Part 3.1

112 6 1
                                    

{PART 3

February 11, 2002

Unknown,

Kaarawan ko ngayon, 'yan ay ayon sa mga kapatid ko. Hindi man lang ako magawang lingunin nina nanay at tatay, para ngang umalis iyong dalawa e. Wala rin naman ang mga kapatid ko at pumasok sa eskwelahan.

Ano kaya ang gagawin ko ngayong araw?

R.

April 12, 2002

Unknown,

Nakita ko na 'yong matagal ko nang hinahanap na damit, nasa lumang cabinet lang pala namin. Sana makita na rin kita.

R.

December 25, 2002

Unknown,

Anim na araw na lang at magbabagong taon na naman. Alam mo bang taun-taon ay natalon ako para tumangkad. 'Yon kasi ang sabi sa'kin ng mga magulang ko e (hindi ko nga lang alam kung tumatalab ba, maliit pa rin kasi ako hanggang ngayon.) Marami pa silang sinasabi sa t'wing sasapit ang bagong taon. Una na sa listahan 'yong sinabi ko kanina. Ikalawa ang pagsusuot ng damit na may bilug-bilog, swerte daw 'yon (maraming kwarta ang dala.) Ikatlo ay ang mag-ingay daw para umalis ang malas. Teka, ba't bagong taon agad? Pasko pa lang naman ngayong araw di'ba? We worry too much of the future that we forget we're still at the present.

Maligayang pasko sa inyo ng pamilya mo! Alam kong alam mo na sumusulat ako sa'yo, pero ba't hanggang ngayon wala pa rin akong nakukuhang sulat na mula sa'yo, idagdag mo pa na hindi pa rin kita nakikita kahit ang tagal ko ng naghihintay, siguro nga ay totoo ang kasabihang, "Patience is a virtue." Pero hanggang kailan? May katapusan ba'tong ginagawa kong paghihintay? Sana meron. Sana.

R.

P.S.: Spaghetti, puto at kutsinta.

December 26, 2002

Unknown,

Limang araw na lang. Haay!!! Ilang bagong taon pa kaya bago kita makilala at makita ng personal. Alam mo bang taun-taon kong hinihiling na makita na kita? Wala ka bang larawan na maipapadala? Gaano ba kalayo ang inyo at ako na lang ang pupunta? Kailangan ko bang sumakay ng bus? Ng jeep? O ng eroplano kaya? (Kung sa eroplano man, matutupad ang isa sa mga kahilingan ko, ang makakita ng ulap sa malapitan?)

Narinig ko si nanay at 'yong kapit-bahay namin na nag-aaway kahapon nang mga alas-onse y media ng gabi. Hindi ko alam kung anong pinag-aawayan nila. Ang narinig ko lang ay ang salitang 'kabit,' hindi ba 'yon 'yung paraan ng pagsusulat na 'kabit-kabit'? Pero kung anuman ang ibig sabihin ng salitang 'yon, sana hindi ko na malaman. Ang lakas kasi ng boses nila, para silang nag-aaway.

R.

December 29, 2002

Unknown,

Napapadalas ang pagsulat ko sa'yo kasi wala akong ginagawa sa bahay. Ayaw naman akong palabasin ni nanay, ayaw din naman n'ya akong patulungin sa gawaing bahay. Sana pala sumama na lang ako sa mga kapatid ko at kay tatay na magpunta sa isa naming kamag-anak. Ang saya siguro nina ate at ng mga kuya doon na naglalaro.

Alam mo bang muntik na akong mapaso ng apoy kanina? Sinindihan ko kasi 'yong posporo na nakita ko sa tukador, madali lang palang magpa-apoy? Ididikit mo lang 'yong dulo ng posporo do'n sa may magaspang na parte no'ng kahon ng posporo tapos mag-aapoy na ito. Isang piraso na nga lang iyon kaya hindi ko na nasubukan ulit.

R.

P.S.: Hindi alam ni nanay ang ginawa ko, hindi mo naman ako isusumbong di'ba?

December 31,2002

Letters to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon