Part 2.2

213 9 0
                                    

PART 2 continued...

July 14, 2000

Unknown,

Mahirap pala kapag nasa sekundarya ka na 'no? Ang dami nang pinapaggawa ng mga guro. Halos wala ka ng pahinga. Pauwi na ako ng bahay ng madaanan ko ang isang tindahan, mga unique items ang tinda nila. Ngayon ko lang 'yon nadaanan. Lagi kasi akong nasakay pauwi e. Ngayong araw ko lang naisipang maglakad pauwi, halos tatlumpung minuto din akong naglakad. Balik tayo do'n sa shop, may mga figurines silang tinda, notebook at ballpens na iba't-iba. May ilan akong nagustuhan pero kulang ako sa budget kaya ang nabili ko lang ay isang brown na ballpen.

Ngayong gabi at sa mga susunod na araw ay gagawa ako ng assignment at mag-aaral na para sa darating na exams sa unang linggo ng Agosto. Tiyak na wala na akong panahon para mag-aral no'n, halos lahat kasi ng subject ay may project e. Kailangang mataas na marka kaagad ang makuha ko para hindi na ako maghabol sa mga susunod pa.

Wala namang interesanteng nangyari ngayong araw, matutulog na rin ako pagkatapos kong manood ng TV.

Rs.

October 30, 2000

Unknown,

Tambak na naman kami sa gawain. Hindi ba naisip ng mga guro namin na gusto din naming magpahinga kahit kaunting panahon lang? Malapit na rin ang araw ng mga patay kaya kailangan ko ng matapos ang lahat ng gawain ko bago pa dumating ang araw na 'yon, baka kasi hindi ako pasamahin ni nanay sa sementeryo. Gusto ko pa namang makalaro ang mga pinsan ko.

Buong maghapon akong may ginagawa. No'ng umaga ay tinulungan ko si nanay na maglinis ng buong bahay at pagkatapos no'n ay puro gawaing pang-eskwela na ang ginawa ko. Nananghalian at naghapunan lang ang pahinga ko para lang matapos ko ang lahat ng gawain sa loob ng isang araw at kahit bukas ay pahinga ako maghapon. Hindi naman ako nabigo at ngayon nga ay nagsusulat na ako, magha-hatinggabi na pero maingay pa rin sa labas ng bahay. May nakanta kasi sa videoke, mabuti na lang at hindi nagigising si bunso.

Sige, magpapahinga na'ko ah.

Rs.

December 25, 2000

Unknown,

Bakasyon na, pasko na rin. Masaya ang naging pagdiriwang namin kagabi, dumating kasi ang mga kamag-anak namin sa side ni tatay e. Bihira lang 'yon kaya sinulit talaga namin. Nag-renta si tatay ng videoke, nakilala ko rin ang mga pinsan kong sina Bryan at Michelle, mga anak ni Tita. Iyong iba naming pinsan ay matatanda na o maliit pa kaya hindi ko na inusisa pa. Magdamag kaming nagkwentuhan nina Michelle, tungkol sa pag-aaral na minsan ay napapadako sa buhay 'crush.' Natutuwa ako kasi kahit ngayon lang kami nagkita ay nagkasundo kaagad na kaming tatlo, parang napakatagal na naming magkakakilala kahit kagabi lang naman talaga.

Dito rin daw magba-bagong taon sina Mich kaya dito na muna sila makikitulog. Siksikan man kami ay ayos lang kasi masaya naman kami. Yung mga pinsan namin na ka-edad ni Kuya Mac ay inaya niyang makipaglaro sa mga kabarkada niya ng basketball pati si Bryan ay isinama nila kaya kaming dalawa ni Mich ang naiwan sa bahay. Ang mga tito kasi namin ay umalis muna para mangamusta sa mga kakilala nila sa kabilang barangay, sina tita naman ay sumama kay nanay para mamili ng pagkain.

Buong hapon ay gumawa kami ng scrapbook ni Mich, project ko sa values. Mabuti na lang talaga at artistic 'tong pinsan ko kaya madali kaming natapos. Pagsapit ng gabi ay unti-unti ng nagkakaroon ng buhay sa bahay, dumarami na ang tao.

Masaya kaming kumain ng hapunan at pagkatapos noon ay balik na sa kanya-kanyang gawain. Ang ilan ay naghahanda na sa pagtulog kagaya namin ni Mich. Madaling nakatulog si Mich at ang mga kamag-anak namin, pumuslit lang ulit ako para isulat ang sulat ko na'to.

Letters to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon