Part 2.1

792 11 0
                                    

{PART 2

September 18, 1999

Unknown,

Birthday ng nanay kanina. May dinalang cake si tatay. Malayo pa lang ay sinalubong na namin s'ya. Si bunso ay nakahiga sa kanyang crib. Dumudungaw si nanay sa may bintana dahil hindi n'ya pwedeng iwanan ang kanyang niluluto. Kasama ko ang dalawa ko pang kapatid sa pagsundo kay tatay. Pagkarating namin sa pwesto n'ya ay agad akong nagmano, samantalang ang dalawang lalaki ay kinuha kaagad ang mga dala ni tatay.

Sabay kaming naglakad pauwi ng bahay ni tatay habang ang dalawa ay nauna na. Maya-maya pa bago kami tuluyang makarating sa bahay ni tatay ay may pinakuha s'ya sa'kin sa kanyang backpack. Sinunod ko naman siya at doon ay nakita ko ang isang hayop, 'yong may mahabang leeg, giraffe ata ang tawag doon. Ipinakita ko ito kay bunso at kita ko ang galak sa kanyang mga mata.

Mga bandang alas-otso na kami kumain, nalibang kasi kami sa panonood ng cartoons sa TV, sina nanay naman ay nagpapahinga kaya pagkatapos na lang naming manood sila ginising. Kinantahan namin si nanay ng 'Happy Birthday.' Wala kaming mga regalo dahil hindi pa naman namin kayang bumili pero may mga ginawa kaming cards no'ng isang araw na binigay namin sa kanya kanina. Maluha-luha si nanay habang binabasa ng tahimik ang laman ng bawat cards. Isa-isa n'ya kaming niyapos at hinalikan pagkatapos niyang basahin ang mga iyon.

Ngunit hindi namin inaasahan ang mangyayari kay bunso, bigla na lamang siyang nawalan ng malay at agad kaming nagpunta sa ospital. Sina nanay at tatay lang ang nakapasok sa loob. Mga bata pa daw kasi kami kaya hindi kami pwedeng pumasok. Mga alas-onse ay lumabas si tatay, ihahatid na daw niya kami pauwi at babalik na lang daw siya sa hospital kapag nakatulog na kami. Tinanong ko siya kung anong nangyari pero hindi naman niya ako sinagot. Itinikom ko na lang ang bibig ko at inintay na lang na makauwi sa bahay.

Pagkadating sa bahay ay agad kaming nagtungo sa kwarto ng mga kapatid ko. Pagkahiga sa kama no'ng dalawa ay agad silang nakatulog. Humiga na lang din ako at nagtalukbong ng kumot, maya-maya pa ay naramdam kong umalis na uli si tatay. Bumangon ako at nagsulat.

Rs.

P.S.: Kailangan ko lang talaga ng makakausap.

September 21, 1999

Unknown,

Hindi pa rin nakakauwi si bunso, nasa ospital pa rin sya pero hindi kami pwedeng dumalaw. Dinadalhan naman kami ng pagkain ni tatay pero mas kailangan siya ni bunso at ni nanay sa ospital, kaya ako na lang din ang nag-aasikaso sa dalawa kong kapatid. Ngayong araw ay pinag-gawa kami ng maikling kwento ng aming guro sa English. Tandang-tanda ko pa iyong isinulat ko kaya isusulat ko na rin dito.

'There was no other way but to run, in my case I wanted it. I wanted to run away from this world. I wanted to run away from everything. Don't they know how hard it is to be someone you're not? How hard it is to be in love with someone who doesn't even know that 'you' exist?

"S!" someone called my name and I turned just to see who it was. I was shocked, it was him.

"Why?" I blurted out when he's already near me.

"Can I ask for a favor?"

"Only if I can."

"It's easy. Make Rain fall in love with me." Brutally straight-forward.

"Okay." Was my only reply, he said he'd text me of the plan but I know better, I can't force myself to do something that will only make me suffer. But who am I to even bother the pain? It's nothing compared to what I've been through. It's easy as counting, memorizing and solving mathematical problems.

Letters to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon