Part 1

1.2K 24 2
                                    

Letters to Unknown
by rmdp11_TheForgotten

{PART 1

February 11, 1997

R,

Kilala na kita, matagal na panahon na tayong nagkasama. Alam kong malayo ang mararating mo pero hindi ko alam kung makakaabot ka hanggang dulo.

From,
G

P.S.: Sana magawa mo ang papel mo sa buhay ng ibang tao.

March 14, 1997

M,

Hi! Naaalala mo pa ba'ko? Ako 'yong kalaro mo dati. Hay, sabagay matagal na panahon na nga pala ang nakakalipas, marahil ay nakalimutan mo na rin ako. Pero h'wag kang mag-alala, palagi lang ako sa tabi mo.

R.

July 14, 1997

Unknown,

Hindi pa kita nakikita pero gusto na agad kitang makilala. Hindi ko alam kung bakit pero sana malaman mo na kahit anong mangyari ay nandito lang ako lagi sa tabi mo. Hindi kita iiwan at papabayaan.

Sumulat,
R.

August 18, 1997

R,

Matagal ko ng iniintay na makita ka, alam mo naman 'yon di'ba? Matagal na rin akong naghihintay sa araw na muli tayong magkakasama. Sana dumating na 'yon at sana kapag dumating 'yon ay hindi na matapos.
Alam mo bang may alam akong masarap na kainan dito sa may amin? Ang pangalan ay Chef Manny's, masarap ang Cordon Bleu nila do'n. No'ng isang linggo nga naka-tatlong kanin ako e. Nagpapa-order din sila ng mga pansit, at minsan pa nga nagde-deliver sila. Sana kapag nagkita tayo magustuhan mo rin do'n.

M

Letters to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon