~Candice's POV~
Saan ba ako dinala ni Travis? Sa isang ice cream parlor. Katatapos lang naming kumain ng ice cream kaya hindi ko alam kung bakit niya ako dito dinala. Medyo madilim na rin naman kaya siguro hindi na pwedeng sa playground.
Nag-order siya ng ice cream at humanap naman agad ng bakanteng mesa pagkatapos. "Hindi mo kasi naubos 'yung ice cream mo kanina kaya naisip ko baka gusto mo pa." masayang sabi niya.
Ngumiti nalang ako at umupo. Sa totoo lang, kanina pa masaya si Travis, hindi ko alam kung bakit. Siguro ay sinusubukan niyang pasayahin ako, o kaya naman masaya lang talaga siya para kanila Christian at Caila. Sa totoo lang, bakit ba naman kasi siya malulungkot? Hindi naman niya gusto si Caila para masaktan siya ngayong sila na ni Christian.
"So Candy, paano na bukas? Paano na 'yung nasabi natin kanila Caila." tanong niya sa akin ng nag-aalinlangan pa.
"Huwag mo nang problemahin pa 'yun, Travis." sagot ko na sinusubukang magmukhang masaya. "Wala naman na akong magagawa kung sila na. At wala na rin siyang magagawa dahil buo na ang pasya ko. Kanina ko pa din ito pinag-iisipan." sabi ko ng nag-aalinlangan parin sa totoo lang.
Habang nasa byahe kanina ay iniisip ko na ang bagay na ito. Kahit pa sabihin at ipilit ko namang gusto ko si Christian, hindi na mababago nuon ang katotohanang sila na. Tulad nga ng sinasabi ng marami ay natututunan ang pagmamahal at naniniwala akong kung may label na kami ni Travis ay mas madali ko siyang matututuhang mahalin.
I took a deep breath and tried to look as happy as possible. "Oo na Travis, sinasagot na kita." buong ngiti kong sagot.
"Talaga!?" halatang puno ng duda pero masaya at gulat niyang tanong.
"Oo nga diba? Ayaw mo ba?" pang-aasar ko kunyari at patawa-tawa pa.
"Malamang naman gusto ko!" masaya niyang sagot pero hindi ko maintindihan kung bakit parang mukhang hindi talaga siya masaya, o baka ako lang ang hindi masaya. Hindi ko alam. "Matagal ko na kayang hinihintay na sagutin mo ako. So August 16, day kung kailan ako sinagot ni Candice Tracy Lim Guillermo."
"August 16, day kung kailan ko sinagot si Clyde Travis Lopez Go, ang first boyfriend ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to kasi ito 'yung araw kung kailan ilang beses ako prinotektahan at pinasaya ng first boyfriend ko." masaya kong sabi at pinisil ko ang pisngi niya.
"So sasabihin mo ba sa barkada niyo?"
"Yup. Sigurado namang nasabi na din ni Christian sa barkada na sila na ni Caila. No worries." sagot ko. Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya.
Hinintay lang namin ang order niyang ice cream at kumain ng tahimik. Nagsalita siya at kahit papaano ay sumagot naman ako pero hindi ko maintindihan, parang wala ako sa mood makipagkulitan sa kanya. Nakangiti siya pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang iba ang aura niya at nadadala ako nito.
Nang isubo ko ang huling kutsara ng ice cream ko ay agad siyang nagsalita. "Tara arcade tayo." masayang yaya niya pero ang aura niya ay ganuon parin. "But bago tayo pumunta duon, can we have a deal?"
Hindi ko alam kung maganda ba ang idudulot nitong deal na ito pero gusto kong pagbigyan si Travis. Lagi nalang ako ang pinagbibigyan niya, kahit ngayon lang, ako naman. At hindi naman nananalo sa akin ang isang 'yan. Pagdating sa laro ay mas magaling parin ako sa kanya.
"Sure, ano ba 'yun?" masigla kong sagot kahit na ramdam kong may mali.
"Every time na matatalo ka ikikiss mo ako, kung matalo ako ikaw na bahala sa dare."

BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling
Novela JuvenilChristian Troy Guevara, one of the most popular guy is school. He has a childhood best friend and her name is Candice Tracy Guillermo. She's gorgeous, the most gorgeous girl in school. He saw her last when they were still on second year high scho...