~Clyde's POV~
Ako si Clyde Travis Lopez Go, galing ako sa isang mayamang pamilya pero hindi kayang buoin o bilhin nuon ang kasiyahan ko. Mula pagkabata ko ay isang babae lang ang minahal ko pero hanggang ngayon ay hindi parin niya ako kayang mahalin, si Candice. Siya lang naman ang gusto at kelangan ko para masabing buo ako at masaya.
Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero 'yun lang kasi ang naisip kong gawin. Alam ko kasing umiiwas si Candy kaya ko iyon ginawa. Iyon nalang kasi 'yung naisip kong way para lumayo siya kay Candy eh. I assume naman na ok lang 'yung ginawa ko kay Candy kasi siya naman ang nagsimula na iparamdam kay Christian na there's already something going on between us.
"Sa inyo rin! Congrats bro! You have a gorgeous girl." sabi ni Christian bago kami umalis. Mahina lang ang pagkasabi niya sa huling linya pero narinig ko parin. Hindi na ako sumagot kasi hindi naman na niya 'yun kailangan sabihin sa akin dahil matagal ko ng alam.
Nung medyo nakalayo na kami at medyo malapit na sa parking lot, tinanggal ko na sa pagkakaakbay ang kamay ko mula sa balikat ni Candy at tumigil para tumingin sa kanya. "Candy, I'm sorry..."
"Sorry for what? Ako nga ang dapat magsorry sayo, Travis. Nagsinungaling ka pa kanina dahil lang sa akin." malungkot na sabi niya.
Malamang sa malamang, nasaktan siya sa nakita niya. Makita mo ba naman ang mahal mong may mahal na iba. I should know kasi nasasaktan din ako ngayong nakikita ko siyang nasasaktan dahil sa taong mahal niya, taong hindi ako. Kasabay ng sakit ay ang inis. Inis dahil bakit kailangan niyang mahalin ang taong sasaktan lang siya, samantalang nandito lang naman ako.
"Sus, ok lang 'yun." masigla kong sabi tulad ng lagi kong ginagawa kahit na nasasaktan na ako. "Actually iniisip ko nga na sana ganu'n nalang talaga tayo. Nung sinasabi mo kasi 'yung mga sinabi mo kaninang nagkwekwentuhan tayo, naramdaman ko na may care ka rin pala sa akin. Siguro na carried-away ako sa kwentuhan natin kaya ko nagawa 'yun kanina." tumatawa kong sabi na para bang walang problema.
"May care naman talaga ako sayo, Travis. Sino bang nagsabing wala?" tanong niya at ngumiti siya, isang ngiting halatang pilit.
Napaisip ako sa tanong niya. Wala nga namang nagsabi pero minsan kasi kahit walang magsabi sa'yo kung iyon ang nararamdaman mo, wala ka na talagang magagawa kung hindi 'yun din ang isipin.
"Wala." maikling sagot ko nang masigla at nakangiti, sigla't ngiting praktisado ko na. "So saan nga pala tayo pupunta? Sabi mo kanina may pupuntahan tayo."
"Nagsinungaling lang ako kanina para makaalis na tayo pero since sinabi ko na rin naman 'yun, ikaw na ang bahala kung saan tayo pupunta, basta 'wag tayong aabutin ng super late ha?" paalala niya sa akin at hindi parin naibabalik ang sigla niya.
"O sige, tatawagan ko na then sila tito at daddy na pupunta tayong ng mall at medyo late na tayo uuwi." masaya ko paring sabi, umaasang sana ay mahawa siya sa kasiglahan ko.
"Ok... sige... sabi mo eh..." walang buhay at mabagal na sagot niya.
Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula na muli kaming maglakad. Hindi naman na mahirap hanapin ang auto ko dahil kakaunti nalang ang sasakyan ngayon dito sa parking area dahil pasado ala singko narin ng hapon, ngunit ginamit ko parin ang remote para iunlock at mas madaling hanapin ang auto ko. Agad naman itong nagrespond at umilaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/67081951-288-k990428.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling
أدب المراهقينChristian Troy Guevara, one of the most popular guy is school. He has a childhood best friend and her name is Candice Tracy Guillermo. She's gorgeous, the most gorgeous girl in school. He saw her last when they were still on second year high scho...