Part 3.2

86 5 0
                                    

PART 3 continued...

April 15, 2003

Unknown,

Malayo pa ang pasukan pero namili na kaagad sina nanay ng mga gamit. Kaka-sweldo lang kasi nilang mag-asawa sa trabaho kahapon kaya hangga't maaga daw ay bumili na ng gamit dahil baka tumaas ang presyo nito kapag malapit na ang pasukan. Naiwan ako sa bahay kasama nina Kuya noong umaga pero no'ng pa-tanghali na ay dumating si nanay, Ate at Ate MIch dala ang ilang bag ng school supplies.

No'ng sinilip ko ang laman ay nandoon na rin ang mga gamit ko. Excited na tuloy akong pumasok.

R.

April 17, 2003

Unknown,

May liga sa barangay kanina, kasama kong nanood ang mga Ate at Kuya. Lahat ng manlalaro ay magagaling kaya hindi ko namalayang natapos na pala ang laro. Ayon sa narinig ko ay sa susunod na Huwebes na ulit ang laro at sa ikatlong linggo daw ng Mayo ang inaasahang championship game.

Nakakatuwang panoorin iyong mga manlalaro, lahat sila ay determinado, walang nagpapatalo. Kung makakapuntos 'yong isa ay agad din namang nababawi no'ng kalaban. May mga patakaran ang laro na hindi ko maintindihan pero umaasa ako na sa darating na mga panahon ay maintindihan ko na rin.

R.

April 23, 2003

Unknown,

Buong araw kaming nagbisekleta. Palitan kami at lahat ay masaya. Naglaro pa nga kami ng taguan bago magtakip-silim e. No'ng ako na ang taya ay nagsi-ayawan na sila. Nakakalungkot lang kasi gusto ko ring maghanap ng mga nagtatago.

Marami kaming nalaro ngayong araw, sina Kuya ang kalaro ko kaya mas masaya. 'Yong ibang mga bata kasi ay gagamba, trumpo at yo-yo ang pinagkakaabalahan. Gusto ko rin sanang subukan ang mga iyon pero nawili ako sa paglalaro kasama ang mga Kuya kaya hindi na lang t'saka minsan lang 'to sa loob ng isang taon kaya susulitin ko na.

R.

April 24, 2003

Unknown,

May bagong lipat kaming kapitbahay. May anak silang babae na ka-edad ko lang. Isinasali naming s'ya sa paglalaro pero ayaw n'ya kasi daw magagalit ang mommy n'ya. Maputi 'yong bata, makinis at mamula-mula ang pisngi kapag naaarawan, singkit din. Anak mayaman siguro 'yon.

Nanood ulit kami ng liga pero hindi na sumama 'yong dalawang babae. Pagkatapos maghapunan kami umalis ng bahay kaya nagpaalam muna sila Kuya na gagabihin kami ng uwi, pumayag sina nanay at umalis na kami. Pagkadating do'n sa court ay kakasimula pa lang din ng laro. No'ng mga nasa third quarter na ay bigla na lang may napaupong player sa court. Hindi ko alam kung anong nangyari pero dahil doon ay natigil ang laro.

R.

P.S.: Makakakita n asana ako ng live na suntukan. Sayang.

April 28, 2003

Unknown,

Kahapon ay nagsimba kami at kumain sa labas. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakaka-simba ka. Nahihiwagaan pala ako doon sa isinusubo ng mga tao kapag malapit ng matapos ang misa. No'ng tanungin ko si tatay, ang sagot niya sa'kin ay 'ostiya' daw 'yon. No'ng tinanong ko naman ang lasa ay para lang daw itong pambalot ng lumpiang shanghai.

Kaninang umaga ay maaga kaming gumising para mag-jogging. Naglakad nga lang ako, at sila 'yong tumakbo. Ang bilis ko kasing hinapo at hinang-hina na kaagad ako kahit ang lapit palang ng tinatakbo ko. Sana kasing lakas din ako nina Kuya para masabayan ko na sila.

Letters to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon