto ko.

Nakakatakot pa man din magalit si mama.

"Ma nasaan si papa?" Umupo ako saka inabot yung pagkain ko. Kumain ako habang nakatingin kay mama na papaupo pa lang sa lamesa niya.

"Bakit hahanapin mo pa yung papa mo? Alam mo namang business minded yun" Oo nga pala. Lagi na lang ganto yung kaganapan sa bahay na to. Laging wala si papa dahil sa business niya and hindi ko alam kung matutuwa ako.

"Ma hindi ba tayo makakapagbonding nila papa sa linggo?" Sumubo uli ako.

"Anak naman..." Aish! Alam ko na sagot ni mama pag ganyan. Hindi pwede!

"Opo alam ko na sagot niyo"

"All this time wala siyang nilaan na oras sa atin. Kaya lumalayo yung loob ko sa kanya." Sumubo ulit ako.

"Nak alam mo namang para sa atin yun di ba?" Nakaramdam ako ng awa kay mama, naaawa ako kay mama at sa sarili ko kasi pareho kaming walang puwang sa puso ni papa ng dahil sa trabaho niya.

"Hindi ko po maintindihan si papa. Mas inuuna niya pa yung trabaho kesa sa pamilya niya. Kaya nga ayaw kung pumunta sa company" sumubo ako ng sumubo.

Mercurial Life:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon