Part 4

102 8 0
                                    

{PART 4

January 11, 2004

Unknown,

Unang sulat ko 'to sa'yo ngayong taon pero masamang balita kaagad. Noong nakaraang Huwebes ay biglang isinugod si Ate sa hospital, hanggang ngayon ay naka-confine pa rin siya doon. Hindi ako maaaring dumalaw dahil bata pa ako at baka mahawa daw ako ng mga sakit. Si Kuya Mac ang kasama ko ngayon sa bahay. Nagpunta kasi si Kuya Pot sa hospital para bantayan si Ate, si nanay at tatay naman ay nandoon din kaso hindi sila pwedeng mapuyat (may pasok kasi kinabukasan) kaya pinapunta nila si Kuya doon. Ewan ko ba kung bakit hindi na lang muna umuwi 'yong dalawa para si Kuya na lang talaga ang magbantay.

Bago mangyari iyong atake ni Ate ay nakauwi na ang mga kamag-anak naming kaya wala pa silang ideya tungkol sa nangyari. Kailangan ko ng matulog, nae-excite na akong pumasok bukas e. Unang araw ko na naman sa paaralan, may nagbago kaya?

R.

January 16, 2004

Unknown,

Ngayon lang naka-uwi si Ate, marami pa daw kasing exam ang ginawa e. Sa palagay ko naman ay ayos na si Ate no'ng nakita ko siya kanina. Nakakangiti at tawa na s'ya e. Hindi ko naitanong kung anong nangyari kay Ate kina nanay kasi pagod din sila. Ang daming pagkain ni Ate, binigyan pa nga niya ako ng ubas e. Gano'n pala kapag nagkakasakit ano? Binibilhan ng maraming pagkain, parang gusto ko na rin tuloy magkasakit.

R.

January 19, 2004

Unknown,

Hindi pa rin nila pinapapasok si Ate, nasa bahay lang siya maghapon. Ano kayang pakiramdam niya? Ayos lang kaya 'yon? Para kasing kapag may sakit ka at wala kang ginagawa ay mas lalong lalala ang sakit mo. Ewa ko din, hindi naman ako doctor para malaman kung ano ang tama at mali sa ginagawa ng isang may sakit.

R.

P.S.: Ang sarap no'ng cookies crunch, binigyan ako ni Ate ng isa.

January 26, 2004

Unknown,

Malapit na ang birthday ni Ate at ngayong linggo ay nakapasok na s'ya, kasabay ko na ulit siya sa pagpasok sa umaga. Noong isang linggo kasi ay si Kuya Pot lang.

Marami na kaming ginagawa sa klase, may ibinigay sa aming coloring book si teacher kanina. Kailangan daw naming iyong kulayan, 'yong walang lampas at tama ang pagkakakulay sa mga bagay-bagay. Madali lang iyon, matatapos ko 'yon ngayong darating na weekend.

R.

January 30, 2004

Unknown,

Nagluto lang si tatay ng spaghetti at bumili si nanay ng cake. Himala nga at ganoon ang nangyari. Karaniwan kasi ay si nana yang magluluto pero naiba ngayon. di hamak na mas magaling magluto si ttay kaysa kay nanay. Huwag mo kong isusumbong ha? Totoo lang ang sinasabi ko.

R.

January 31, 2004

Unknown,

Walang pasok ngayon kasi Sabado. Nagsimula nap ala akong magkulay kanina, muntik ko nan gang matapos kung hindi lang naupos 'yong isang Crayola e. magpapabili na lamang ako bukas pagkatapos naming sumimba. Nasa huling pahina na'ko kaya madali na 'yong matatapos.

R.

February 12, 2004

Unknown,

Letters to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon