Part 3.3

85 6 0
                                    

PART 3 continued...

October 18, 2003

Unknown,

Maaga ako nagising dahil sa ingay sa labas ng bahay. Mga alas-sais siguro iyon ng marinig kong may nagsisigawan sa tapat ng pintuan namin. Mahimbing ang tulog nina nanay, tatay, ate at mga kuya. Gusto ko sanang silipin kaya lang ay baka mapagalitan pa ako. Base sa aking narinig ay, mga magulang iyon ng singkit na batang babae. Kamukha kaya ng Daddy niya iyong bata o 'yong Mommy niya talaga?

Natapos siguro iyon ng saktong alas-sais at no'ng may narinig akong iyak ng isang bata, gising na rin 'yong bata. Bumalik na lang ulit ako sa pagkakahiga at natulog ulit. Nakatulog ako at nagising ng mga alas-diyes, ako na lang ang nakahiga at may kanya-kanya na silang ginagawa. Noong nakita ako ni Ate ay pinag-almusal na niya ako, ako na lang ang hindi nag-aalmusal e.

Matapos ang almusal ay nagpaalam ako kay Ate na maglalaro sa labas, pinayagan niya ako pero wala namang mga batang naglalaro. Bumalik na lang ako sa bahay at nakinood ng TV kasama sina Kuya. Si nanay at tatay siguro ay nasa kani-kanilang mga trabaho.

Kumain. Naligo. Nanood ng TV. Natulog. 'Yan lang halos ang ginawa ko buong maghapon.

R.

October 22, 2003

Unknown,

Wala daw kaming pasok sa susunod na linggo sabi ni teacher. Ano kayang gagawin ko ng buong isang linggo? May ibibigay naman daw na assignments si teache kaya lang baka matapos ko rin iyon kaagad. Sana, wala ring pasok sina Ate sa isang linggo para may kasama ako sa bahay.

Siguro ay magbi-bisekleta na lang ako. Matutulog at magpapahinga.

Sana maraming mga batang naglalaro sa isang linggo, nakakasawa kasi kung bisekleta na lang lagi araw-araw e.

R.

October 29, 2003

Unknown,

Wala ring klase sina Ate pero marami naman silang ginagawa. May mga gawain din ako pero kahapon pa lang ay tapos na ako. Dadalaw daw kami sa sementeryo sa November 1. Ano na kayang itsura noon? Hindi ko kasi gaanong naaalala pero ang alam ko ay puro kulay puti at mga bubong ito.

Nasa bahay lang ako maghapon, tinatamad akong lumabas at nagbabad na lang sa panonood ng TV. Noong hapon naman ay nakatulog ako at pagkagising ko ay may meryendang binili sina Ate. Pagkagising ko ay tulog naman ang mga kapatid ko. Si Ate sa may study table niya, si Kuya Mac nasa sala at si Kuya Pot ay ilang metro lang ang layo sa akin sa hinihigaan naming kama.

Mag-aalas sais na no'ng nagising ako kaya baka mamaya pa ang gising ng mga ito. Alas sais y media ng dumating si nanay ay tulog pa rin ang tatlo, may dala siyang rekados para sa ulam. Tinuruan niya akong magbalat ng patatas gamit ang peeler at no'ng nagluluto na siya ng ulam ay pinanood ko ang kanyang ginagawa. Madali lang palang magluto. Matapos lutuin ang ulam ay nagsaing naman siya. Habang ini-in-in 'yong sinaing ay saka lang nagising iyong tatlo.

Alas-otso ng dumating si tatay at noon lang din kami kumain.

R.

November 1, 2003

Unknown,

Umaga pa lang pero nasa sementeryo na kami. Noong gabi pa lang kasi ng October 31 ay inihanda na ni nanay ang mga dadalhin namin papuntang sementeryo.

Ang haba ng naging byahe naming kaya nakatulog ako habang nasa daan. Noong nasa sementeryo na kami ay unti-unti ng dumarami ang tao. Mahaba pa ang nilakad naming bago makarating do'n sa mismong puntod nila Lolo.

Letters to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon