Chapter 9

14 7 1
                                    

~Candice's POV~

            Pagdilat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang cartolinang nakadikit sa dingding ng kwarto ko, ang bouquet ng carnations na nakapatong sa mesa at ang mga lobong lumulutang parin sa ceiling ng kwarto ko kahit ang iba'y nauubusan na ng ere. Naalala ko agad ang saya na dulot ni Travis sa buhay ko. Lagi siyang gumagawa ng paraan para mapasaya ako, at dahil duon ay napangiti ako. Tama nga sigurong siya ang pinili ko.

            Maya-maya'y nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito agad at tinignan kung sino ang nagtext, si Travis.


Rise and shine, beautiful. Miss na ni baby Ung at daddy Go si mommy Y. See you later my sweet Candy. I love you. <3

~Travis; 6:14 am


            Napangiti akong muli sa mensaheng nabasa ko. Hindi ko inakalang gigising siya ng ganuon kaaga para lang itext ako. At dahil sa text na 'yun ay ngayon ko lang napagtantong naiwan pala si Ung sa kotse kahapon. Buti nalang at sa sasakyan ni Travis 'yun naiwan, kung sa ibang sasakyan ay malamang nawala na si Ung.

            Makalipas ang ilan pang minutong pagtitig sa mga lobo sa ceiling ay bumangon na ako at nagtungo sa bathroom para maligo. Pasado alasais na rin naman at aminado akong matagal ako maligo kaya kelangan ko ng magsimula. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko si Travis mamaya.

            Matapos maligo at mag-uniporme, bumaba na ako para makapag-almusal na. Naabutan ko sa hapagkainan sila ate Dianne at Gerard na kasalukuyang kumakain. Tulad ng inaasahan ay ako nanaman ang nahuli. Malamang si kuya Jake ay tapos ng kumain.

            Binati ko sila ng may buong ngiti at nagsimula na ring kumain. Hindi pa ako tapos ay natapos na silang dalawa kaya nagpaalam na sila at bumalik sa mga kwarto nila upang maghanda na sa pag-alis.

            Sakto ang pagtayo ko nang matapos akong kumain sa pagbaba ng mga kapatid ko. Nakahanda na silang tatlo umalis.

            "Sa wakas ay hindi na ako malelate simula ngayon." mapang-asar na pagpaparinig ni kuya Jake pagkababa niya. Dahil mas maaga ang pasukan ng mga nasa high school ay sabi ni kuya madalas daw siyang nalelate dahil sa bagal ko.

            "You're welcome!" mapang-asar ko ring sagot ng may buong ngiti parin. Ayaw kong simulan ng hindi maganda ang araw ko kaya hindi ko na lamang pinansin si kuya.

            "Sobrang good mood mo naman ata." takang sabi ni kuya. Siguro nga ay good mood ako dahil maganda ang simula ng araw ko. Ngayon ang simula ng magagandang araw kasama si Travis.

            "Ganyan talaga 'pag in love." pagsingit ni ate ng pailing-iling pa habang sinisigurado ang laman ng bag niya. "Gerard, pakikuha naman 'yung payong ko sa kwarto, nasa taas ng mesa." pahabol na utos ni ate kay Gerard na pababa palamang ng hagdan.

            "Bakit lagi nalang ako 'yung inuutusan niyo?" pagrereklamo ni Gerard na hindi gumagalaw mula sa baitang ng hangdan kung saan siya huminto ng marinig ang utos ni ate.

            "Pag ikaw may pinabili sa akin, who you ka sa akin." sagot ni ate sa tanong niya at akmang siya nalang ang aakyat ulit para kunin ang payong niya.

            "Tinatanong ko lang naman kung bakit, hindi ko sinabing ayaw ko." malambing na sabi ni Gerard. "Kukunin ko na saglit. I love you ate." at umakyat na nga siya para kunin ang payong ni ate habang kami naman ay nagtawanan.

The Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon