Napakasikip ng gym ng kanilang eskwelahan dahil punung-puno ito ng mga tao na nanunuod ng basketball championsip ng kanilang Intercollege competition. Eskwelahan nila laban sa Asuncion College. Pantay ang score. 38 - 38. Ninenerbyos siya dahil ilang minuto nalang ang natitira. Nakapuntos pa ng 2 points ang kalaban. Napasigaw ang crowd ng kanilang school. 40 - 38. Di yata't matatalo sila. Nakikita ni Glen si Cardo sa court na talagang pursigidong manalo. 17 seconds at ipinasa kay Cardo ng kateam ang bola. Napapikit siya. "Lord. Makashoot naman sana si Cardo. Please." Taimtim siyang nakapikit. Nang biglang may narinig siyang sumigaw. Napadilat siya. Si Cardo nasa 3-point area. "Glen Corpuz, pag nashoot ko to. Tayo na." At ishinoot ang bola sa ring. Pasok! 2 seconds. And eenggggkkk. Nanalo ang kanilang eskwelahan. Lahat nagsisigawan. Lahat naghihiyawan. Lahat nakatingin sa kanya ng may mapanuksong ngiti. "Yiheeeee! Kiss! Kiss!"
Pulang-pula na si Glen sa chant at titig ng mga kamag-aral sa kanya. Mas lalo siyang nahirapang huminga nang makitang paakyat na si Cardo sa bleachers. May ningning sa mata at nakakaakit ang ngiti. "Jusko. Patawarin." Nasambit ni Glen habang paakyat si Cardo. Nang makaakyat na ito. Hinawakan nito ang kamay niya at itinayo siya.
"Pards." Tinitigan siya nito kaya mas lalo siyang di makahinga. "Pagod na ko na maging kaibigan ka lang. Gusto ko ng manigurado na makakasama kita ng permanente. Be my girlfriend. Please. Mahlabs?"
Ang tagal ding hinintay ni Glen na sabihin ni Cardo ang mga salitang yun. Ang tagal niyang dinadasal kay Lord na sa napakahabang pila ng mga babaeng kursunada ni Cardo ay siya na sana ang susunod. Sa wakas. Natupad na ang kanyang pangarap. Naluha siya. Habang nakangiti si Cardo. Magsasalita na sana siya nang..
"Ay. Di pala yun tanong Pards. Nashoot ko ang bola kaya tayo na. Wala ka ng karapatang tumanggi. Ano mahlabs?" Nakatitig pa rin ito sa kanya ng may nangaakit na ngiti sa labi.
"Wuuuuu! Kiss! Kiss!"
Napatingin sila ni Cardo sa mga kaklase na nagchicheer at nagchachant ng kiss.
Tapos binalik ni Cardo ang tingin sa kanya. "O pano ba yan mahlabs? Kiss daw. Nanalo kami dapat may reward." Ngingisi-ngising sabi nito habang nilalapit ang mukha nito sa mukha niya.
Lalo pang lumakas ang hiyawan sa gym pero dinig ni Glen ang napakalakas na tug-dug ng kanyang puso.
Napakalapit na ng mukha ni Cardo sa mukha niya. At lalo pa nitong nilalapit. Tinignan niya si Cardo na nakangiti bago pumikit para ramdamin ang halik ni Cardo. Nang..."Glenda!" Tatawa-tawang sita sa kanya ni Nay Lolit.
Napamulat siya. At napatingin sa paligid. Nasa kwarto siya. Anak ng tinapa! Nanaginip lang pala ako! Mabilis niyang pinalis ang kanyang nanunulis na nguso.
"Mahlabs pala ha? Ang baduy." Sabi ng nanay niya sa pagitan ng tawa.
"Nay naman e! Magkikiss na kami e! Sayang yun. Ang lapit-lapit na e!" Maktol ni Glen.
"A gusto mong matuloy?" Tanong ng nanay nya.
"Syempre naman nay! Ang tagal ko na naghihintay!" Sagot ni Glen.
"Nasa sala siya e. Teka, tawagin natin"
"Nay!" Bago pa masaway ni Glen ang nanay niya ay nakalabas na ito ng pinto ng kanyang kwarto.
"Cardo! Halika nga!"
Hindi alam ni Glen kung saan susuling lalo na nung pumasok na si Cardo sa kanyang kwarto.
"Bakit ho nay Lolit?" Tanong ni Cardo.
"May sasabihin si Glen."
At iniwan sila ng nanay habang may nanunudyong ngiti sa labi nito.
"Ano yun pards? Anong sasabihin mo?" Inosenteng tanong ni Cardo sa kanya.
Hindi makapagsalita si Glen. Hindi nya alam ang sasabihin kay Cardo. Nakatunganga lang siya dito.
"Hoy, pards." Pumitik pa ito sa mukha niya.
"Ay mahlabs!" Napapiksi si Glen sabay takip ng bibig.
"Anong mahlabs? Ikaw Glen a?" Nakangiting biro sa kanya ni Cardo.
Natuliro si Glen. "A. Mah--." Lord, help!
"Ano. Sabi ko LUMABAS ka na. Lalabas na ko."
"Sige, mahlabs. Hintayin kita sa labas. Dalian mo. Malelate na tayo, mahlabs." Natatawang sabi ni Cardo habang palabas ng kwarto.
"Heh! L'mabas ka na nga!"
Paglabas ni Cardo, di mapigilan ni Glen na mapasigaw sa sobrang inis at kahihiyan.After 10 minutes, di pa rin makalabas ng kwarto si Glen dahil nasa labas si Cardo. Di nya alam pano ito haharapin. Kumatok sa pinto ang tatay niya.
"Glen. Anak. Oras na. Bumangon ka na diyan."
Jusko. Bahala na nga.
Lumabas siya na para bang walang nangyari pero ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Kinuha niya ang tuwalya at isinabit sa balikat. Dinaanan niya sa Cardo habang papuntang banyo. Di niya ito tinitignan pero sa gilid ng mata niya ay nakikita niyang sinusundan siya nito ng tingin. Habang tumatawa-tawa. Napapikit siya ng mariin. Pumasok na siya ng banyo at nagsimulang magbuhos. Pero habang nagbubuhos siya. Nagfaflashback sa kanya ang kanyang panaginip. Napasigaw siya sa sobrang inis.
"Hoy, Pards! Napano ka dyan?" Katok ni Cardo sa labas.
Lalo pa tuloy nainis si Glen. Grrrr. "Wala! May malaking gagamba kasi dito. Nagulat lang ako."
"Dyan sa loob? Akina patayin ko." At binuntutan pa nito ng tawa.
Tinadyakan ni Glen ang pinto. "Heh! Lumayas ka nga diyan!"
"Ano mahlabs?" Pangiinis ni Cardo.
"Lumayas ka sabi!" Tinadyakan pa ni Glen ng mas malakas ang pinto.
Narinig niyang nagtawanan si Cardo at ang tatay niya. Bwiset.Sabay laging pumapasok si Cardo at Glen papuntang eskwela. Bata pa sila ganun na ang gawain nila. Pareho silang graduating sa kolehiyo. Si Glen sa kursong Education samantalang si Cardo sa kursong Computer Science. Pero magkaklase sila tuwing MWF sa subject na Philippine Literature. Iniwan talaga niya ang subject na yun sa pakiusap na rin ni Cardo para maging magkaklase sila. Wednesday ngayon. 9AM ang pasok nila. First subject.
"Mahlabs." Pangaalaska ni Cardo kay Glen at inakbayan pa ito.
Inalis naman ni Glen ang pagkakaakbay ni Cardo at sinabunutan ito. "Ano ba? Di ka ba talaga titigil Dalisay? Ilusyonado ka rin e."
"Wuuu. Narinig ko naman talaga na Mahlabs yun" Sagot ni Cardo habang tumatawa-tawa.
Lalong hinigpitan ni Glen ang pagkakasabunot sa buhok ni Cardo. "Ikaw ha? Kung anu-ano ang naririnig mo e. Saktan kita dyan e!"
Tinignan siya ni Cardo. "Sinasaktan mo na ko, pards. Sinasaktan mo ko kasi dinedeny mo na mah-- aray!"
Lalo pang hinigpitan ni Glen ang pagkakasabunot dito at dinalawang kamay pa.
"Cardo. Wala akong gusto sayo, okay? Wag ka ng magassume diyan. Masasaktan ka lang. Nagkamali ka lang talaga ng dinig kanina"
Inalis niya ang pagkakasabunot sa buhok nito. At inakbayan ang kaibigan.
"Oo na! alam ko naman!" Sagot ni Cardo. "Masama ba na magilusyon na sa wakas, nagkagusto ka na rin sa akin. Alam mo kasi, Glen. Ikaw nalang ang namumukod tanging babae na walang gusto sa akin e."
"Talaga."
Pero alam ni Glen na nagsisinungaling siya sa sarili.Feel free to comment.
Happy reading. :)
BINABASA MO ANG
Di Nya Kasi Alam
Fanfiction*Disclaimer: Ang story po na ito ay inspired ng FPJ's Ang Probinsyano. Inadapt ko ho ang characters dahil sobrang hooked ko po sa story. Characters lang ho ang similar sa story pero iba ho ang storyline. Sana ho walang magalit. Love love love. ❤ CAS...