~Christian's POV~
Nasa park lang ako, buti naman at medyo tahimik dito ngayon at walang ibang tao. 'Yun kasi talaga ang kailangan ko ngayon, ang katahimikan.
Ok na sana kaso lang may biglang dumating. Nandito na din si Caila, 'yung nabanggit kong manliligaw ko. Ano nanaman kayang masamang hangin ang nagtulak sa kanyang pumunta dito? At bakit ngayon pang medyo hindi maganda ang mood ko?
"Hi Chris! Mukha atang naasar ka nanaman sa Filipino subject niyo ah!" pang-aasar niyang bati sa akin. "Napagalitan ka nanaman ba?"
"Halata ba?" asar kong tanong sa kanya.
"Medyo." at hindi parin natinag ang masayang aura niya at biglang tumingin sa paligid na para bang may hinahanap. "Mukha atang hindi mo kasama si Candice na magwalk-out ngayon?"
"Sa palagay ko, naunahan mo lang siyang dumating. Malamang sa malamang kasi magwo-walk-out din 'yun sa klase. Tawagin daw ba kasi ako ni Mrs. Aquino na Troy. Ewan ko ba kasi sa teacher na 'yun, lagi nalang akong pinag-iinitan." medyo patawa-tawa ko pang kwento.
"Sus! Madali lang naman kasi talagang gawin 'yun. Ayaw ko lang naman talaga na magkagalit kami ni Candice kaya hindi ko ginagawa, pero madali lang naman talaga. Kung gusto mo nga gawin ko pa ngayon."
Habang nagsasalita siya ay nakita kong paparating sila Tracy kasama si intsik, si Clyde Go. Magkasama silang naglalakad papunta sa direksyon namin kaya sinabihan ko na si Caila baka kasi marinig pa siya ni Tracy. Kumaway siya nang makitang nakatingin din ako sa kanya kaya pasimple akong ngumiti.
"Huwag mo ng subukan. Hindi lang kasi siya sayo magagalit 'pag ginawa mo 'yan, pati narin sa akin. Ok lang siguro 'yung kay Mrs. Aquino kasi hindi naman kami talaga nag-uusap nung teacher na 'yun kung hindi importante. Pero ikaw, we're friends kaya don't you dare." pagpigil ko sa kanya ngunit dahil nakatalikod siya sa direksyon kung nasaan sila Tracy, hindi niya nakikita ang mga ito at hindi siya nagpaawat.
"Sus madali lang naman kasi talaga. Ganito lang oh," at bigla siyang tumayo na para bang may iaanunsyo. "Troy, Troy, Troy, Troy, Troy! Ang daling gawin diba? Gusto ko ngang isigaw sa mundo na mahal ko si Troy eh. I love you Troy Guevara!" at isinigaw niya pa.
Patay kang bata ka! Kahit sa 'di kalayuan ay nakita kong nagbago ang expression ng mukha ni Tracy bago siya tumakbo. Hinabol naman siya agad ni Clyde.
"Candy wait!" narinig kong sigaw ni Go bago din siya tumakbo para habulin si Tracy.
Nang marinig ni Caila ang boses ni Go, tumingin siya sa likod niya at malamang ay nakita pa niya si Tracy na tumatakbo papalayo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang mga oras na iyon. Gusto kong magalit kay Caila pero hindi naman pwede 'yun. Kapag ginawa ko ang bagay na 'yun ay para ko na ding dinagdagan ang problema ko.
"Uy Chris, I'm sorry. Hindi ko naman alam na nandun siya. I promise, hindi ko talaga sinasadya." malungkot at halatang kinakabahang sabi niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. "Sabi ko kasi sayo kanina 'wag eh. Kanina pa kasi sila nandun, papalapit. Galit nanaman tuloy siya sa akin. Alam mo bang kababati lang namin kanina? Akala ko ok na, pero ito nanaman. Pasaway ka kasi." at iyan nalang ang nasabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/67081951-288-k990428.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling
أدب المراهقينChristian Troy Guevara, one of the most popular guy is school. He has a childhood best friend and her name is Candice Tracy Guillermo. She's gorgeous, the most gorgeous girl in school. He saw her last when they were still on second year high scho...