Sinisipat-sipat ni Glen ang relo niya. Ala sais na. "Anak ng tinapang, Cardo yan. Anong petsa na wala pa. Magkakabunga na ko rito a?" Nakasimangot at inip na inip na siya. Nangangawit na rin sa kakatayo. May usapan kasi sila ng kaibigan na ililibre siya nito pagtapos ng klase dahil ginawa niya ang assignment nito sa Philippine Literature.
Lumipas ang mga limang minuto siguro, hingal na hingal na lumapit sa kanya ang kaibigan.
"Pards." Sabay kalabit kay Glen.
Di na nakapagpigil si Glen, binatukan niya ito. "Anak ng tinapa, pards. Pinaghintay mo na naman ako. Anong petsa na! 5pm usapan natin. Isang oras mo ko pinaghintay. Gusto mo na ba talagang mamatay?" Sabay umang ng kamao niya dito.
Natatawa namang hinawi ni Cardo ang kamao ni Glen na nakaumang sa kanya saka inakbayan ang kaibigan. "Pards! Sorry na. Ito naman. Sandali lang naman ako nahuli. Hinatid ko pa kasi si Patty e." Taas-baba taas-baba pa ang kilay nito.
Inalis ni Glen ang braso ni Cardo na nakasampay sa balikat nya at nagsimulang maglakad palayo. "Ay nako, Dalisay." Sabi ni Glen habang naglalakad. "Nakakahiya naman sa apelyido mo. Dalisay. Malinis. Walang bahid dungis. Pero yang galawan mo talaga, pards e." Sabay lingon sa likod. Nasaan na yung mokong na yun? Siraulo yun a. Hinayaan akong magsalitang magisa. Bwisit na lalaki. Luminga-linga siya sa paligid. Wala ang kaibigan.
"Glen!" Sa isang iglap ay nasa likod na niya ito. May hawak sa isang kamay na baso ng isaw, kwek-kwek naman sa kabilang kamay.
"O, peace offering. Wag ka na magalit. Pumapangit ka lalo." Tatawa-tawang sabi ni Cardo.
Lumapit si Glen dito at akmang sasapakin. "Tse! Banatan kita dyan e. Di mo ko makukuha sa paisaw-isaw mo na yan." Sabay hablot sa baso ng isaw. "Akina nga yan!"
Pabirong ginulo-gulo ni Cardo ang buhok ni Glen. "Kaya mahal na mahal kita Pards e. Di mo ko matiis. Hahaha."
"Alam mo pards.." sabi ni Glen habang ngumunguya. "Yang pambabae mo, tigilan mo na. Baka makarma ka dyan sa ginagawa mo. Malay mo, bigla kang mabaog."
Natawa si Cardo sa sinabi ni Glen. "Siraulo ka. Wag mo ngang sabihin yan. Baka magdilang-anghel ka."
"Eh maganda nga yun e. Para tantanan mo na yang kakababae mo." - Glen.
"Tss. Nagseselos ka lang e." Sabay punas ng sauce sa gilid ng bibig ni Glen. At inilapit niya ang mukha sa kaibigan. "Oh de kinilig ka? Hahaha."
Itinulak ni Glen si Cardo. "Oo. Kinilig ako, Dalisay. Sobra." Umakto pa itong nangingisay sa kilig.
"Sus. Sige. Ideny mo pa." - Cardo.
"Hahaha." Sarcastic na tawa ni Glen habang iniikot-ikot ang mata. "Kapal mo rin pards e no? Di kita type. Gusto ko matangkad."
"Hah! Di man ako matangkad. Gwapo naman ako. Gwapooooo!" Inilapit pa ang mukha kay Glen.
Itinulak ni Glen ang mukha ni Cardo palayo. "Oy, pards. Mahiya-hiya ka naman. Nagkakalat ka ng kasinungalingan."
Sukat doon ay lalo lang inilapit ni Cardo ang mukha niya kay Glen.
"Sige nga pards. Sabihin mo sakin na hindi ako gwapo."
Tumingin sa taas si Glen. "Hindi ka gwapo."
Idinikit ni Cardo ang ilong nya sa ilong ni Glen. "Ano ulit pards. Tignan mo nga ako sa mata." May nanunudyong ngiti sa mga labi ni Cardo.
Matapang namang sinalubong ni Glen ang tingin ni Cardo habang magkadikit ang ilong nila. "Hindi. Ka. Gwapo." Sabay tapik sa noo nito. "Manyakis ka talaga. Pati ba naman ako mamanyakin mo? Tara na nga. Umuwi na tayo" Sabay hila sa kaibigan.Cardo's POV
Naalala niya ang reaksyon ni Glen kanina habang binibiro niya ito. Epic talaga ang pagkaastig nito. Usually pag ang babae, tinitigan niya lalo pa pag ginamitan pa niya ng kanyang killer smile, naghuhugis puso ang mga mata ng mga ito. Pero iba si Glen. Epic si Glen. Astig talaga ang Pards niya.
Glen's POV
Matutulog na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Si Cardo.I love you, Glen. Goodnight
"Lintik na lalaking to. Hindi pa nakuntento kanina." Nagtype ako ng message at sinend kay Cardo. At natulog.
Cardo's POV
Binuksan ko ang text ni Glen.
Gago!
Natawa ako. Yan si Glen. Kakaiba si Glen. Kaya mahal ko si Glen.
Siyempre mahal ko si Glen dahil para ko na siyang kapatid. Kilala namin ang isa't-isa magmula bata kami. Sa lahat ng bagay ay magkasangga kami. Solid! Si Glen lang ang nagiisang babae na hindi ko binalak ligawan. Masyado kasing brusko si Glen. Parang hindi nito kailangan ng lalaki sa buhay nito. Maganda naman ito pero masyadong mailap sa lalaki.
*FLASHBACK*
Naaalala ko pa nung highschool kami. Malapit na ang JS Prom namin. Ilan sa mga kaklase naming lalaki ay nagpalakad sa akin para maging escort ni Glen sa Prom. Pero lahat ng mga iyon ay tinanggihan ni Glen. Kung sabagay, ayaw ko rin ang mga ito para sa kanya. Baka ano pa ang gawin ng mga ito sa kanya.
Kilala kong mga babaero rin ang mga ito katulad ko.
"Ikaw ba? May partner ka na?" Tanong ni Glen sa akin.
"Ako? Siyempre meron na. Ako pa ba, pards?" Ngingisi-ngising sagot ko sa kanya.
"Edi wow." With matching sarcastic facial exprrssion. "Sige na. Umuwi ka na. Magayos ka na. Magpakagwapo ka mamaya a?"
"Tss. Oo naman, pards. Ako pa ba? Sunduin kita mamaya a?" - Ako
"Sige." - Glen
Nang gabi ng JS Prom, nakabihis na ko at nasa labas na ko ng bahay nina Glen.
"Cardo." Si tay Nanding. Nagmano ako sa kanya.
"Di makakapunta si Glen sa JS nyo. Hayun. Nakahiga. Nilalagnat."
"Ho? Ay. Pwede ko pa ba siyang makita?" Sabi ko kay tay Nanding.
Hinarang naman niya ang daan ko. "Naku. Wag na. Baka mahawa ka pa. Pasensya ka na ha? Sige na. Pumunta ka na sa Prom ninyo." Inayos pa niya ang kurbata ko. "Napakagwapo mo ngayon a? Sayang. Di ka nakita ni Glen."
"Ano ho, tay?" Tanong ko.
"A. Wala. Sige na. Lakad na. Magiingat ka ha."
Naging masaya ang gabing yun. Maraming nagsasayawan at marami ring pagkain. Marami rin akong babae na naisayaw. Last JS na kasi namin bago maggraduate e. Sayang wala si Glenda. Natapos ang JS ng bandang 11PM. Hindi pa ako umuwi. Gusto kong dalawin si Glen kaya pumunta ako sa kanila kahit dis oras na.
"O, Cardo. Kumusta? Gabi na a. Katatapos lang ba ng JS niyo?" Sabi ni nay Lolit habang nagmamano ako sa kanya.
"Oho e. Pwede ko ho bang makausap si Glen, nay?" Tanong ko.
"Osige. Sandali. Gisingin natin." At pumasok na si nay Lolit sa loob. Pamaya-maya ay lumabas na si Glen. Halatang kagigising lang nito pero nakangiti naman.
"Bat nandito ka pards? Gwapo mo a!" Saka niya inilapit ang mukha sa damit ko. "At ang bangu-bango mo. Anong atin? Kumusta JS?"
Hindi ako sumagot. Sa halip iginiya ko siya sa gilid ng bahay nila.
"Hoy. Anong gagawin natin dito? Ang dilim dito!" Sigaw ni Glen.
"Relax. Sandali." Actually, di naman madilim dun. Nasisinagan naman yun ng liwanag ng buwan. Nilabas ko ang phone ko at nagpatugtog ako ng music. "When I'm With You" ng Faber Drive. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa balikat ko. Kinuha ko rin ang tatlong roses na kinuha ko sa school sa bulsa ko at inabot kay Glen.
"O. Since namiss mo ang huling JS natin. Ipapaexperience ko sayo." Saka ko na inilagay ang kamay ko sa bewang niya at nagsayaw kami.
*END OF FLASHBACK*Ganyan ko kamahal si Glen. At ganyan kami kakomportable sa isa't isa. Platonic relationship. Ganun ata yun e. Yung relationship ng isang babae at lalaki na walang romantic involvement. Purong friendship lang. Ganun ang meron kami ni Glen.
Feel free to comment
Happy reading. :)
BINABASA MO ANG
Di Nya Kasi Alam
Fiksi Penggemar*Disclaimer: Ang story po na ito ay inspired ng FPJ's Ang Probinsyano. Inadapt ko ho ang characters dahil sobrang hooked ko po sa story. Characters lang ho ang similar sa story pero iba ho ang storyline. Sana ho walang magalit. Love love love. ❤ CAS...