Part 2.4

118 7 2
                                    

PART 2 continued...

September 1, 2001

Unknown,

Buti na lang walang klase sa unang araw ng Septyembre. Kung hindi ay baka masama na naman ang buwan ko. Hindi pa rin pala ako nakakaligtas sa mga project at assignment, mas dumami sila at parang wala ng katapusan.

Maaga kaming sisimba bukas kaya matutulog na'ko.

Rs.

October 18, 2001

Unknown,

Matagal na nang huli akong sumulat sa'yo. Marami kasi kaming ginagawa. Kakatapos nga lang ng 'United Nations' celebration sa school e. Nanalo pala si 'crush' at 'yong nililigawan n'ya, Mr. & Ms. United Kingdom. Panlaban naman kasi talaga 'yon noon pa, siguro ay nag-transfer nga lang 'yon ngayong second year, kasi dapat no'ng isang taon pa s'ya lumaban e.

Maganda 'yong talent no'ng dalawa, interpretative dance, skin-to-skin, sobrang intimate at wala na akong pake.

Rs.

P.S.: Muntik pa silang mag-kiss.

October 22, 2001

Unknown, 

Malapit na naman pala ang undas, hindi ko alam kung makakasama ako ngayong taon, ang dami kasi naming ginagawa e. No'ng isang linggo pala ay sinulatan ako ni Mich, nangangamusta at gusto na uling bumisita. May ike-kwento daw. Siguro may boyfriend na 'yon. Buti pa ang pinsan ko, maganda, may boyfriend e.

Society and its standards. Bakit kaya gano'n? kahit naman single ka ay maganda ka pa rin. Mas maganda ka pa nga kaysa do'n sa mga may kasintahan e, kasi wala kang iniisip na ibang tao kung hindi ang sarili mo. Mas maalagaan mo 'yong sarili mo, pero malungkot din kasi wala kang kalandian. Shete. Ba't ko ba iniisip 'to? I just coined a term for those people who're in love (daw, pabigyan na), 'Kasintangahan.'

Rs.

P.S.: No harm in trying.

October 27, 2001

Unknown,

May nagsabi sa'kin na maganda daw ako. Kinilig nga ako e. Parang nanay ko lang yata ang nagsabi na'n sa tanang buhay ko e.

Rs.

P.S.: Kausap ko pala 'yong salamin no'ng sinabihan ako ng maganda.

November 3, 2001

Unknown,

Naiwan ako sa bahay no'ng 'Araw ng mga Patay,' no'ng hapon lang naman, bumalik din sila no'ng gabi (may pasalubong pa ngang bolang kandila e.) May ginawa kasi kaming project no'ng mga ka-grupo ko. Kailangan na daw tapusin kasi may pupuntahan daw 'yong ibang ka-grupo namin no'ng 2 hanggang sa isang linggo, eh ang pasahan naman no'ng project namin ay pagka-pasukan na kaagad.

Dalawa lang sana kaming gagawan no'n kung hindi pa kami pumayag no'ng November 1. Nabuo naman ang araw ko no'n kasi nakita ko si 'crush,' ilang kanto lang ang layo sa bahay no'ng kaklase naming na pinag-gawaan ng project. Napansin din iyon ng iba naming ka-grupo kaya tinanong nila. Willing namang sumagot 'yong kaklase naming at mas attentive pa kami doon kaysa sa panggagawa ng project. Kakalipat lang pala nila no'ng bago magsimula ang pasukan. Marami pang kwinento 'yong ka-grupo namin pero hindi ko na sasabihin, sa sobrang haba ay baka maubos ang bond paper ko.

Rs.

P.S.: Lumipat na rin kaya kami?

November 14, 2001

Letters to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon