Glen's POV
7PM
Naghuhugas ako ng pinagkainan namin nang maalala ko yung mga tupperware sa lunchbox. Kinuha ko at sinabay na ring hugasan.
"Bunso." Tawag sakin ni ate Brenda.
"Bakit, ate?" - ako
"Kanino yan? Saka anong laman?" Sabay nguso sa hinuhugasan kong mga tupperware.
"Ito?" Juice ko. Pano ba to? "Ah. Ano, ate. Sa kasama ko sa trabaho." Pagsisinungaling ko.
"Talaga ba, Glen?" Ngingiti-ngiting tanong sakin ni ate. "E pano kung sabihin kong alam ko kanino lunch bag yan. Kilala ko yan e. Lunch bag ni Onyok yan. Nakikita kong bitbit ni Onyok yan pag pumapasok siya. Uuuuuyyy. Bunso." Tinulak-tulak pa nya ko.
"Ate talaga." Napakamot nalang ako sa batok ko.
"Ikaw ha? Nililigawan ka na ba ni Cardo at pinagbabaon ka na nya ng tanghalian?" Nangiinis na tanong ni ate. "Isusumbong kita kay Nanay. Naaaahh~mmmmmhh"
Tinakpan ko ang bibig ni ate Brenda. "Ate. Wag kang maingay!"
Inalis nya yung kamay ko na nakatakip sa bibig nya. "Bakit? Ayaw mong ipaalam kay Nanay? Secret lang? Sige. Kay ate mo nalang ikwento."
Napabuntong-hininga ako. "Di ko naman alam na sa kanya galing yan. Di ko din kilala yang lunch bag ni Onyok. Basta kanina pagpasok ko sa Faculty Room, nasa lamesa ko na yan. At, ate. May note."
Napasinghap si ate. "May note?! Nasan?! Anong nakalagay? Pakita nga bunso!!!"
Kinuha ko sa loob ng lunch bag yung note at pinabasa kay ate.
Napakunot noo naman si ate. "Ano to? Bat ganito ang nakasulat? Sino yung sir Billy? Akala ko bang kay Cardo galing yan? Ikaw bunso ha? Haba ng hair."
"Yun nga ate. Yun yung nakalagay sa lunch bag. Muntik na nga kong mapahiya dyan kay sir Billy buti nalang di ako nagassume na sa kanya talaga nanggaling. Siraulo talaga yang Cardo na yan. Ipapahamak pa nya ako." Nanggigil kong sumbong kay ate.
"Naku, bunso. Hayaan mo na. Nagpapakamysterious si Cardo. Nagpapaka-secret admirer sya. Ang sweeet!!"
"Mysterious? Sweet? E kamuntik na kong mapahiya sa kasama ko sa trabaho. Dahil ginamit nya identity nun! Tsss. At saka ay nako, ate. Bumabawi lang yan dahil may atraso yang lalaking yan sakin. Walang ibig sabihin yan. Wala lang talagang magawa yung mokong na yun." - ako.
"Sus. Bunso. Kilala kita! Tigil-tigilan mo ko sa reverse psychology na yan dahil alam ko kinilig ka! Wag kang magdedeny sakin. Ano? Kinilig ka o hindi? Sagot!" - ate Brenda.
"Oo na. Sige na. Matahimik ka lang, ate." Paismid kong sagot pero medyo nakangiti.
Impit na tumili si ate kaya tinakpan ko uli ang bibig nya. "Ano ka ba, ate? Wag ka ng maingay. Natuturete na ko!"
Inalis nya ang kamay ko. "Naku, Bunso. Ayan na. Dyan na magsisimula yan. Jusko. Kinikilig ako. Balitaan mo ko kapag kayo na ha? Di ko muna sasabihin kina Nanay, saka na pag kayo na." Saka siya umalis.
Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan.
Hay naku, Pards. Ang sarap sanang kiligin kung di ko lang alam kung bakit mo to ginawa. Alam ko namang ginawa mo lang to para makabawi sakin. Napabuntong hininga ako. Pero bakit di pa Cardo ang nilagay niya. Bakit kailangan pang Sir Billy? Anong balak ng lalaking yun?! Ipahiya ako? Bumalik na naman yung inis ko.Pagtapos maghugas ng pinggan, dumiretso na ko ng kwarto para magpahinga nang maalala ko... Jusko! Biyernes na nga pala bukas! Pre-final exam na namin sa Phil Lit! Buti nalang naalala ko para naman makareview pa ako ng konti. Naalala ko si Cardo. Di sya nakapasok nung Miyerkules kaya malamang di nya alam.
Ano, Glen? Itetext mo ba o hindi? Kinuha ko ang phone ko. Napahinto ako. Kung itetext ko siya, baka naman isipin nya bati na kami. Ibinaba ko ang phone ko. Kaso nagsalita ang kabilang bahagi ng utak ko. Glen, please lang. Ang OA mo na. Kung tutuusin, di ka naman dapat magalit e! Desisyon nyang di pumasok. Labas ka na dun. Pinairal mo na naman kasi yang selos mo. Konsensya mo pag di pumasa si Cardo sa subject na yan. Di siya gagraduate at habangbuhay kang makukunsensya! Nainis ako! Dinampot ko ang cellphone ko at d-in-ial ang number ni Cardo."Pards." - Cardo
"Prefinal exam bukas. PhilLit. Same time. Wag mo ko sunduin. Bye." - ako
At tinapos ko na agad ang tawag. Siguro naman, di na ko makokonsensya. Sinabi ko naman sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya.
Cardo's POV
Napabuntong-hininga ako. Galit pa rin si Glenda. Kainis. Ayaw nya pa na sunduin ko sya bukas. Asar. Kaya ayoko nagagalit sakin tong si Glenda. Ang hirap pa man ding suyuin. Tsk.
Nilabas ko ang notes ko para magreview sana kaso di ako makaconcentrate. Galit pa rin si Pards sakin. Di ako mapakali. Bumaba ako ng kama at nagtimpla ng kape. Pipilitin ko nalang magreview. Siguro kung maipapasa ko ang Pre-final exam bukas makakabawi ako. At sigurado di na magagalit si Glen.Kinabukasan. 7:50AM
Mga ilang hakbang papuntang room, nakita ko si Glen papasok na rin. Napatingin siya sakin. Ngumiti ako saka kumaway kaso umiwas siya ng tingin. Napakamot nalang ako sa batok. Hay. Kaya ayokong nagagalit si Glenda e. Nakakastress. Binilisan ko ang lakad papasok ng room at naupo sa tabi niya. Well, wala siyang choice kasi kami magkatabi sa seating arrangements. Isa pa, irreg kami. Puro 2nd year mga kaklase namin, hindi namin kilala.
Pumasok na yung teacher namin.
"Everybody. Get one whole sheet of yellow paper and fold it into two columns."
Automatic nagpatong ng one whole si Glen sa desk ko. Nagkatinginan kami. Nakalimutan yata niya na galit sya sakin. Umiwas sya ng tingin. Natawa naman ako ng mahina.
"Please pass the testpapers and you may start immediately. You have an hour to finish your exam."
Nang makarating sakin ang testpaper, gusto kong himatayin. Di ko alam yung mga sagot dito! Wala sa nireview ko. Tumingin ako kay Glen at nakita ko ang worried look niya sakin pero nagbawi din agad ng tingin. O juice ko! Pag sinuswerte ka nga naman! Bahala na! At sinimulan ko ng sagutan ang exam.
After 30 mins..
Andami ng nagpapass. Pati si Glen. E tutal wala na rin naman talaga akong alam. Nagpass na ako.
Nagulat ako nang makita ko si Glen na naghihintay ako sa labas ng pinto.
"Pards.."
Feel free to comment.
Happy reading. :)
BINABASA MO ANG
Di Nya Kasi Alam
Fanfiction*Disclaimer: Ang story po na ito ay inspired ng FPJ's Ang Probinsyano. Inadapt ko ho ang characters dahil sobrang hooked ko po sa story. Characters lang ho ang similar sa story pero iba ho ang storyline. Sana ho walang magalit. Love love love. ❤ CAS...