Final

284 13 16
                                    

{FINAL

January 2, 2016

Unknown,

Labindalawang taon na pala ang nakakalipas simula no'ng huli akong sumulat sa'yo. Ilang beses na rin akong nagbalak na magsulat kaya lang hindi ko kaya e. palagi ko lang naalala si Ate. Okay na naman kami ngayon. masaya ang Bagong Taon at Pasko. Parang nagbalik na nga sa dati ang lahat e, wala lang si Ate.

Lumipat na pala kami ng bahay, nasa kolehiyo na rin ako. Sina nanay at tatay ay taong-bahay na lamang. Sina Kuya ay nagtatrabaho.

Teka, naaalala mo pa ba'ko o nalimutan mo na? sana natatandaan mo pa'ko. Ikaw kasi hindi kita nalimutan sa tagal ng panahon na hindi ako sumusulat sa'yo. Pinaghilom ko lang muna ang mga sugat ng kahapon.

Asahan mong babawi ako. Bachelor of Arts in Literature pala ang kinuha ko, nasa ikatlong taon na ako at sa darating na pasukan ay fourth year na'ko. Inaasikaso ko ngayon ang aking thesis, sana ma-approve na 'yong Chapter 2 ko, last year pa kasi 'yon, nakailang revise, rewrite na ako pero marami pa ring mali.

R.

January 6, 2016

Unknown,

Wash day sa school ngayon. simpleng t-shirt at pantalon lang suot ko kanina. Nag-report din pala ako tungkol sa mga gawa ni Sir Shakespeare, naalala ko tuloy 'yong play na napanood ko noon. Masayang balikan ang ilang alaala pero ang ilan ay masarap na lang na kalimutan.

Mataas ang nakuha kong grade sa professor ko at napuri pa n'ya ako. Hinayaan ko na lang iyon at nagpatuloy ang araw ko, ngayong gabi ay isinusulat ko na naman ang panibago kong Chapter 2. Nakakatakot tignan ang mga pulang tinta ng ballpen sa papel na ilang araw mong pinagpuyatan ano. Mas maiging i-rewrite na lang, baka mas pumasa pa sa panlasa ng adviser ko.

Nakabukas ang music player ng laptop habang nagsusulat ako, nakabukas din ang MS Word dahil kapag hindi na kaya ng kamay ko ang mga ideya ay diretso type ako, kapag wala naman ay balik sa notebook ko.

Masayang pag-aralan ang Asian Literature pero sa idinudulot sa akin nito ngayon ay parang ayaw ko ng ituloy, ba't kasi siya pa 'yong prof na nabunot ko?

R.

P.S.: Nagmamagandang, matandang dalaga. May anak sa unang asawa. Hiniwalayan dahil nakahanap ng iba. Hmm.

January 10, 2016

Unknown,

Okay na iyong Chapter 2 ko at ngayong gabi ko sisimulan ang Chapter 3 na ie-email ko na lang kay prof kapag natapos ko na ngayon. Doon sa Chapter na 'yon talaga ako nahirapan, 'copy-paste' daw kailangang i-paraphrase, may irrelevant ideas daw at kung anu-ano pang komento. Hindi na lang sabihin na 'REWRITE.'

Habang nagsusulat ay pinapakinggan ko 'yong audio book ng 'The Arabian Nights.' Nasa huling kwento na ako ng kumatok si Kuya Pot sa pinto ko, hapon noon. Noong una ay hindi ko pa alam kung anong meron pero nakuha ko rin, kaarawan pala ni Kuya Mac ngayon at may hinandang surpresa 'yong girlfriend n'ya kaya kailangan daw nila ng tulong ko. Da't sinabi nila ng mas maaga para alam ko naman na may gagawin pala ako bukod sa thesis ko.

Naging maayos naman ang lahat. Everything seems to be perfect but the greatest surprise I guess would be of their engagement. Sina nanay at tatay lang ang may alam na may ganoong mangyayari. Akala niya siya lang ang may surpresa, pati pala si Kuya meron din. Sa May na daw ang kasal, pagkatapos mag-dinner ay bumalik na ako sa pagsusulat.

R.

January 14, 2016

Unknown,

Letters to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon