Part 2.3

149 10 0
                                    

PART 2 continued...

April 15, 2001

Unknown,

Wala na kaming klase bukas! Simula na ng bakasyon. Ano kayang gagawin ko sa dalawang buwan na ibinigay sa amin? Siguro ay magbabantay na lang ako kay bunso. Nagsimba pala kaming mag-anak kanina, kumain din kami sa labas kaya pagkadating sa bahay ay wala na kaming ginagawa. Si nanay at tatay ay isinama na si bunso para matulog, 'yong dalawa ay nanood pa ng TV at ako ay dumiretso sa kwarto para magpalit.

Siguro ay sisimulan ko ng magbasa ng pocketbooks para makarami ako ngayong bakasyon. 'Yon lang naman kasi ang p'wedeng pagka-abalahan ngayong bakasyon e. Matagal pa naman bago mahinog 'yong manga kaya hindi pa kami makakapangakyat. Wala namang plano sina nanay na sumama sa pa-outing ng barangay kaya wala na talaga akong magagawa kung hindi ang magbasa ng pocketbook at ilang nobelang English na taun-taon ko ng pinapaulit-ulit at hindi ko pa rin makuha ang punto (Shakespeare here!) Makata kasi masyado si Pareng Shakespeare e, kapag naman binasa ko 'yong kay Hemingway, tinatamad na'kong tapusin.

Siguro ay nakatunganga lang ako maghapon bukas.

Rs.

P.S.: Baka pala maglinis kami ni nanay bukas.

P.P.S.: Baka sumama pati ako sa palengke.

April 30, 2001

Unknown,

Paubos na ang babasahin ko dito sa bahay. Natapos ko na 'yong buong koleksyon ko ng 'Martha Cecilia' at hindi ko na alam ang gagawin ko. Ulitin ko na lang kaya ulit 'yong kay Shakespeare pero hindi ko kasi makita e, tina-tiyaga ko na ngang tapusin 'yong kay Hemingway e. Sana bukas makita ko na para naman mahaba-habang panahon kong pagninilayan kung ano ang laman no'n.

Sa hapon ako nakakapagbasa, diretso tulog na rin. Sa umaga kasi ay tinutulungan ko si nanay na maglinis ng bahay. 'Yong dalawa kong kapatid ay maghapong naka-bilad sa sikat ng araw sa dami ng gustong laruin sa labas. Ayaw ko namang makipaglaro sa mga kapitbahay namin at baka mahawa lang ako ng kaartehan nila. Si bunso ay ayon, gusto na ring maglaro sa labas at tinatawag na akong 'Ate.' His first words were just like any kid, 'Ma' and 'Pa.' Ako ang unang nakarinig kaya achievement 'yon para sa'kin. Ako rin ang umaalalay sa kanya sa paglalakad, kaunti na lang at kakayanin na n'yang lumakad mag-isa.

No'ng isang araw pala ay nakita ko s'yang nakasalampak sa sahig katapat ang bukas na ref, tangan ang kamatis at kinakain ito. Hindi ko na inagaw at sa pagkaka-alam ko ay may maganda namang epekto ito sa mga kumakain noon. Ang amos nga lang ay todo kaya no'ng nakita kong nilalandi na lamang n'ya 'yong kamatis ay kumuha muna ako ng bimpo na pamunas sa kanya at pinalitan ang kanyang damit. Dinala ko na rin s'ya sa kanyang higaan para makatulog na rin s'ya.

Lumalaki na talaga ang kapatid ko, kung sabagay no'ng mga nakaraan ay hinihiling ko na rin na lumaki s'ya para maipagtanggol n'ya ako sa mga Kuya. Be careful what you wish for nga. Sana lang ay maging mabait at matalino 'yong batang 'yon. H'wag sanang matigas ang ulo at mayabang.

Rs.

May 14, 2001

Unknown,

Namili na pala kami ng mga gamit sa school kanina. Sama-sama kami nina nanay at nagday-off pa si tatay para lang mabantayan si bunso. Ang dami ng pagpipilian sa mga supplies kaya natagalan ako. Madaling pumili 'yong mga kapatid ko kasi manonood pa sila ng liga sa barangay. Kinukulit na nga ako at kung anu-ano nang pinaglalalagay do'n sa basket para lang matapos kami kaagad. Sa huli ay 'yong mga walang mukha ng artista at design na lang ang pinili ko. 'Yung purong kulay lang na de-spring.

Letters to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon