Ala-sais y medya na nakauwi si Glenda sa kanila. Galing siya sa eskwelahan kung saan siya nagpa-Practice Teaching. Araw-araw ang schedule niya dito. Mula alas-dose ng tanghali hanggang ala-sais.
"O, Glenda. Nagtapat ka na ba sa wakas kay Cardo?" Tanong ng tatay niya.
Nagmano siya dito. "Tay naman e. Pinapahiya nyo naman ho ako kay Cardo kanina e."
"Hindi a! Tinutulungan nga kitang umamin sa kanya e." Tatawa-tawang sabi ng tatay niya.
"Oo nga naman, bunso!" Sabad ng ate Brenda niya. "For the longest time, may gusto ka na kay Cardo. Bakit ba naman kasi di ka pa umamin?"
"Ate!" Naiinis na sagot ni Glen. "Ang pangit namang tignan kung sa akin manggagaling. Hayaan mo na siya ang makahalata!"
"E bunso. Para namang di mo alam na isa't kalahating manhid yang si Cardo! Akala nga namin pagkatapos nung gabi ng JS niyo na pumunta siya dito e, liligawan ka na niya. Bakit ba naman kasi di mo pa sinulit ang pagkakataon para umamin na matagal mo na syang mahal nung pinuntahan ka nya dito."
Nagflashback kay Glen ang gabi nang dinalaw siya ni Cardo pagkatapos ng JS nila. "Hay naku, ate. Nagmamadali ka pa sakin! Sabi nga ng kanta ni Maja di ba? Dahan-dahan lang." Natatawang sagot ni Glen.
"Napakahina naman kasi talaga ng loob mo!" Komento muli ng ate niya. "E kung pumunta ka sa JS niyo e di sana nakita ka ni Cardo ng nakaayos at nakabihis ng maganda! Malay mo yung gabi na yun pala sana ang gabi na mahuhuli mo na ang mailap na puso ni Cardo dahil sa kagandahan mo! Naku! Ewan ko ba! Hindi ka lang niyaya ni Cardo na maging partner, naginarte ka na! Nagkunwari ka pang nilalagnat. Pinagsinungaling mo pa si nanay at tatay!"
Napakamot na sa ulo si Glen sa sobrang inis. "E, ate! Bat pa pala ako pupunta dun kung di lang din si Pards ang partner ko? Basta! Ito naman! Kinalimutan ko na nga yun, pinaalala mo pa!"
Sumingit ang nanay nila. "Hay naku, Brenda. Tigilan mo na yang kapatid mo! Kung sila ni Cardo, magiging sila! E anong magagawa natin kung kahit gaano natin kagusto si Cardo, e iba naman ang gusto niya?"
"Ano ka ba naman, Lolit?" Lumapit ang tatay ni Glen upang akbayan siya. "Pinasasama mo naman ang loob mo ng bunso mo e." At hinagod-hagod ang likod niya.
Nagsumiksik naman siya sa tatay niya. "Siguro nga tay. Tama si nay. Baka dapat isuko ko na tong pagtingin ko kay Cardo. Kaibigan lang naman ang tingin nya sa akin e." Malungkot na sabi ni Glen.
Lumapit din ang nanay ni Glen sa kanya at pabirong tinapik ang braso niya. "Ayy, naku grabe. Parang nagdadalaga palang ang bebe." Saka yumakap sa anak.
"Basta ako bunso. Suportado kita all the way. Magkagusto man o hindi si Cardo sayo." Sabi ni Brenda at yumakap na rin sa pamilya.Suportado si Glen ng kanyang pamilya sa pagkagusto niya kay Cardo. Kesa daw mapunta siya sa iba na hindi nila kilala ang pagkatao, mabuti pa nga raw na si Cardo ang makatuluyan niya.
"Pero tama nga si nanay. Wala naman akong magagawa kung kahit na gusto ko siya, di naman niya ako gusto." Nalungkot si Glen sa naisip. Friendzoned. Friendzoned siya kay Cardo. Kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Kasi kung tipo siya nito, matagal na siya nitong niligawan. E kaso nasa tabi lang lagi siya niyo, iba pa ang kinukursunada. Wala yatang dating sa lalaki ang mga babaeng katulad niya. Napabuntong-hininga si Glen.
"Ayoko namang magtapat kay Cardo kasi di ko naman alam ang pwedeng mangyari. Baka pagtawanan lang niya ko o mas malala, baka mailang na siya sakin. Di na nya ko kausapin." Napapiksi si Glen sa naisip. "Nakakainis namang isipin! Bat ba naman kasi sa dinami-dami ng lalaki, siya pa?" Nagpabiling-biling nalang sa kama si Glen. Sinong nagsabi na masarap umibig sa kaibigan? Hindi! Sobrang hirap. Na sa araw-araw na kasama mo siya, lagi mo nalang itatanong sa sarili mo na "Bakit di ako magustuhan ng tao na to? Bakit di niya ko makita kahit nasa tabi lang niya ako." At sa tuwing aakbayan, yayakapin at hahawakan ni Cardo ang kamay niya, kailangan niya laging ipaalala sa sarili na walang ibig sabihin ang mga iyon. Nakakainis kung bakit hindi nya pwedeng bigyan ng kulay ang mga gestures na yon ni Cardo. At ang sagot sa lahat ng yon ay iisa lang. KAIBIGAN KA LANG KASI! WALA KANG KARAPATANG MAG-ASSUME! Napapikit ng mariin si Glen sa naisip at kumuha ng unan at itinakip sa mukha. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Binasa niya ang mensahe.Cardo:
I love you, baby. Ikaw lang.Ngali-ngaling ihagis ni Glenda ang cellphone niya. Para namang nambibwisit ang kaibigan! Nagtipa siya ng reply kay Cardo.
Glen:
Manhid! Manigas ka sana!SENT!
Napamulagat si Glen sa naisend kay Cardo. Susmaryosep! Bakit ko sinend yun? Naiinis siya sa dahil nacarried away siya. Gusto nyang sumigaw kaya lang baka marinig siya ng nanay niya. Tinakpan nya nalang ang mukha niya ng unan at impit na sumigaw sa sobrang inis.
Tumunog muli ang kanyang cellphone. Pumikit siya habang binubuksan ang mensaheng natanggap. At dahan-dahang minulat ang mata.
Cardo:
Grabe, pards. Manhid agad? Nawrong send lang. Sorry na. Goodnight. Labyuuuu, Glen!MANHID! WALANG PAKIRAMDAM! WALANG PUSO! WALANG KALULUWA! Bat ba siya nagkaroon ng ganito kainsensitive na kaibigan?! Nakakainis! Gusto niyang umiyak sa sobrang frustration.
Nanggigil na nagreply siya dito para naman hindi mahalatang affected siya.
Glen:
Heh! Tubuan ka sana ng maraming bukol sa mukha. Bwisit! Istorbo! Goodnight. Haha.Binuntutan niya ng HAHA para di ito makahalata na mainit ang ulo niya. Magaling pa man ding makaramdam ito pag badtrip siya. At panigurado kukulitin siya nito kung bakit. Napakagaling siyang basahin nito. Ewan ba niya kung bakit ang pagtingin lang niya dito ang hindi nito mabasa-basa.
"Di bale, Glen." Pagpapalubag niya sa sarili. "Darating ang araw na makakaganti ka rin sa lalaking yan. Sa ngayon makuntento ka muna bilang kaibigan niya habang nagiisip ka ng plano kung paano." At natulog na naman si Glen ng si Cardo na naman ang iniisip.
Feel free to comment.
Happy reading. :)
BINABASA MO ANG
Di Nya Kasi Alam
Fiksi Penggemar*Disclaimer: Ang story po na ito ay inspired ng FPJ's Ang Probinsyano. Inadapt ko ho ang characters dahil sobrang hooked ko po sa story. Characters lang ho ang similar sa story pero iba ho ang storyline. Sana ho walang magalit. Love love love. ❤ CAS...