Glen's POV
12:14 AM
Binasa ko uli ang mga text ni Cardo
Cardo:
Pards, kilala mo ba si Carmen Guzman?
Pagkabasa ko palang dito, alam ko na kung saan pupunta ang usapan namin. Typical Cardo Dalisay. Tsk tsk.
Cardo:
Nakita ko na ang forever ko.
Cardo:
Totoo na to this time.
Ngali-ngaling sugurin ko siya sa bahay para batukan e. Bwisit! Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang sinabi tong linya na to. TOTOO NA TO THIS TIME. Lagi nalang.
Minsan talagang di na niya kaya ng puso ko ang pinaggagagawa nitong kaibigan ko. Kailan kaya siya titigil. Kailan kaya yung ako naman.
Binatukan ko ang sarili ko. "Glenda! Magtigil ka nga. Hayan ka na naman. Hindi pa kaya ng puso mo ang magtapat kaya tumigil ka na sa kaiisip ng ganyan, at wala rin namang mangyayari!"
Huminga ako ng malalim. Kung sabagay, yang si Cardo hanggang umpisa lang naman. Napakadali nitong magsawa. Basta sagutin siya ng babae, isa o dalawang buwan lang magsasawa na ito. At maghahanap na ng bagong prospect. At knowing Carmen, hindi nito papatulan si Cardo! Ideal girl si Carmen. Matalino, maganda at mabait. At for sure, hindi nito gugustuhin si Cardo. Si Cardo na babaero at maloko. I know Carmen knows better.
Magkaklase sila ni Carmen nung 3rd year sila. Transferee ito at maraming nacredit na subjects kaya iilan nalang ang kinukuha nito. Ngayong sem, PT nalang yata at isang subject ang kinukuha nya. Mabait si Carmen. Ideal woman nga na approachable pero tahimik. Mahinhin. Dalagang Pilipina. Kaya ipupusta ko ang atay ko na di matatypean ni Carmen si Cardo. Hah! In your face, Pards!
-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-
Cardo's POV
Kagabi bago ako maglog out sa Facebook, nagsend ako ng friend request kay Carmen. Nagpalit pa ko ng Profile Picture. Syempre dapat yung gwapo.
Binuksan ko uli ang FB ko at may notification ako...
Jusko.
Carmen Guzman accepted your friend request.
"Yes!" Naibulalas ko sa sobrang tuwa. "Online siya!" Nangangati na ang palad ko na imessage siya.
Pero teka.. anong sasabihin ko? Syempre dapat galawang kalma muna, mahirap ng mapurnada.
Hi. Thanks sa pag-accept. :)
Send.
Takte. Parang kinakabahan ako na ewan!
After a few seconds.
Tumunog ang messenger.
Nakita ko nagpop-up ang picture nya! Syet! Nagreply sya! Pinindot ko ang chat head at binasa ang reply nya.
:)
Waaaaaaaaa! Parang tumalon ang puso ko na ewan sa simpleng smiley na reply nya! Mukhang may pag-asa ako!
Naglast reply ako uli.
Have a nice day, beautiful. :)
Sinara ko na ang chat head at nagoffline. Grabe! Parang di ko alam ang gagawin ko, e kung tutuusin sanay ako sa mga style na ganito e. Sa dami ba naman ng mga babae na niligawan ko na. Pero bat ganito, kay Carmen parang di ko talaga malaman kung anong tactic ang gagamitin ko. Para ako uling nainlove for the first time.
Shet. Ang korni ko.
Bumaba na ko ng kama. At naligo. Kinikilig talaga ako. Soooon, Carmen. Magkikita rin tayo.
-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-X-
Glen's POV
8:55 AM
Kanina ko pa tinatawagan si Cardo. Bwiset! Di sumasagot!
May long quiz kami ngayon sa Phil Lit para sa Pre-finals.
Tinawagan ko uli.
"Cardo, please sagutin mo."
The number you have dialed is either-----
Pinatay ko na. Langya, Cardo. San ka na naman ba?
Lalabas sana ako para umuwi at puntahan sya sa kanila kaya lang pagtayo ko, siya namang pagdating ng teacher namin.
"Ms. Corpuz, please sit down. Everybody, prepare 3 pesos for your long quiz today. This will be your last quiz before your Pre-final exam. Do well. Hopefully, nobody is absent."
Nak ng. Patay ka, Cardo.
4PM
Last class. Dismissed na kami. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at dumiretso kina Cardo.
Pagdating konsa bahay nila, sinalubong ako ni Onyok.
"Ate Glen!!" Sabay yakap sakin.
"Nyok!!" Kuha ko sa kanya.
"Namiss kita, ate!"Siya namang labas ni Lola Flora. "O, Glen..nandito ka pala. Nagmerienda ka na ba?"
Nagmano ako sa kanya. "Kakatapos lang ho, Lola. Nasan ho si Cardo?"
"A. Nasa kwarto. Wala daw syang pasok ngayon e."
Napabuntong-hininga ako. "Ah, La. Puntahan ko lang ho sya sandali." Binaba ko si Onyok. "Nyok, punta lang ako kay kuya Cardo mo."
Dumiretso ako sa kwarto nya. Di na ko kumatok. Naabutan ko siyang hawak ang cellphone at nakangiti. Sinara ko ang pinto.
"O, pards." Nilingon nya ko.
"Bat di ka pumasok?" Tanong ko.
"Huh? Anong pasok? Tuesday ngayon." Naguguluhang sagot niya.
Pinitik ko sya sa noo. "Ugok. Wednesday ngayon. Shunga mo, umabsent ka pa kung kelan last quiz na natin for Prefinals. Ungas ka talaga!"
"Ouch. Di ko alam."
Inagaw ko ang cellphone niya. "Ano na naman ba kasi tong pinagkakaabalahan mo?" Nakita ko may kachat siya. Carmen Guzman.Napapikit ako ng mariin. Ang sakit. Hinagis ko sa kama nya ang cellphone niya. Lumabas ako ng kwarto. Hinabol nya ko.
"Pards."
"Uwi na ko." Di ko sya nililingon.
"Ate Glen, bat aalis ka na?" Si Onyok.
Ginulo ko ang buhok nya at hinalikan. Di na ako kumibo. Lumabas na ako ng bahay.Pagdating ko ng bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nilabas ang cellphone at nagtype ng mensahe para kay Cardo.
To: Cardo
Sige. Carmen pa more. Sana maipasa ka nyan sa Phil Lit. Tandaan mo, second take mo na to. At pag di mo pa to ipinasa, di ka makakagraduate! Kamuntik pa ako madamay dahil hinintay kita kanina. Akala ko susunduin mo ko, mabuti na lang napagisip ko na mauna na. Sige lang. Tuloy mo lang yan. Pumasa ka sana sa gawa mo. Wag kang magrereply kung ayaw mong tamaan ka sakin! Mainit ang ulo ko sayo!
Padabog kong binagsak sa kama ang cellphone ko.
Kainis! Nababadtrip talaga ako. Ang tanga ni Cardo. Manganganib pa syang bumagsak ngayon.
"Wuuuuu! Mukha mo, Glenda. Sabihin mo nagagalit ka. Nagseselos ka. Dahil di mo akalain na papansinin ni Carmen si Cardo." Singit ng echuserang bahagi ng utak ko.
Naiinis talaga ako! Sana talaga ikaligaya nya ang ginagawa nya. Bwiset!
Feel free to comment.
Happy reading. :)
BINABASA MO ANG
Di Nya Kasi Alam
Fanfiction*Disclaimer: Ang story po na ito ay inspired ng FPJ's Ang Probinsyano. Inadapt ko ho ang characters dahil sobrang hooked ko po sa story. Characters lang ho ang similar sa story pero iba ho ang storyline. Sana ho walang magalit. Love love love. ❤ CAS...