Banana Cueng Walang Tamis

115 4 3
                                    

Cardo's POV
Nababadtrip na ko dito kina Chikoy. Kahit anong paliwanag ko tungkol sa wallpaper ko, ayaw nilang paniwalaan.
"Pare. Wag ka na kasing magdeny. Wala ka na ring magagawa. Nabunyag na ang sikreto mo." At binuntutan pa ito ni Chikoy ng nakakalokong tawa.
"Oo nga naman, pare. Aminin mo na. Di naman namin sisirain ang diskarte mo kay Glen e. Atin-atin lang to." Gatong pa ni Mark.
Naihilamos ko nalang ang kamay ko sa mukha ko. "Hindi nga sabi. Ang kukulit. Paulit-ulit. Si Onyok nga sabi ang gumawa nyan habang tulog ako. Saka kung balak kong ilihim yan sa inyo, e di sana di ko na ipinahiram cellphone ko di ba?"
Patuloy pa rin ang mga to sa pangaalaska sakin.
"Wala kang maloloko dito, Pare." - Mark
"Oo nga naman, pare. Tayo-tayo na nga lang naglolokohan pa tayo." - Chikoy
Hay naku, Onyok bata ka. Ginawan mo pa ko ng issue. Pambihira.

Glen's POV
Papasok na ko ng classroom nang may tunawag sa akin.

"Mam Glends!"

Si Carmen.

"Hello, mam. Ano yun?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede bang makisuyo? Kay Cards sana." Nakangiti nyang sabi.

Gusto kong umismid. Pero pinigilan ko ang sarili ko at pinilit kong ngumiti.

"Ah. O sige. Ano ba yun?"
"Pwede pakihingi sana yung copy ng Heneral Luna sa kanya. Nung magkachat kasi kami nabanggit nya na may copy daw sya. E hindi naman nya masend via messenger dahil masyado raw malaki ang file. Sabi nya magkita nalang daw kami para maibigay nya kaso kasi conflict sa schedule ko ang vacant nya kaya hindi pa kami nagkikita, kaya sana makikisuyo ako kung pwede mo bang hingin para sakin, mam?" Nakangiti nyang paliwanag.

Bwisit talaga tong Cardo na to. Style nya bulok. Kainis.

"Ah. Pasensya ka na sa abala, Mam Glends ha? Busy ka yata. Okay lang. Ako na ang kukuha." Hinging paumanhin ni Carmen sa akin.

Hindi ko napansin na nakasimangot na pala ako.

"A hindi. Okay lang. Bukas maibibigay ko na sayo. Pupuntahan ko sya mamaya." Sabi ko nalang. Saka na kami parehas pumasok sa kanya-kanyang classroom.

Carmen's POV
I saw the look on the ma'am Glends's face kanina. Parang madilim na di mo maintindihan. Could it be that she likes Cards? Hmmmm. Mukha kasi syang nagseselos. Hihi. Kaya lang, kawawa naman si kuya Billy pag nagkataon. He likes Glen kasi e. Pero he doesn't have the courage to ask her for a date. Medyo intimidating kasi si Glen minsan lalo na sa lalaki. Strong kasi ang personality nya. She looks so independent na para bang she doesn't need anybody's help. I've noticed that since day 1. But I really find her beautiful saka nice naman.

Kinuha ko ang phone ko. At nagtype ng message para kay Cards... Hi, Cards. Kay ma'am Glen mo nalang ibigay yung copy ng Heneral Luna na hinihingi ko ha? Thanks. Ingat.

Glen's POV
Pagtapos ng klase ko ng 6pm, tinawagan ko si Pards para malaman kung nasa bahay ba siya.

Phone convo:

Hello, Pards. San ka?

Sino to?

Anong sino to? Adik ka ba? Si Glen to. Nasan ka?

Parang SPO1 naman pala tong GF mo, Cardo. Hahahaha.

Uy, Joaquin! Si Glen ba yan? Akina nga yan!

Aba! Di ba ang usapan kung sino ang unang sumagot ng tawag sa inyo, sya magbabayad ng DOTA session natin? - Joaquin

Oo nga! Hahaha. - Mark

Siraulo ka, Joaquin! Akina sabi!

Ano ba? Ang ingay nyo! Isa! Ibaba ko ito!

Lintek, Joaquin! Akina! Sige ako na ang magbabayad! Langya!

Wooooooo! Pag-ibig talaga. Hahaha. - Chikoy

Mga siraulo!

Pards. Pasensya ka na.

Asan ka na naman ba? At bakit yang abnormal na si Joaquin ang sumagot ng tawag ko?

Sorry, Pards. Dito kami Netshop. Nagdo-DOTA kami.

DOTA na naman. Aabutin na naman kayo ng madaling araw dyan! Sinabi ko na sayo na wag ka ng nagsasasama dyan kay Joaquin at BI talaga yang siraulo na yan. Pupunta ako dyan. Yung Heneral Luna daw ni Carmen.

Ha? Nagusap kayo kanina?

Malamang! Pano ko malalaman kung di nya ko kakausapin.

Ang sungit mo naman. Wag ka ng tumuloy dito. Hintayin mo nalang ako sa bahay. Uuwi na din ako. Gusto mong banana cue?

Aanhin ko yung Banana cue?

Ulamin mo!

Niloloko mo ko?!!

Hahahaha. Hindi na. Ito, binibiro ka lang e. O ano nga? Gusto mo?

Oo na sige na. Dalian mong umuwi ha? Pag nauna akong nakarating sa bahay ninyo, bibigwasan kita.

Yes, boss. Babye. Ingat ka ha?

*toot toot toot*

Cardo's POV
"Langya naman, Joaquin! Pinainit mo na naman ang ulo ni Glenda e!" Sabay batok dito.
"Ang sweet nyo. Naiinggit kami." - Chikoy
"Oo nga. Andres ka naman, pare." - Mark
"Ay nako! Tigilan nyo ko. O, Joaquin. Ikaw na dito. Uuwi na ko." - Ako
"Yun o. Haha. Sana laging tumawag si Glen para lagi kang umuwi ng maaga para makalaro ako. Walang makasingit sayo e." - Joaquin
"Kaya mga pare, alam nyo na ang sagot sa tanong kung anong pipiliin ni Dalisay. DOTA o Glen." Tatawa-tawang pang-aalaska ni Chikoy
"Syempre Glen yan." - Joaquin.
"Ricardo Corpuz." - Mark
At nagtawanan pa ang mga siraulo.
"Mga ogag. Uwi na ko. Bahala na kayo dyan." Saka na ko umalis.

Glen's POV
Palabas na sana ako ng gate ng school ng biglang may bumusina sa likuran ko. Paglingon ko, nakita kong bumaba si sir Billy.
"Ms. Corpuz. Uwi ka na ba?"
"Ah. Yes, sir."
"Sabay ka na sakin."
"Naku, sir. Hindi na ho. May dadaanan pa ho kasi ako."
"Saan ba?"
"Kina Cardo ho. Kukunin ko ho yung pinapasuyo na movie ni mam Carmen."
"Yun naman pala. Sabay ka na sakin. Hatid na kita. Pasensya ka na, inabala ka pa ni Carmen."
Napakamot nalang ako sa batok. Nakakahiya naman kung tatanggi ako sa offer ni sir Guzman. "A. O sige po."

Ang tahimik sa sasakyan ni sir Billy. Ang awkward.
"Si mam Carmen po, nauna na?"
"Oo. Half day lang sya pag Wednesday."
"Ah. Opo."

"San ba yung kina Mr. Dalisay?"
"Sa pangalawang kanto po sa kanan. Dun nyo nalang po ako ibaba."
"Hindi na. Hatid na kita sa bahay nila. Maglalakad ka pa."
"Naku, sir. Medyo malubak po kasi ang daan dun e."
"Okay lang."
Hindi na ako nakipagtalo. Tinuro ko nalang yung bahay.

Cardo's POV
Kagagaling kong bumili ng Banana cue saka family size na Coke nang may makita akong pumaradang kotse sa bahay namin. Bumaba yung lalaki.

Sir Billy? Anong ginagawa nya dito?

Nang buksan nya yung kabilang pinto, bumaba si... Glen?

Umalis na yung sasakyan ay kumakaway pa rin si Glen.

"Pards!" Ngiting-ngiti si Glen.

Nakakaloko naman ngiti nito.

Tinanguan ko lang sya.

"Oy, napano ka? Badtrip ka yata?"

"Hindi. Tara na sa loob." Tipid kong sagot.

Pag pasok namin sa bahay, inabot ko sa kanya ang banana cue at nagpunta ng kusina para kumuha ng baso para sa Coke.

"Pards! Ang tabang naman nitong banana cue! Walang tamis! Parang ikaw."

Nilingon ko sya.

"Joke lang. Peaaace!" Nakapeace sign sya at tumawa. At kumagat na naman sa banana cue.

Napangiti na rin ako.

Feel free to comment

Happy reading. :)

Di Nya Kasi AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon