"What, Kuya? Hinatid mo si Mam Glen kina Cards kanina? Wow." Si Carmen, tuwang-tuwa sa ibinalita ng kanyang kuya.
"Yeah, I did. You should have seen the look on Cardo's face kanina. Parang nagseselos." Kwento ni Billy sa kapatid.
"Ay ganun? Does he like Glen din kaya? Sayang. I like him pa naman kasi ang cute niya, kuya and he is a real gentleman." Sabi ni Carmen na nagniningning pa ang mga mata.
Tumawa si Billy. "Ako din naman a. I like Glen. Di naman sila ni Cardo di ba? Okay lang kung maginterfere tayo sa kanila kasi magbestfriend lang naman sila. Right?" Tanong ni Carmen sa kapatid.
"I don't know, kuya. Inlove ka na ba talaga kay Glen?" - Carmen
"Hmmmmm." Napaisip si Billy. "I don't knoe but I like her. Nandun pa lang." - Billy.XxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXx
"Pards. Uwi na ako a." Paalam ni Glen.
"Bakit? Hinihintay ka ni sir Billy sa labas? Susunduin ka nya? Ako na maghahatid sayo." Sunod-sunod na sabi ni Cardo.
Natawa si Glen. "Pinagsasasabi mo Pards? Bat naman nya ko susunduin? Ka-OA-n mo."
Umismid si Cardo. "Sus. Dinidiskartehan ka ba nun? Bat di mo sinasabi sakin, at ng makilatis. Sumasakay ka na sa sasakyan nya. Kayo na ba?"
Binatukan nya ng malakas si Cardo. "Baliw ka ba? Ano yan? Epekto ng Banana Cue? Jusko, hijo. Nagmagandang loob lang yung tao kung anu-ano na ang pinagsasasabi mo!"
Tumahimik si Cardo at di na sumagot.
Mahinang tinapik ni Glen ang ulo nito. "Ano na? Kala ko bang ihahatid mo ko?"
Tumayo si Cardo at sinabayang lumabas ang kaibigan.Habang naglalakad.
"Asan na yung flashdrive? Kailangan daw ni mam Carmen yang Heneral Luna bukas." - Glen.
Inilabas ni Cardo sa bulsa ang flash drive at iniabot sa kaibigan.
"Kumusta na pala ang pagdiga mo kay Carmen? Hanggang chat ka pa din ba?" Usisa ni Glen.
Tumawa si Cardo. "Hindi no? Nagkakasalubong kami sa school. Nagngingitian kami."
Binatukan ni Glen si Cardo. "Bwisit ka. Ang hina mo naman. Kabagalan mo, ano ba yan? Nakakahiya kang kaibigan! Hahahaha."
"Bakit? Pano ba dapat? Kasing bilis ni Sir Billy ganon?" - Cardo
"Ano ba? Kanina mo pa pinapasok si Billy sa usapan a? Ano bang problema mo?" Yamot na tanong ni Glen.
Di umimik si Cardo. Bwisit. Bakit nga ba naiinis ako. Walangya.
"Teka. Baka nagseselos ka naman?" Tanong ni Glen. Jusko. Please. Nagseselos ka sana!
"Feeling mo naman, Glen. Wag ka nga. Di ka naman kagandahan no? Ayoko lang na kaagad-agad kang nagtitiwala sa mga lalaki. Di pa naman kayo matagal na magkakilala." Paliwanag ni Cardo.
Tumawa ng malakas si Glen. "Napaka mo! Si Tatay ka ba? Sinapian ka yata ni Tatay e!"
"Pinapaalalahanan lang kita. Wag ka nga!" - Cardo.Nakarating na sila sa bahay nina Glen.
"O, pasok ka muna. Magmano ka kina Nanay saka Tatay." Anyaya ni Glen.
Pumasok naman si Cardo.
"Magandang gabi po Tay Nanding, Nay Lolit." Sabay nagmano si Cardo.
"Kaawaan ka ng Diyos, Cardo. Kumain ka na ba? Dito ka na kumain." Sabi ng nanay ni Glen.
"Salamat ho, Nay Lolit pero hinatid ko lang ho si Glen. Nagluto rin ho si Lola Flora sa bahay."
"Ganun ba? O gumagwapo ka yata lalo ngayon, Cardo a? Mukhang may pinopormahan ka na kaya ka nagpapagwapo ano?" Tatay ni Glen sabay sulyap sa bunsong anak. Sumimangot naman si Glen.
Tumawa si Cardo. "Hindi naman ho, Tay Nanding. Baka si Glen ho. Kanina ho may naghatid sa kanya papunta sa amin." Sabay sulyap kay Glen na may mapanuksong ngiti.
"Aba! Glenda! Hindi mo yata nabanggit ang tungkol dito. Sino yun?" Tanong ni Nay Lolit.
"O, mahal. Kalma. Yang puso mo. Masama ba kung may magkagusto da dalaga natin? Maganda siya." Sabi ni Tay Nanding sa asawa. "Sino ba yun Glen? Ilapit mo dito sa amin ni Cardo ng makilatis." Sabay tawa ng ama.
"Naku. Nagpapaniwala ho kayo dyan kay Cardo." Ismid ni Glen. "Sadyang malisyoso lang yang tao na yan."
Tumawa si Tay Nanding. "Cardo. Baka naman nagseselos ka."
Muntik ng mabuwal si Glen sa sinabi ng ama. Tinignan nya ang kaibigan at mukhang medyo napatda ito. Nagsalita ulit ang ama.
"Cardo, ano? May gusto ka ba kay Glen? Bakit di ka sumasagot." May nanunudyong ngiti sa labi.
"Tay Nanding talaga. Gusto nyo ho ba ako para kay Glen?" Sabay tingin sa kaibigan at kindat.
"Ay nako. Ako na naman ang nakita nyo. Tigilan nyo na ko. Pagkakampihan nyo na naman ako." Hinawakan nya sa balikat ang kaibigan at itinulak palabas ng pinto. "Umuwi ka na! Gabi na. Maaga pa tayo bukas."
Tumatawa si Cardo habang palabas. "Outside the kulambo, Tay Nanding. Pinaaalis naman ako o."
Tumawa ang mag-asawa.
"Heh! Tumigil ka nga. Uwi!" At itinulak pa ito lalo.
Tumawa si Cardo. "Oo na. Sige na." At tuluyan ng lumabas ang lalaki.
Sinara na ni Glen ang pinto.
"Glen. Malay mo naman may gusto sayo si Cardo." Sabi ng tatay nya.
"Tay naman e. Iinisin mo pa ako. Pinasasama mo naman ang loob ko e." Sumimangot si Glen.
"Bunso. Ikaw kasi binabara mo kaagad e." Singit ng ate Brenda nya.
"Hep! O, pagtutulungan nyo na naman yan. Tama na. Hayaan nyo na sila. Kung mangyayari, mangyayari. Wag nyong panguhanan." Sabi ng nanay nya. "Kain na tayo."
At dumalo silang lahat sa hapag-kainan.XxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXx
"Mr. Dalisay." Tawag ng teacher namin sa Phil Lit na si Ms. Bautista. "Bagsak ka ng Prefinal exam at wala ka pang long quiz. Alam mo bang kahit di ko computin ang grade mo ay pwede na kitang bigyan ng verdict? Bagsak ka."
Dumilim ang mukha ni Cardo ng marinig yun sa guro.
Nakatingin si Glen sa kaibigan. Awang-awa."Will you stand up Mr. Dalisay? Hindi ba graduating ka? May plano ka bang gumraduate?" Tanong ng guro.
Nakayukong tumango lang si Cardo.
"How will I let you graduate kung ganito? Sabagay pwede ka namang gumraduate ng Summer." May finality sa tinig ni Ms. Bautista. "Maiwan ka sa klase. The rest, you are dismissed."
Naiwan si Cardo sa klase. Masinsinang kinakausap ng guro. Nagaalala si Glen habang hinihintay sa labas ang kaibigan.
Lumabas na si Cardo.
"Pards. Uwi na tayo." Lugo-lugong yaya ni Cardo kay Glen.
Huminga ng malalim si Glen. "Wag muna. Gusto mong uminom? Libre ko."
Ngumiti ng pilit si Cardo. "Paano? May pasok ka."
"Akong bahala." Nilabas niya ang cellphone. Nagtipa-tipa dito. At ipinasok na sa loob ng bulsa. "Halika na." Sabay hawak sa kamay ng kaibigan at pumara ng jeep.
BINABASA MO ANG
Di Nya Kasi Alam
Fanfiction*Disclaimer: Ang story po na ito ay inspired ng FPJ's Ang Probinsyano. Inadapt ko ho ang characters dahil sobrang hooked ko po sa story. Characters lang ho ang similar sa story pero iba ho ang storyline. Sana ho walang magalit. Love love love. ❤ CAS...